Special Chapter #5 - Wiggle

4.8K 129 16
                                    

Special Chapter #5 – Wiggle



George


Maaga kaming gumising ngayong araw ng Sabado dahil ito ay isang importanteng araw sa aming pamilya. Hindi ko inakalang darating ang araw na ito. Sino ba naman kasi ang makakaisip na ang simpleng pamilya na gaya n gamin ay mapapanood sa TV?

Nakatanggap ng message sa Facebook si G na nagtatanong kung pwede ba raw kaming maimbintahan sa isang show ng Channel 7 (GMA), ang The Ryzza Mae Show. Hindi iyon agad na-reply-an ni G dahil baka scam lang o kaya kung anong trip. Hinayaan na lang muna namin ma-seenzoned ag nag-message.

Kinagabihan ng araw ding iyon ay may nag-add friend sa aming dalawa. Iyon ay ang nag-message ng invitation kay G. C-in-onfirm ko ito at ilang minute pagkatapos ay nag-message din sa akin. It has the same message as what G has received.

Bago kami nag-reply ay tiningnan muna namin ang profile ng "staff" daw na ito ng GMA. It seems to be legit. Nag-reply kami. Nakausap namin ito over the phone. M-in-eet na rin namin and yes, it will be air today, LIVE!

Sobra ang excitement ng pamilya. Sina Mama ay nauna na sa studio at sobrang excited. Si Geeo naman ay pinakiuspan ko pang mabuti na sumama dahil ayaw raw nito. Well, my son's a shy type like me. We're so alike when I was his age.

Kumain kami ng breakfast, nag-ayos at nagbihis ng terno-terno. Pare-pareho kami nina Geeo at Gavin na naka-White and Blue stripes na polo shirt at black pants. Ang akin namang mag-ina ay naka-yellow na dress. Nagpa-picture pa kami kay Nanay Maria sa byahe bago kami umalis. Syempre, pinost iyon ni G sa Instagram.

8AM nang magbiyahe kami papunta sa GMA7. Hindi naman kami na-traffic kaya nakarating kami bago mag alas-diyes.

Kinausap kami ng mga staff tungkol sa mga magaganap. Si Ryzza, ang sobrang cute na host ng show, na raw ang bahala sa amin.

Nang nagsimula na, nakakatuwa ang naging pagtanggap sa amin ng mga audience. Hindi man kami mga artista ay napapasaya raw namin sila dahil sa mga pictures na pinopost namin sa Facebook. Noon ko lang din nalaman na may Youtube Channel na kami na noong isang buwan pa pala ginawa ng asawa ko.

"Ang cute cute po ng pamilya niyo, Tito George," sabi ni Ryzza sa akin. "Pwde po ba akong makisali?"

Puro tawanan na naman ang narinig namin. Nakakatuwa talaga si Ryzza. Ang bibo-bibo pa.

"Oo naman, Ryzza. Welcome to our family," sagot ko rito.

"Gia, kapatid mo na ako." Hinawakan niya si Gia na noo'y nakupo lang at may hawak na Barbie doll na binigay ni Ryzza kanina. "Tawagin mo akong Ate Ryzza."

"Ate.."

"Ryzza."

"Ate Ryzza."

"Yehey!" sigaw ni Ryzza sabay palakpak. "Paki-picture-an nga po kami," sabi niya sa isang staff ng show niya. Kumandong siya sa akin at pumose. "Look up po!"

Ilang click din ang narinig ko.

"Bakit po ang tahimik mo Kuya Geeo?"

Si Geeo naman ang nakita niya.

My son just smiled and said, "Nakakahiya."

"Ang pogi-pogi mo kaya Kuya Geeo. Wag kang mahiya. Be proud!"

Nagtawanan kami ulit dahil para na itong matanda kung magsalita.

"Tita G, ang ganda-ganda mo po. Para kang artista," the little girl said a-matter-of-fact.

"Thank you, Ryzza," humble na sabi ng asawa ko. "Ikaw din maganda."

"Maliit na bagay."

Tawa na naman kami nang tawa.

Marami pa kaming napagkuwentuhan hanggang sa nangulit na ang cute na si Ryzza na mag-sample daw kami ng aming mga talent. Una niyang kinulit si Geeo. Wala namang nagawa ang anak ko kaya kumanta ito ng chorus ng Pusong Bato. Iyon kasi ang ni-request ni Ryzza at nagsabay pa sila.

"Kuya George, kumanta na si Kuya Geeo. Sayaw ka naman."

Nagulat naman ako.

"Hindi ako sumasayaw Ryzza. Kakanta na lang din ako.

"Sasayaw na yan! Sasayaw na yan!" pang-aasar niya, clapping her hands.

"Sige na nga. Sabay tayo."

"Sige po. Wiggle wiggle."

Sige nga at masubukan.

Nag-play na ang tugtog...

"Asawa ko.."

"Hmm..."

"Asawa ko, gising na."

"Hmm..."

"Pupunta pa tayo kina Mama."

Tamad kong dinilat ang mga mata ko.

"Magwi-wiggle wiggle na ako."

"Ano?"

Nagising ako. Hays! Panaginip lang pala!

"Nandun na, Asawa ko, e. Sasayaw na ako, e."

"Parang kang baliw na naman, George."

"Hays!" Hinila ko siya at niyakap. Napahiga tuloy siya.

"Ano ba? Bangon na. Ikaw talaga."

Tumayo siya agad. Tumayo na rin ako para mapigilan siyang umalis. Niyakap ko siya patalikod.

"Gusto kong mag-wiggle wiggle. Panoorin mo naman ako."

Natuwa talaga ako sa panaginip ko, e.

"Ang baliw mo, Asawa ko."

"Tururuttut..tut..tut.." sabi ko. "Wiggle wiggle.."

Tatawa-tawa na naman si Georgina. Sinayawan ko kasi siya. Tumingin ako sa salamin at inulit ang ginawa ko. Nakakahiya pala. Hindi ko na uulitin.




www.facebook.com/nayinkofficial

nayincyp on Facebook, Instagram and Twitter

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon