Chapter 21

12.7K 190 13
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 21

Georgina


Kinaumagahan, pagkagising ko, masakit ang ulo ko. Parang nadagan ng kung ano o naumpog kung saan. Parang naalog na hindi ko maintindihan. Hindi naman ako uminom pero ganun ang feeling. Nakaka-stressed pa lang umiyak magdamag plus the fact na pagod. Hays. Pagkalabas ko sa guest room, dumeretso agad ako sa isa pang guest room na pinag-stay-an ni Blesie.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang malungkot na mukha ng best friend ko. Iyong kahit tulog siya, kitang-kita pa rin sa mukha niya na may pinagdadaanan siyang hindi maganda ngayon.

Pumasok ako sa kwarto at tumabi sa kanya. Inilagay ko ang mga ligaw na buhok niya sa kanyang tainga. Anong oras na kaya 'to nakatulog? Mukhang ngayon lang siya nahimbing.

Napatingin naman ako sa wall clock, alas otso pasado na pala. Siguradong nakaalis na si George. Hindi man lang niya ko ginising. Hindi siya nagpaalam na papasok na. Pinuntahan niya kaya ako sa kwarto kanina o nung pagkagising niya? Namimiss ko na ang asawa ko.

Bahagya kong nadiinan ang kamay ni B dahilan para gumalaw siya. Agad akong umayos sa pagkakaupo sa gilid niya. Maya-maya, narinig ko na ang pag-ungot niya na nasundan na ng paghikbi hanggang sa umiyak na siya talaga. Inalog ko na siya para magising.

"B, gising." Nananaginip siya.

"B-bakit mo na..nagawa 'yun sakin, Pat? Bakit?" Umiiyak ang best friend ko. Hanggang sa pagtulog niya, nasasaktan siya.

"Blesie," sigaw ko sabay yugyog sa kanya.

"G!" Agad niya akong niyapos. "May babae si Patrick, G. May babae siya."

Iyak siya ng iyak sa balikat ko. Garalgal ang boses niya, punung-puno ng sakit.

"Sssh," pagpapatahan ko sa kanya kasabay ng paghgod ko sa likod niya. Hindi pa rin siya makapaniwala.

Hinintay kong mapagod siya sa pag-iyak. Nang medyo tumahan na siya, kumawala ako sa pagkakayakap niya sakin.

"Okay ka na?"

Mapait na ngiti lang ang naging ganti niya.

"Tara, breakfast na tayo," pag-aaya ko.  Hinawakan ko ang isa niyang kamay at lumabas na kami ng guest room.

"Baba ka na. Sasaglit lang ako sa mga bata," sabi ko. Kasabay ng pagtango ni B ay pumunta ako sa kwarto nina Geeo.

"Good morning, Babies!" masigla kong bati sa mga anak ko. Akala ko kasi gising na sila at naglalaro. Tulog pa pala!

Si Geeo ay nakayakap sa hotdog niyang unan. Si Gia naman ay nakatulog sa pag-dede niya sa bote. Baka nagising na siya kanina at pinatulog lang ulit ni Nanay. Napangiti naman ako. Napagod din ang mga anak ko dahil sa party kahapon.

May pasok si Geeo mamayang hapon. Maya-maya ko na lang siya gigisingin. Humalik muna ako sa kanila bago ko sundan si B.

Pagdating ko sa kusina, pinaghahain na ni Nanay si B.

"Nak, umalis na si George. Maaga," ani Nanay Maria.

"Ah, opo," maiksi kong tugon. "Kain na tayo." Iniba ko na lang usapan.

"Nay, kain po," aya ni B kay Nanay.

"Tapos na ako. Sige't kumain lang kayo nang kumain."

Pagkalapag ni Nanay ng dalawang tasang kape sa mesa, umalis na siya sa kusina at pumunta sa labas.

"G, samahan mo ko," sabi ni Blesie. Napakunot naman ang nook o. Una agad pumasok sa isip ko na baka nagpapasa siya kay Patrick. Kinabahan ako. O kaya sa babae ni Patrick. Mas kinabahan ako!

"Ha? Saan?"

"Sa Laguna. Sa amin. Kina Mama. Kailangan nilang malaman." Hindi nawala ang katamlayan ng kanyang mga mata.

"Akala ko sa babae ni Patrick ka magpapasama," sabi ko sabay subo ng bacon.

"Kina Mama muna. Saka na dun."

Nasamid ako. Tahimik lang siya. Nagmadali akong kumuha ng tubig para inumin.

"Maryosep, B."

"Ano, sasamahan mo ba ko?" Hindi niya ko tinitingnan. Tinutusuk-tusok niya lang ng tinidor ang ham niya kasabay ng nanunudyong tono ng boses niya.

"Syempre naman," sagot ko. "Hindi kita hahayaang mag-isa ngayon, no. Baka kung ano pang maisipan mong gawin."

Hindi siya nagsalita pagtapos nun. Hanggang sa mag-ayos kami. Sabi ni B, bumalik daw muna kami sa kanila dahil kukuha siya ng gamit. Dun na muna siya yata sa bahay nila sa Sta. Rosa. Nagmamadali nga siya, e. Baka raw kasi maabutan sila ni Patrick. Masuwerte naman at pagdating naming, yung maid lang nila ang nandun. Hindi pa raw umuuwi si Patrick. Walang alam ang maid nila sa nangyari kaya dere-deretso ang pagsasalita nito at pag-iisyoso. Pinandilatan ko na lang mata para tumigil. Buti at kahit papano ay na-gets niya.

Habang kumukuha si B ng mga gamit niya, tinawagan ko sina Mama (ni George) para pakiusapan na sa bahay muna sila mag-stay ngayong araw hanggang bukas. Sabi kasi ni B, bukas na raw ako umuwi at tulungan ko siyang magpaliwanag sa parents niya. Pumayag naman si Mama at Papa. Si Mama ko kasi ay isinama nina Athan at Matt sa major event ng shop nila. Ibinilin ko na rin ang pagpasok ni Geeo at syempre, si Gia. Kaya naman sana ni Nanay Maria pero syempre, para safe talaga ang mga bata.

"Nandun na sina Tita, G?" tanong ni B habang pino-pony ang kanyang hanngang dibdib na buhok. Tumango ako. "So, let's go na?"

Hindi niya na ako pinagdala ng damit. Nandun pa raw sa kanila ang damit kong laging ginagamit pag dun ako nags-stay.

"Tara."

Nauna siyang lumabas ng Master's bedroom at sumunod ako. Nagpaalam na siya sa maid nila at sinabing ito na muna ang bahala sa kanya. Nandun naman sa labas, nakaabang, ang driver ni B.

"Saan po tayo, Ma'am," tanong ni Kuya Peter.

"Ay, wag na po Kuya Peter. Magbi-biyahe lang po kami ni Georgina. Salamat po. Samahan niyo na lang po muna si Te Patty dito," ani B habang palabas ng gate.

"Sigurado po kayo, Ma'am?"

"Opo. Kayo nap o muna bahala sa bahay."

"E, Ma'am. Saan po ba kayo pupunta? Kasama niyo po ba si Sir Patrick?" usisa ni Ate Patty. Hindi siya sinagot ni B. I faked her smile na lang na sinabayan ng panlalaki na naman ng mata. Ang slow ni ate. Kainis. Buti na lang at na-gets ni Kuya Peter ang gusto kong iparating kaya nang akmang magsasalita pa si Ate Patty ay tinakpan na ni kuyang driver ang bibig nito.

Sinundan ko na agad si B na naglalakad na palabas ng subdivision nila. Malapit lang ang bahay nila sa pinaka gate ng Hills and Crest.

Medyo hiningal ako dahil sa patakbo ko siyang hinabol. "Bilis mo."

"Ay sorry." Binigalan niya na ang paglalakad. "Hindi ka ba magpapaalam kay George na sasama ka sakin?"

Napatigil naman ako sa tanong niya. "Hindi na siguro," mahina kong sagot after kong i-process sa utak ko kung itetext ko ba siya o tatawagan.

Naisip ko kasi, natitiis niya ako, e. Dapat kaya ko rin. Kailangan din muna siguro naming ang space para makapag-isip at unwind. Baka sakaling sa pagkikita namin ulit, malimutan na namin ang nangyari. Baka kailangan muna naming ma-realized ang pagkakamali ng isa't-isa. Uuwi din naman ako agad bukas. O kaya baka hindi ko kayanin, umuwi ako agad mamaya kapag nakausap ko na ang parents ni Blesie. Hindi ko na rin kasi kayang mapalayo ng matagal sa mga anak ko. Hindi na ko kumpleto. Oo nga, ganun na lang. Uuwi na lang ako mamaya.

nayincyp on Facebook, Instagram and Twitter <3

www.facebook.com/nayinkofficial

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon