Chapter 33

12K 199 27
                                    

#ImNBSBnomore

Chapter 33

Georgina

Kumalma ako nang matanggap ko ang text ni Blesie. Hindi kasi ako hinayaan ni George na kamustahin man lang ang naging pag-uusap ng mag-asawa. Kinakabahan ako na nate-tense. Hindi ako mapakali. Naaawa ako sa best friend ko. Hindi ko pa rin alam kung sinabi niya na ba kay Patrick na buntis siya. Wag lang talaga magpapakita sakin ang babae ng bwiset na Patrick na yan!


From BFF

Salamat, G. Ako naman ang magte-take ng risk ngayon. Hindi ko na alam kung anong manyayari sakin ngayong tinanggap ko ulit siya. Kailangan siya ng magiging anak namin. Mahal ko siya. I will make everything to make this work.

Naluluha ako! Syempre gusto kk na silang magkaayos. Pero may epal, e. Dalawa pa sila. Alam kong walang kasalanan ang bata sa nagawa ng mga magulang niya pero.. Ugh! Di ko mapigilang hindi magalit. Kitang-kita ko kanina kung paano humagulgol si Blesie na para bang pasan niya ang mundo. Sigurado akong iyon yung time na sinabi ni Patrick na buntis ang kabit niya.


To BFF

If you need anything, just text me right away, okay? Pupunta kami ng Zambales ngayon. Isasama ka sana namin pero mukhang kailangan niyo muna ng oras na magkasama.

Nagulat na lang ako nang ibalita sa akin ng asawa ko na pupunta kami ng Zambales. Hindi ko na alam kung anong ekspresyon ang ipapakita ko. Halo-halo na kasi. Pagod sa trabaho, lungkot sa problema na B at excitement sa out of town. Mas magamda sana kung kumpleto kami.

From BFF

Enjoy lang kayo. Aayusin naman to. Sabihan kita. Enjoy G ha? Wag mo na akong alalahanin. Okay lang ako.

Napanatag ang kalooban ko sa sinabi niya.

Nang makauwi kami sa bahay, pasado ala una na. Nakaramdam ako ng antok. Naupo ako sa sofa samantalang si George ay dumeretso sa kusina. Tumunog ang cellphone ko.


From Ms. Vina Accounting

Enjoy your leave. Don't forget our pasalubong! Haha

Mukhang prepared na talaga ang Zambales Getaway namin, ha. Pinaalam pala talaga ako ni George sa office. How sweet. Napangiti ako.

Agad kong nireply-an si Ms. Vina. Sinabi kong bilang lahat silang accounting staff sa bibilhan ko nga mga pasalubong. Humingi rin ako ng sorry dahil kapapasok ko pa lang ay di na ako agad nakabuo ng isang linggo.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Laking gulat ko nang makita si Gia roon na buhat ni...

"Gwen!"

Halos mapasigaw ako sa sobrang galak. Ngayon ko na lang ulit siya nakita.

"Ate G! I miss you!" Nilapitan niya ako ako at humalik sa aking pisngi. Nagkiss din ako sa aking Gia.

"Dalagang-dalaga ka na,"sabi ko sa kanya. Humaba na kasi ang blonde niyang buhok at tumangkad na rin siya ng kaunti. Nakapag-girl pa siyang outfit: sky blue na skater skirt na tinernuhan ng light pink na sleeveless.

"Hindi naman , ate. Sinunod ko lang po payo ni mama na mag-ayos na ako," nakangiti niyang paliwanag. Napakaganda talaga ng kinse anyos na batang ito.

"Nagkita na pala kayo," ani George na kapapasok lang sa back door ng kitchen. "Gwen, nagawa mo na ba yung pinapagawa ko?"

"Aye, aye, captain!" Sumalido kay George ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi pa rin maalis ang kulit sa kanyang sistema.

Naalala ko noong dati na kinuwento sakin ni B na nagpakilala sa kanya si Gwen bilang girlfriend ni George. What a possessive sister is her.

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon