Chapter 14

13.2K 199 16
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 14

George



Hindi ko gustong magalit. Hindi ko gustong mainis. Pero bakit kailangan niyang ilihim sa'kin na tumawag pala si Ronald para sabihin sa'king may meeting pala sa main office ng Maevin ngayon? President Alvin Tiangco, the founder and owner of Maevin Company was there. He's looking for the representative of Maevin-Cavite who happened to be me pero wala ako roon. Hindi ako nakapunta.

Alam kong mahahati ang oras ko pero pwede namang gamitan ng time management diba? Kung sana alam ko, sana napakiusapan ko sila nag awing umaga na lang ang meeting at election para sa Board of Regeants. Saka ko ibubuhos ang buong hapon ko sa birthday ni Gia. Of course, I will not miss my little girl's party! Pero bakit kasi hindi sa'kin sinabi ni Georgina?

Nakatanggap ako ng text mula kay Ronald.

Thank you, Engr. Andrade for not coming to one of the most important meeting in the history of our company. Unfortunately, Maevin-Cavite didn't made it to be part of this year's Board of Reagents because OUR representative wasn't able to come even for a sec.

Here's Sir Tiangco's message for you:

"I am very disappointed to you, Engr. Andrade."


Ilang ulit kong binasa yan at naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa kamay ko. Isang once-in-a-lifetime chance ang nawala sa'kin nang hindi ko namamalayan.

Kapag kasi naging part ako ng BOR sa Maevin – Main, malaki ang chance na ma-promote ako. I could have become a CEO Engineer! Noong una kong na-meet si Sir Tiangco, nagpakitang-gilas ako. I have made my jobs smooth and perfect. Sa trabaho, hindi lang dapat tinatapos ang gawaing dapat mong gawin. Hindi ka lang dapat nakukuntento sa posisyon mo sa ngayon. Kailangan mong maging better kaysa noon. Kailangan mong maghangad na baling araw, ikaw naman ang boss. Syempre, sa mabuti at magandang paraan. Kailangan mong mag-set ng goals para sa kinabukasan ng pamilya mo. At kailangan mong tuparin ito para rin sa kanila.

Family first diba?

Sa araw-araw na gigising ako, pamilya ko ang dahilan kung bakit ako babangon. Para sa kanila kung bakit ako kikilos. Sila ang inspirasyon ko. Para sa kanila kaya ko gustong magtagumpay.

I missed a chance!  

Dahil sa naghalong inis at pagod, nahawakan ko nang mahigpit si Georgina sa braso at hinila ko siya patayo. Hindi na ako makangiti dahil sa inis na nararamdaman ko. Mukhang simpleng bagay lang ito pero hindi.

"Masakit naman, asawa ko. Bakit? May problema ba?"

Agad akong nakaramdam ng guilt dahil nasaktan ko siya. Pero masyado na talaga akong nadala ng emosyon ko.

"Let's talk."

"Dito na lang. Uuwi na rin tayo."

Malalim na paghinga lang ang naisagot ko sa kanya kasabay ng pagbitaw ko sa braso niya. Nakatingin lang ako ng deretso sa mga mata niya para kahit hindi ko sabihin, maramdaman niyang hindi ako okay.

Napalitan lahat ng saya ko sa buong araw.

I made the boss of my boss disappointed.

"Ano bang problema?"

Maya't-maya ang paglunok ko dahil hindi ko alam kung paano siya tatanungin nang maayos. Nang hindi niya sasabayan ang galit ko. Pero mali ang tyempo, e. Pagod kami pareho.

"Bakit hindi mo sinabing may meeting ako ngayon with our head?" Deretso kong sabi nang hindi bumibitiw sa pagkakatitig sa kanya. This is really a big deal to me.

Napalitan ng pagkagulat ang ekspresyon ng kanyang mukha. Naghintay ako ng sagot pero hindi siya nagsalita. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Tinatanong kita!"

Naningkit ang mga mata niya. Alam kong mangyayari ang ayokong mangyari. Magkakasabay ang galit namin.

"Kasi alam kong uunahin mo pa yun kaysa dito!" seryoso at pasigaw niyang sabi.

Buti na lang at kaunti na lang ang tao at nasa medyo gilid kami ng venue. Hindi pa kami nagkasagutan ng ganito ni Georgina. This is the first time kaya kaya hindi ko alam kung paano koi to iha-handle. Pero nakikinita-kinita ko na.... Babaliktad ang lahat. Ako ang galit at siya ang may kasalanan sakin pero magiging ako ang may kasalanan at siya ang magagalit. Ganyan ang mga babae, e.

Pag kami ang may kasalanan, kami ang manunuyo kahit gaano sila katagal magpakipot. Pero pag sila ang may kasalanan, magagalit pa sila at mangyayari, lalaki pa rin ang manunuyo. Damn this unfair reality!

"Sinabi ko na sayong hindi ako mawawala dito! Birthday 'to ng anak ko, hindi ko 'to pwedeng palampasin."

"Pero ngayon nagagalit ka dahil hindi ko sayo sinabi?" She laughed sarcastically.

"G, president ng kompanya ang imi-meet ko sana. Nawala sakin ang chance na maging head ng isang branch ng Maevin. G, para sa pamilya natin 'to."

Hindi kami nag-aaway na parang nasa palengke. Nagsasagutan kami, nagsisigawan ng konti pero in a manner na may pinag-aralan.

"Kita mo? Puro ka trabaho! Trabaho, trabahao, trabaho! Tapos ako, ayaw mong pagtrabahuhin?"

"So ano, kaya mo hindi sinabi sakin dahil ayaw mong umangat ang posisyon ko para magkaroon ka ng dahilan na kumbinsihin ako lalo na magtrabaho ka?"

Natahimik siya. Hindi ko rin sinasadya ang nasabi ko. Nadala na lang ako sa pag-uusap na ito.

Ito ang hirap sa mag-asawang parehong propesyonal at may maayos na trabaho, hindi mawawala ang pagkukumpara sa ano ang naitutulong at naibabahagi sa pamilya. I sighed.

She smiled bitterly. "Kung saan-saan na mapupunta 'tong pag-uusap na 'to. I'm tired. Uuwi na kami."

Tinalikuran niya na ako. Pero pinigilan ko siya.

"G, kinakausap pa kita."

"Ano ba?" aniya sabay tanggal ng kamay ko sa kanya.

"Hindi lang sa trabaho kaya ako nagagalit ngayon," seryoso kong tugon. "Wala ka kasing tiwala sa'kin."

"Oo, wala!"

Nagulat ako sa naging sagot niya.

"Ang hirap nang magtiwala sayo dahil yung simpleng hindi paguwi isang gabi at malalaman kong may kasama kang babae magdamag ay hindi ko kayang basta-basta na lang mapalampas! Oo, pinatawad na kita at gusto ko nang kalimutan pero nagawa mo na. Hindi ko alam kung sigurado ka ba na wala ngang nangyari sa inyo dahil lasing ka. George, I'm not just being a jealous wife here. Ang tiwala, mahirap maibigay, George. Pero mas mahirap ibalik."

Animo ako namalan ng boses dahil hindi ko magawang ipaliwanag ang sarili ko sa kanya. Hindi ko alam na sa ilang araw nang nakalipas ay may ganito pa rin siyang nararamdaman.

I broke her trust. At hindi niya pa pala tuluyang naibibigay ulit iyon sa akin.

Tningnan ko ang ekpresyon ng mukha niya pagkatapos sabihin iyon. Walang bakas ng luhang tutulo mula sa kanyang mga mata. Isang matapang na Georgina ang nasa harap ko ngayon.

"May masakit pa diyan sa sinabi mo," ani ko na bumasag sa katahimikan naming dalawa. "Mas masakit ang hindi ka paniwalaan ng sarili mong asawa na walang nangyari noong gabing iyon dahil tapat siya. At na hindi siya mawawala sa kaarawan ng anak niya dahil mahalaga ito sa kanya."

Masakit man sa loob ko, iniwan ko siyang nakatayo roon.



FB Page: www.facebook.com/nayinkoffcial

FB Profile: www.facebook.com/nayincyp

Instagram and Twitter: nayincyp

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon