Special Chapter#2 - Chat

8K 162 13
                                    

#AACouple



Special Chapter#2 - Chat

Kauuwi lang ni Alex galing school. Member siya ng student publication ng university kaya ginabi na siya. May general meeting kasi sila para sa nalalapit na Intramurals. Hindi sila nagkita ni Geeo dahil pinauna niya na ito. Alas kwatro pa kasi tapos ang klase nito.

Matapos humalik sa Mama niya ay patakbo niyang inakyat ang kwarto niya. Hindi pa nakakapagpalit ng pambahay ay kinuha niya na agad ang laptop niya at in-open ang Facebook account niya.

She turned her chat on at saka hinanap kung online si Geeo.

"Yun!"

Masaya siyang nag-chat dito.

Alexine Herrera

Heart! :)

Seen 6:45pm

Napasimangot siya. Excited pa naman siyang makausap ito. Kanina niya pa kasi ito tinetext pero hindi nagre-reply. Naisip niyang baka may homework or research kaya chinat niya na lang. Tapos seenzoned? Mas okay sana kung hindi na lang din nito nabasa yung message niya, e.

Alexine Herrera

Busy?

Seen 6:50pm

Bahagya siyang nainis. Uso namang magreply! Pwede namang sabihin kung may ginagawa o kung naaabala ba ito.

Minabuti niyang magbihis na muna. Tinagalan niya sa loob ng CR niya para kung sakaling magreply na si Geeo ay ito naman ang maghihintay at mag-aalburoto. Pero naiinis siya lalo dahil wala itong reply.

Padabog niyang sinara ang laptop niya at bumaba na siya para kumain.

Binagalan niya ang pagkain ng hapunan. Nag-dessert pa siya ng blueberry cheesecake na uwi ng Papa niya. Namapak na rin siya ng Milo. Napatulog niya na ang bunso niyang kapatid. Pero wala pa ring message ang boyfriend niya sa kanya.

Magkasalubong ang kilay niyang binuksan ang Instagram account niya sa phone. Sakto Throwback Thursday! Naghanap siya ng mga luma niyang pictures sa FB na kasama ang crush na crush niya dati na si Craig, two years ang ahead sa kanya, same course as her boyfriend.

"Akala niya ha," aniya sa sarili.

Close kasi sila ni Craig. Kuya pa nga ang tawag niya rito. Ka-org niya kasi ito at sobrang approachable. Gwapo, matalino, mabait. Parang si Geeo lang though mas ma-appeal si Craig dahil mas matanda ito.

Dalawa lang silang nakakaalam na crush niya si Craig. Siya at si Geeo.

Marami silang pictures ni Craig sa phone niya dahil mahilig siyang magselfie e since cool lang ito ay napapapayag niya itong mag pose ng mag pose. Para lang silang magkapatid.

Hindi naman seloso si Geeo pero ibang usapan kapag si Craig na. Kaya ngayon, balak niya itong asarin dahil sa hindi nito pagpaparamdam. Hindi na nga sila sabay umuwi,e.

Pinost niya sa Instagram na naka-connect sa FB ang isa sa mga pinaka-cute nilang picture ni Craig. Nilagyan niya ito ng caption na: Let's hang out real soon, Kuya! Miss you! #tbt

Tinag niya pa ito sa dalawang accounts.

Chineck niya ang messages nila ni Geeo. Wala pa rin ang dami ng likes ng pinost niya, wala pa ring say ang boyfriend niya.

Hindi na siya nakatiis.

Alexine Herrera

Masyado ka ba talagang busy na kahit Hi di mo magawang ireply?

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon