Chapter 7

18.8K 237 12
                                    

#ImNBSBnomore



Chapter 7



Georgina

Binaba ko ang telepono at bumalik na sa hapag-kainan.

"Sino 'yon?" tanong ni George pagkainom niya ng orange juice.

"Ah, wala, wrong number," sabi ko at saka kinuha ang kutasara't tinidor para makakain na. Minabuti kong 'wag na lang sabihin ang sinabi ni Ronald.

Ayoko! Ayokong hindi kami kumpleto sa birthday ng anak namin. First time naming magse-celebrate ng first birthday dahil 5 years old si Geeo nang makilala namin at inampon. Gia's our own child! She's our first. Dapat nando'n siya. Dapat kasama namin siya.

Nakatungo lang ako habang kumakain. Ayokong mapansin ni George na may nililihim ako sa kanya. Ayokong magtago ng kahit ano sa asawa ko. Pero this is different! Work over family? Family over work? Damn that CEO! Akala niya ay masisira niya na naman kami ng asawa ko? Hindi ako papayag!

Saka sabi naman ni George, kahit ano'ng mangyari ay hindi siya papasok sa birthday ng anak namin. Okay nang hindi niya alam ang sinabi ng CEO nila.

Kaso naisip ko, paano kung magtext si Ronald kay George? Paano kung mapilit niya si George na umattend sa meeting na sinasabi niya?

Napapikit ako sa inis!

"Asawa ko, may problema ba?" tanong niya at saka hinawakan ang kamay ko. "Parang balisa ka?"

"H-hindi. Wala. Ayos lang ako."

"You, sure?" paninigurado niya.

"Yeah."

"Daddy, don't be paranoid. Mommy said she's okay. Just believe her."

Napatingin ako kay Geeo. My little boy's not little anymore. Patuloy lang siya sa pagkain. 10 years old na ang aming baby cupid. Iyon ang nkalagay sa birth certificate niya sa orphanage na kinalakihan niya. Private ang bahay-ampunan na iyon kaya natuturuan ang mga bata ng higit sa dapat nilang malaman tulad ng English. Kaya laking gulat ko noon nang nagi-english si Geeo gayong sa orphanage lang pala siya nakatira. Kailan ko lang din nalaman na nakadalawang bahay-ampunan na ang anak ko. Nasunog ang ampunan na pinag-iwanan dito ng tunay nitong ina. Buti na lang at may sumuportang foundation sa ampunan na iyon at nilipat ang mga naiwang bata. Naalagaan ng mabuti sina Geeo sa private na orphanage na iyon.

Kitang-kita ko na ang kinalaki ng katawan ni Geeo. Hindi ko namalayan na habang lumilipas ang mga araw, lumalaki ang anak ko. Minsan isip-bata siya pero minsan, tulad ngayon, may maturity na sa sinasabi niya. Nawiwili na rin siyang mag-english ng mag-english talaga dahil pinasok namin siya sa  Child Development Center dito sa Dasma, isang kilalang private elementary school.

Madalas, nagpapa-cute pa rin ito at nagpapakita ng pagseselos kapag si Gia ang laging napapansin naming dalawa ni George. Mula nang magpakasal kami at inampon namin si Baby Cupid, ang tinawag namin sa kanya dahil sa damit nitong ganoon ang print noong sinurpresa ako ni George sa Enchanted Kingdom, hindi na namin nabanggit ulit ang katotohanang ampon ito. We treat him like our own child. He is really ours.

"Geeo's right. I'm okay, asawa ko," nasabi ko na lang.

"Okay."

Naging tahimik ang pagkain namin ng hapunan. Nag-request pa si Geeo ng dessert kaya agad na kumuha si George ng ice cream at gumawa ng banana split. Lagi naman kaming may prutas sa mesa. Nagtatatalon pa si Geeo nang matapos si George sa paglagay ng syrup sa ice cream. Napapangiti na lang ako. He will always be my Baby Cupid no matter what.

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon