Interview#1 - Geeo

6.6K 111 21
                                    

Interview#1 – Geeo



Nayin



May natanggap akong comment  mula sa isa sa mga readers ko. Naguguluhan daw siya sa age gap nina Geeo at Alex. Kilala niyo ba sila?  Naku, mukhang hindi pa yata? Tamang-tamang lang pala ang gagawin ko ngayon.

Inimbitahan ko si Geeo Alexander Steve Andrade upang ma-interview. Alam kong  mula bata pa siya ay may nagkaka-crush na sa kanya. Crush na crush ko rin ang batang iyan. Ready na ba kayo? Ako kasi medyo pa lang. Kinakabahan ako na kausapin ang mga sarili kong karakter. Haha.

Anyways, nandito ako ngayon sa Mcdo at kao-order lang ng Twister Fries. Ang mahal pala nito, no. Sayang minsan lang ito, e. Ang sarap!

Napatingin ako sa orasan ko. 7:39PM na. Wala pa rin si Geeo! Ang batang iyon talaga! Sinabi nang 7:30 ay dapat nandito na. Pareho lang naman kaming taga-Dasma. Tsk. Sabado naman ngayon at wala yung pasok.

Sa mga nagbabasa na ng First and Last 2, baka mailto rin kayo. Ang kwentong kasing iyon ay nagsimula sa 4th year high school pa lang sila. Dito sa First and Last, third year college na silang dalawa. Basta, malalaman niyo mamaya.

Nasaan na ba yun si Geeo? Hays.

Kinuha ko na ang phone ko at d-in-ial ang number niya. Yes, may cellphone number ako ni Geeo at ni George at Georgina. Lahat sila actually. Syempre. Close ko kaya sila. Hihi.

Ayan nagri-ring..

"Hello!" bungad ko. "Anong oras na po, Mr. Andrade?"

"Oras na para mahalin mo  ko."

Walanjo. Kahit na hindi ko siya kaharap ay nakikinita-kinita kong nakangisi siya.

"Shatap, baby cupid! Pumunta ka na rito. Naghihintay na ang fans mo."

"Fans? Akala ko ba tayo lang dalawa?"

"Yeah. I mean, yung mga magbabasa ng interview mo. Bilisan mo na!"

"Nandiyan na ko."

Wow. Nandito na pala siya. Ang mokong talaga na iyon, oo.

"Saan?" luminga-linga ako.

"Sa puso mo."

Di ako nag-blush! Feeling niyo. Kay Kevz lang ako kinikilig saka kay Elijah Montefalco, Kendrick Eusebio at iba pang fictional character pero hindi sa gawa ko. Haha

"Umayos ka, Geeo, a. Dali na kasi. Para makauwi tayo ng maaga."

Toot-toot.

Aba't binabaan ako!

Mukhang wala akong choice kundi maghintay. Ako nga naman ang may kailangan sa kanya.

"Hey."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Susubo sana ako ng fries, e. Istorbo.

"Geeo!"

Ayun at binatukan ko nga!

"Aww," ungot niya sabay upo sa harap ko.

Dito kasi ako naupo sa pang-dalawahan na table na bilog ang upuan, kulay purple at green. Sa medyo dulo sa second floor ng McDo. Ibi-video ko kasi siya mamaya. E mahiyain ang isang to.

"7:49 na!"

"Para 19 minutes late," sabi niya sabay kuha ng fries.

"Akin yan! Bumili ka ng iyo!"

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon