Chapter 35

10.3K 163 34
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 35

Georgina


Ala-una na ng hapon at nasa bahay kaming lahat. Masyadong mainit para mag-langoy. Mga takot yata silang mangitim. Ako rin pero mas nakakatakot masunog. Sobrang mainit ang araw at kahit maglakad sa buhangin ay ang hirap-hirap. Maging si Geeo ay hindi nakayanan kahit gustung-gusto pang magbabad.

Dahil sabi ni Gwen ay kulitin namin si Athan para maalis naman ang tingin niya kay Matt, ibinigay ko sa gwapong pinsan ni George si Gia ko. Sinabihan ko sina mama na wag kukuhanin si Gia kay Athan. Kanina ko pa di nakikita si Matthew. Siguradong busy yun. Feel ko rin na nakakaramdam na itong si Athan.

Si George wala pa rin. Si Ginny din. Saan kaya inutusan ni Auntie Lucy si George? Magkasama kaya sila? Pumunta kasi si Auntie sa bayan.

Nanood ng TV sina mama. Dahil hawak naman ni Athan si Gia ay pumunta muna ko sa kwarto. Chineck ko ang phone ko. Kanina ko pa nga pala hindi nahahawakan yun. Di pa rin ako nakakapagpost sa Instagram.

Sakto pagpasok ko ay narinig ko ang pagtunog nito. Natawag si Blesie.

"Kumusta ka?" Yan agad ang unang lumabas sa bibig ko. Syempre hindi ko pa rin sigurado kung okay na nga ba sila. Siya kasi, e. Hindi naman na nagparamdam after ng huli niyang text sakin. Kumusta na nga ba sila ni Patrick?

"Ikaw nga ang tatanungin ko niyan, e. How's your trip?"

"Kumusta ka muna?" pamimilit ko. I want to hear from her that she's okay.

"I'm fine." Parang bigla ko siyang na-imagine na ngumiti. I hope she is really smiling na. Ayoko nang makitang umiiyak at nasasaktan ang best friend ko.

"Kwento."

"G, tumawag ako para kumustahin ang Zambales Getaway niyo. Bakit ba ako ang tinatanong mo? Ikaw ang magkwento."

"B, kung di lang ako pinigilan ni George, hindi kita pasasamahin sa Patrick na yun. Isasama kita dapat dito."

Hindi ko maitago ang sarkastikong tono sa pananalita ko. Kahit anong gawin ni Patrick hindi ko pa rin siya mapapatawad sa ginawa niya kay Blesie.

"G, okay na ako. Okay? Wag ka ng mag-alala. Inaayos niya. Inaayos namin. Magiging okay din ang lahat."

Ayoko namang masira ang mukhang good mood ni B kaya hindi na ako nakipagtalo. Basta, hangga't hindi ko nakakausap yang si Patrcik, naku!

"So, how's Zambales?"

"Pagsisisihan mo talaga ang hindi pagsama sa amin dito pag nakita mo na ang mga pictures namin!" punung-puno ng kagalakan ang pagkukwento ko. "Ang ganda-ganda dito, B! Sobrang relaxing! Maganda na ang Baluarte pero mas maganda dito. Sobrang payapa. Sobrang blue ng dagat. Magkakulay na sila ng langit. Ang linis-linis pa. At higit sa lahat, ang sarap ng pusit!"

"Grabe ka talaga magkwento. Nang-iinggit ka, G, e."

Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi ako nang-i-inggit, 'no. Ang ganda-ganda lang talaga dito. Sobrang ganda." Napahalakhak na ako.

I imagine her pouting. Haha. I miss my happy best friend. Sana nga okay siya ngayon.

"Uuwian kita ng pusit. Don't worry."

"Buti naman."

"Ay, B. Alam mo ba, may tiyahin si George na ka-edad-an lang natin. Kamukha ko. Maiksi na nga lang ang buhok niya. Mas kamukha ko raw nong mahaba pa ang buhok."

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon