Chapter 26

11.4K 192 16
                                    

#ImNBSBnomore



Chapter 26

George




That one minute of my life is so damn ridiculous! I hate myself! I'm so stupid! I betrayed my wife for a minute! That one minute that I regret! Shit! Shit! Shit! Ano ba itong nagawa mo, George?

Nasapo ko ang noo ko sa sobrang pagkainis sa sarili ko. Matapos ng pangyayaring iyon na nagawa kong halikan din si Ginny, umalis na agad ako sa bar. Hindi naman ako lasing pero bakit ko iyon nagawa? I damn hate Ronald Lourd! Alam kong siya ang tumulak kay Ginny! Then this girl insisted the kiss. Hindi ko alam kung anong problema niya. Baka may gusto siya sa akin pero shit! Why did I respond?

Bago ang paghalik niya, naalala ko na nakikita ko ang asawa ko sa kanya. Tinawag ni Ronald na G si Ginny. Isa lang ang G ko. Si Georgina lang. Sa sobrang pagka-miss ko sa asawa ko, nakita ko siya sa kamukha niyang kasama ko. Pero kahit na! That isn't a valid excuse, George!

I massaged my temple. Nandito ako ngayon sa tabing-dagat. Pinaalis nga ako ng caretaker ng Baluarte dahil off-limits na raw ang beach kapag gabi pero pinaliwanag kong hindi naman ako maglalangoy. Uupo lang kako ako. Kailangan ko lang mapag-isa ngayon.

Nahiga ako sa buhanginan. Tanging liwanag lang ng bituin at ng buwan ang nakikita ko. Malayo na ito sa bar at sa swimming pool pero malapit sa hotel. Ayokong pumunta sa hotel dahil siguradong susundan lang ako nina Ronald. Siguradong mang-aasar na naman si Ronald. Naiirita na talaga ako sa kanya. The last time I knew, we're friends. We're even like brothers pero anong nangyari?

Bumili ako ng bottled water bago ako tuluyang lumabas ng bar kanina. Binuksan ko iyon at pinangmumog. Nilinis ko ang labi ko. I don't like that kiss. Hindi ko magugustuhan ang kahit ano na hindi naman si Georgina ang gumawa sa akin. I only want my wife's touch, hug and kisses. Siya lang.

Naging marupok lang ako sa isang minutong iyon. Ginny's beautiful, hindi ko itinatanggi iyon. Kaya nga nakita ko sa kanya ang asawa ko. Wala naman sa aking nababanggit si G na kamukha niyang kamag-anak niya. Siguro ay katulad lang iyon ng cases ng ibang tao na kahit hindi magkadugo ay magkahawig o magkamukha. Nami-miss ko lang talaga ang asawa ko. Hindi ko gusto ang nangyari and I promise hinding-hindi na iyon mauulit. Tama nga ang sabi nila, kahit gaano ka katapat, kung ang kasama nama'y hindi, mapapasama ka pa rin.

Tinakip ko ang isang braso ko ang mga mata ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ito ang pinakamalalang nagawa ko sa asawa ko. That night na natulog kaming magkatabi ni Ginny, hindi ko gusto iyon. Sigurado akong si Ronald din ang may kagagawan noon. Itong paghalik ko sa ibang babae, nasa huwisyo ako. I responded at alam ko iyon. Pero kasi...Ugh! I just so damn miss my wife!

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Daig ko pa ang isang taong tumakbo ng malayo. Kahit anong sabihin ko o gawing pangungumbinsi sa sarili ko, wala pa rin. Ako pa rin ang may kasalanan.

Ite-text ko sana si Georgina pero naiwan ko nga pala ang phone ko sa hotel.

Napalingon ako sa gilid ko ng may narinig akong umiiyak. Hindi ako pwedeng magkamali, babae siya at humihikbi. Ayoko na sanang makialam. Sa mga nagagawa ko, kahit hindi ko sinasadya nagiging mali pa rin. Ayokong sa simpleng pagtulong ko lang sa iba, magkaroon na naman ng ibang kahulugan. Muli ko na lang ipinikit ang mga mata ko.

Pero patuloy pa rin ang hikbi ng babae. Dinig na dinig ko.

"Sssh.." May kasama pala siya. Naririnig ko rin ang pagpapatahan ng kasama niya sa kanya. Hindi siya nagsasalita. Iyak lang siya nang iyak.

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon