Chapter 27

11.9K 185 25
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 27

Georgina



Umiiyak akong lumayo sa bar na iyon. Sobrang sakit. Ganito pala ang pakiramdam na makita mo ang sarili mong asawa na...may kahalikang iba. Na bukod sa'yo ay may iba pang babaeng nakatikim sa mga labi niya, nakalasap ng matamis niyang halik. Akala ko ba akin lang siya? Bakit ganito? Anong nagawa ko para magawa niya sa'kin yun?

Daig ko pa ang lasing sa paglakad-takbo ko patungo sa tent namin. Pinagtitinginan na ako ng nakakasalubong ko pero wala akong pakialam. Ang ganitong sakit ay mahirap pigilan. Hindi ko kayang kontrolin ang luha ko. Parang pinipiga ang puso ko. Para itong tinusok ng higit isang libong karayom. Ganoon kasakit ang nararamdaman ko. Ganoon kasakit. Ganoon...

"G! Bakit? Anong nangyari?"

Nakarating ako sa tent naming. Pumasok ako rito at hindi ko napigilan ang malakas kong paghikbi.

Nilapitan ako ni Blesie at kahit na lumabo na ang paningin ko dahil sa pag-iyak ay natanaw kong nag-aalala siya. Sino ba namang hindi. Ang masayang ako kani-kanina lang ay daig pa ang namatayan kung umiyak ngayon.

"B."

Iyon lamang ang nasabi ko at niyakap ko na siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa best friend ko. Hindi ko magawang maidilat na ang mga mata ko. Kinakagat ko na ang labi ko para hindi ako makagawa ng ingay. "B-B..." Nagsusumamo ako kay Blesie na hinahagud-hagod ang likod ko.

Akala ko masaya na ulit. Akala ko okay na kami. Akala ko... Akala ko lang pala.

"Ano bang nangyari? Kinakabahan ako sa'yo, e," aniya nang hindi bumibitiw sa pagkakayakap sa akin. "Uy, G.."

Ang bilis-bilis ng paghinga ko. Hindi ko talaga masabi. Hindi ko kaya..

Lumipas ang ilang minute na ganoon lang kami. Iyak lang ako nang iyak. Pero siguro't nataranta na si Blesie kaya kumawala na siya sa pagkakayapos ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Ano bang nangyari?"

Tinakip ko ang aking mga kamay sa bibig ko. Hindi ko magawang tumigil sa pag-iyak. Ito lang ang kaya kong gawin ngayon. Iiiyak ko ang lahat ng sakit hanggang sa mawala ito. Sana nga mawala. Kahit unti-unti, basta mawala.

Huminga ng malalim si Blesie at saka ako binitawan. Tumayo siya at lumabas ng tent. Naiwan akong...umiiyak. Walang kapaguran ang mga mata ko. Niyapos ko ang aking mga tuhod at idinikit ko ang aking baba rito.

Kung anu-ano ang mga naiisip ko. Noong isang araw lang, si Blesie ang nagukwento sa akin. Siya ang umiiyak sa akin. Habang pinakikinggan siya, natatakot ako dahil baka mangyari rin sa akin. Baka magawa rin sa'kin ni George. Tapos ngayon...nangyari nga. Nagawa niya rin.

Naramdaman ko ang pananakit ng mga mata ko. Siguradong magang-maga na ito ngayon. Bumalik si Blesie ng may dalang tubig.

"Uminom ka muna ng mahimasmasan ka," aniya sabay abot sa akin ng dala niya. Tinanggap ko iyon dahil pakiramdam ko'y nanununuyo na ng matindi ang lalamunan ko. Uminom ako at bahagya akong napatigil.

"G, ano bang nangyari?" Malumanay ang pagkakasabi ni B. Alam niyang hindi ako iiyak ng ganito kung ordinaryo lang, kung simple lang. "Sabihin mo. Makikinig ako."

Nagpunta kami dito sa Baluarte para makapagsaya, makapag-unwind. Para kahit konti lang malimutan namin ang mga problema. Para makapag-relax man lang sana bago naming sabihin sa parents ni B ang pagdadalang-tao niya at ang tungkol kay Patrick. Pero mukhang hindi lang siya ang magpapaliwanag sa mga magulang niya ngayon.

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon