Chapter 20

13.8K 239 23
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 20

George


Magkahalo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sino ba naman ang hindi sasaya kung ang akala mong nasayang nang pagkakataon ay bumabalik sa'yo? Ngayon ko na-realized na totoo ngang may naniniwala sa kakahayahan ko. Salamat talaga sa pag-unawa ni Sir Tiangco. Pero mas salamat dahil sa pagligtas sakin ni Ronald.

Sa kabilang banda, kakaiba ang nararamdaman ko sa sinabi niyang seminar sa Batangas. Dalawang linggo pa. Si Georgina agad ang pumasok sa isip ko. Una, hindi pa kami okay. Pangalawa, siguradong babalik na siya sa trabaho sa linggong ito.

Nagkaroon ng dead air sa loob ng opisina ni Ronald. I don't know what to say. Syempre, gusto ko. Pero hindi agad ako maka-oo. Kaso, wala nga pala akong choice.

"It's just a yes or a yes, Engr. Andrade." Ani Ronald habang hinahawakan niya ang name plate niyang gawa sa marble na nakapatong sa mesa niya. Kitang-kita ang Ronald C. Lourd, Chief Executive Officer. Hindi niya masabi kaya sa mga kilos niya pinaparating sa akin kung sino siya at kung ano lang ako dito. Napabuntung-hininga ako.

"Thank you, Sir."

Iniabot ko kay Ronald ang aking kanang kamay para makipag-shakehands sa kanya. I guess he already knew what that means. At tama nga ako. Dahil sa pag-abot niya sa kamay ko ay nakita ko ang bahagyang pag-angat ng kurba ng kanyang labi.

Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ang ipinararating niya. Minsan talaga, nawi-weirduhan na ako kay Ronald. Dati naman, okay kami. Ewan ko. Kahit sino talaga nagbabago.

Lumabas na ako ng opisina niya at pumunta sa akin. Naupo ako sa swivel chair ko at hinilut-hilot ko ang noo ko.

Time passed by and it's already noon. Natapos ng pagoon na lang ang kalahating araw ko. Nakatunganga sa laptop, nag-aayos ng plano, naga-approve ng mga ginawa ng mga handle kong engineer.

Ang hirap pa lang kumilos at makisabay sa mga kaganapan sa buhay kung ang dahilan kung bakit ka nabubuhay ay wala. Hindi pa yata ako nakakangiti mula pa kanina. Ramdam ko rin ang pangungunot ng noo ko.

Nagpabili lang ako sa secretary ko ng pagkain sa cafeteria. Wala rin ako sa mood na lumabas pa. Paano na ba kasi? Kailangan kong magpaalam kay G. Kailangan bago ako umalis, okay na kami. Kaso masyadong matagal ang dalawang linggo.

"Sir, ito na po ang lunch niyo," ani Margarette, secretary ko. "Saka ito po pala, pinapabigay ni Sir Lourd." Iniabot niya sa akin ang isang brown envelope.

"Salamat."

"Sige po, Sir."

Pagkalabas ni Margarette ay agad kong binuksan ang envelope. What I saw is a 10-pages contract. Para rin itong memorandum. Aprubado ni Sir Tiangco, Ronald at ng ilang foreign investors and partners ng Maevin.

Kinabahan ako. Kahit pala tumanggi ako kanina kay Ronald, wala akong magagawa dahil settled na. May memo na at kasama ang pangalan ko sa ipapadala sa Batangas para sa nasabing training.

Binasa ko ng mabuti ang kontrata o memo na pinadala.

Napapakagat ako sa labi ko sa mga nababasa ko.  Stay in sa Baluarte Resort sa loob ng dalawang linggo. Mula alas otso ng umaga hanggang alas syete ng gabi ay may naka-schedule na kung hindi seminar ay meeting o kaya training sa field. Magiging busy ako sa mga sandaling iyon. Natatakot ako na kung magkakabati kami ni G ngayon ay magkakatampuhan na naman dahil sa tagal na hindi magkikita. Syempre, mamimiss ko ang mga anak ko. Pero kailangan, e. Buti na lang nga at Batangas lang.

Kung pasamahin ko na lang kaya sila?

Tinapos ko ang pagbabasa. Wala namang nakalagay na hindi pwedeng magsama ng pamilya. May hotel kaming tutuluyan na exclusive sa Maevin at sa mga kompanyang kasali din sa seminar. Iyon pa ang ikinagulat ko. Ang seminar palang magaganap ay hindi lang para sa Maevin kaya magiging strict daw ang mga organizers.

Pwede namang sa katabing hotel ko patuluyin ang mag-iina ko pag nagkataon. Wala naman sigurong magiging problema dun.

Sa naisip ko, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Kakalimutan ko na ang nasabi kong titiisin ko ang asawa ko. Hindi ko kaya. At dapat hindi iyon binalak gawin.

I signed the contract as my approval for the terms and condition for the upcoming seminar. Ipinadala ko ulit iyon kay Margarette para ibalik kay Ronald.

Minadali ko ang pagkain ng tanghaliang pinabili ko para matapos ko na ang project design na bukas na ang deadline. Naayos ko na 'to bago mag-birthday si Gia kaya for finalizing na lang. Hindi ko na kailangang mag-OT. Dapat makauwi ako agad para makapag-usap na kami.

Sa isang araw na ang seminar. Masyadong minamadali. Siguro dahil sa kailangan na talaga ng mga engineer para sa Moontrust.

Pagpatak ng ala singko, madali kong in-off ang laptop ko at niligpit lahat ng documents na nasa table ko. Mabilis akong lumabas ng kompanya at tumungo sa parking lot. 

Parang napalitan ng excitement ang kaba ko kanina. Makakausap ko na kasi ang asawa ko. Miss na miss ko na si G. Hindi madaling hindi siya kibuin, a. Mahal na mahal ko kaya yun.

Pinaharurot ko ang kotse kaya nakuha ko ng 30 minutes mula Rosario hanggang sa subdivision namin. Nasa mood akong pumasok sa gate. Laking gulat ko nang makita ko si Papa sa garden, kakuwentuhan si Tatay Roger.

"Pa," bati ko sabay lapit sa kanya at mano. "Napadaan po kayo?"

"Dito kami mags-stay ng mama mo hanggang bukas," paliwanag ni Papa.

Tumango na lang ako. Namimiss na siguro nila ang mga apo nila. Sumenyas ako na papasok na sa bahay.

Sinilip ko muna ang mga bata. Pagpasok ko sa kwarto nila ay nandoon si mama, binibihisan si Gia. Si Geeo naman ay gumagawa ng assignment niya.

"O, 'Nak. Nakauwi ka na pala."

Nag-bless ako at humalik kay Mama. Saka sa prinsesa ko at kay Baby Cupid.

Kinakabahan, pumunta na ako sa kwarto namin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at hinanap agad ng mga mata ko ang gusto nilang makita. Kaso wala siya.

Pumunta rin ako sa dalawang guest room pero walang Georgina. Wala rin si Blesie.

Bumaba ako sa kusina at nagtanong na kay Nanay Maria.

"Nay, si G po?"

"Hindi ba siya nagsabi sayo, hijo?" Kumunot ng noo ko. Napailing din si Nanay. Napagtanto niya sigurong hindi pa kami talaga okay ng asawa ko.

"Nagpasama si Blesie. Uuwi muna sa probinsiya nila. Ipapaliwanag ang kalagayan niya ngayon. Hindi naman matanggihan ni Georgina," paliwanag ni Nanay.

Napanguso ako ng wala sa oras.

"Kaya pinapunta niya sina Mama at Papa mo para makasama namin ni Tatay mo dito sa bahay habang wala siya. Saka nasabi niya na pagbalik nila, papasok na siya ulit."

Hindi na dinugsungan ni Nanay ang sinasabi niya ng mapansin niyang wala talaga akong ideya sa mga nalalaman niya.

Bakit hindi man lang nagtext sakin si G na aalis siya?

Mag-asawa kami,  diba? Kahit hindi kami okay ngayon, sana nakuha niyang magpaalam!


FB Page: www.facebook.com/nayinkoffcial

FB Profile: www.facebook.com/nayincyp

Instagram and Twitter: nayincyp

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon