Special Chapter#1 - Case

9.7K 166 23
                                    

Namiss ko lang sila kaya ayan, special chapter. Hehe. Sorry kung waley. Haha





Special Chapter#1 – Case




Naisipan ng mag-asawa na mag-SM dahil matagal-tagal na silang hindi nakakapag-mall. Sabi rin sa kanila ni Nanay Maria ay mag-date naman sila. Masyado kasi nilang sinusubsob ang kanilang mga sarili sa trabaho. Hindi nila namalayan ang paglipas ng panahon dahil lagi silang masaya at magkasama.

35 years old na ang dating 'I'm 20 but still NBSB' na si Georgina pero hindi ito mapapansin sa kanya. Para pa rin siyang dalaga dahil sa simpleng ganda at bata niyang itsura. Ganoon din ang kanyang asawang lagi pa ring nasusundang ng tingin ng mga kababaihan of all ages.  Nagkaroon lang ng ilang silver hair si George at naging mas manly ang mukha pero gwapong-gwapo pa rin tulad ng dati. Malaki na ang kanyang mga anak at maligayang-maligaya sila.

May katandaan na ang kanilang kasambahay maging ang asawa nito pero malakas pa rin. Hindi nagkakasakit at tila ba nakatakdang gabayan  maging ang mga anak nila. Mapuputi na ang mga buhok ng mga ito at kulubot ang balat pero walang pinagbago sa pagmamahal ng mga ito sa kanila. Kaya ng sabihan sila ng matandang babae na magliwaliw naman ay napagdesisyunan nilang mag-SM.

"Bakit naman sa SM mo gustong pumunta?" tanong ni George  kay G.

"Bibili ako ng phone," nakangiti niyang sagot.

"Ipagpapalit mo na ang iPhone mo?"

"Nope. May pagbibigyan ako."

"Sino?"

"Si Mama."

Ewan ba nila pero ang parents nila ay parang tumatanda ng paurong. Lalo kasing nahilig ang mga ito sa mga gadgets. Laro nang laro ng Candy Crush, Clash of Clans, 2048 at kung anu-ano pa. Sila nga ay hindi nasubukan man lang ang mga iyon pero their parents were addicted. Hindi naman nila masaway dahil doon lang naman ito nawiwili. Wala na rin kasing ginagawa ang mga ito kundi mag-alaga ng mga apo. Sa bahay na kasi nila pinatira ang Mama niya at parents ni George. Si Gwen na lang ang naiwan sa Quezon dahil graduating na ito sa college.

"May tab pa si Mama, a?"

"Nasira. Ilag beses na niyang nalaglag."

Natawa si George. Kabibili niya lang din kasi ng tablet para sa Mama nito tapos ngayon naman si G ang bibili para rin sa Mama niya.

"Tab na lang. Bakit phone?"

"Para all in one na. Yung malaking phone bibilhin ko."

Napatango si George. Hindi nga pala touch screen ang cellphone ng Mama ni G.


Pagdating nila sa SM ay pinark muna nila ang sasakyan bago dumeretso sa extension ng SM Dasma kung saan naroon ang mga gadgets. Nag-escalator sila para makarating sa kataasang floor at inisa-isa nila ang mga stalls.

"Bakit wala?!" naiinis na sabi ni G.

"Ano ba yung hinahanap mo?"

"MyPhone Rio!" aniya sabay lakad sa kasunod na bilihan ng mga cellphone.

Nakita niya kasi sa katrabaho ang unit ng phone na iyon. Kinalikot niya at nagandahan siya. Isa pa, mura lang kumpara sa mamahaling brand na ganun din naman ang specs. Malaki pa ang screen nito kaya siguradong siyang magugustuhan yun ng Mama niya.

Naiinis siya dahil kahit sa mismong store ng MyPhone ay out of stock na ito.

"Try natin sa Bacoor," kalmadong sabi ni George sabay hawak sa kamay niya.

Kung titingnan sila ay para pa rin sila yung dati. Mas sweet pa nga sila sa ilang kabataang pagala-gala sa mall. Naka walking shorts lang si George at gree v-neck shirts samantlang naka jeans lang si G na tinernuhan ng sleeveless. Sino bang mag-iisip na nasa trenta at kwarenta na sila sa ayos na iyon?

"Last na yung store nay un, Asawa ko. Pag wala, ayoko na. Kakain na tayo," sabi niya at itinuro ang last sa mahabang helera ng mga bilihan ng gadgets sa floor na iyon.

Tumango si George at hawak-kamay silang pumasok sa Mega.

"May MyPhone Rio po kayo?" agad niyang tanong.

"Yes, Ma'am."

Halos mapatalon siya.

Hindi niya na hinayaang iexplain ng babae ang features ng phone na iyon dahil alam nya na. Si George ay naghihintay lang sa kanya. Nagbigay siya ng 5 thousand sa cashier at, "Keep the change," saka siya umalis at hinila si George.

"Sayang yung piso!"

4999 kasi ang MyPhone Rio.

Masayang-masaya si Georgina dahil naibili niya ng phone ang Mama niya.

"Asawa ko, balik tayo sa store ng MyPhone. Bili tayo ng case."

"Okay."

Pagkabalik nila roon ay nanlumo na naman siya dahil out of stock na rin ang jelly case.

"Wait mo ko dito," sabi niya kay George at inabot ang bag na naglalaman ng bagong biling phone.

Hindi na ito nakapagtanong kung saan siya pupunta dahil umalis siya agad. Napansin niya kasing napapagod na si George sa kasusunod sa kanya. Naikot na yata nila ang floor na iyon. Ngayon ay iikutin ulit niya para makahanap naman ng case.

Isa-isa niyang pinuntahan ang mga napuntahan na nila kanina. Pati case wala pa rin!

Pansin niyang nakatingin lang sa kanya ang asawa niya kaya nagmadali siya lalo hanggang makarating siya nabilhan nila ng phone at wala pa rin siyang nahanap na case.

Busangot ang mukha niya nang lapitan niya ang asawa.

"Tara na nga kumain. Ang dami-dami pang mall, e," sabi nito saka inakbayan siya.

Dumami na ang tao sa floor na iyon. Karamihan ay mga teens na namimili rin ng gadgets. Naiinis pa rin siya kasi hindi kumpleto ang bigay niya sa Mama niya.

"Yung case kasi. Gusto ko ng case!" sabi niya.

Napatigil pati si George at hinarap siya nito saka...hinalikan.

"Wish granted my wife." Ngiting-ngiti si George.


Pinamulahaan siya ng pisngi kasabay ng pag-yiiiie ng mga kabataang nakakita sa pangyayari.




www.facebook.com/nayinkofficial

nayincyp on Facebook, Instagram and Twitter



I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon