Chapter 16

13.4K 207 20
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 16

Georgina


"Akala ko ako ang iiyak sa'yo?" Blesie said while gently massaging my back. Bigla ko na lang kasi siyang nayakap dahil sa pagbuhos ng luha mula sa mga mata ko.  Bigla na kasing nanlambot ang tuhod ko, bumigat ang mga mata ko, uminit at sumakit ito. Nang makita ko si George na hindi ako kinikibo na hindi pa sa kwarto naming matutulog, parang nadurog ang puso ko. Hindi naman na kasi ito basta-basta away ng magkasintahan, e.

"B," ungot ko sa best friend ko. "Galit siya sa'kin."

Kumawala siya sa pagkakayakap ko sa kanya at iniayos ako ng upo. Napaub-ob na kasi masyado sa balikat niya. Pikit-mata akong lumayo ng kaunti sa kanya at saka sumandal sa sofa. Saglit pa lang akong umiiyak pero pakiramdam ko maga na ang mata ko.

"Ano bang nangyari?" tanong niya.

Kinusot ko ang mata ko dahil medyo nag-blurred na ang vision ko.

"Hindi ko sinabi sa kanya ang meeting nila sa main company ng Maevin. Tinawagan ako ni Ronald para sabihin yun kay George. Natakot lang naman ako, e. Baka kasi unahin niya pa yun kaysa sa birthday ni Gia," paliwanag ko. Ayan na naman ang mga taksil na luha. Agad kong pinahiran ito bago pa man tuluyang bumagsak. "Bago yun, napag-usapan na naming ang tungkol sa posibleng trabaho niya sa araw ng birthday ng anak namin. Pero nag-promise siya na kahit anong mangyari, hindi siya papasok at kami ang iintindihin niya. Syempre, naniguro lang ako. Ayokong magkaroon pa siya ng option na pumasok ngayon. Isang araw lang naman."

"Ang babaw naman yata ng asawa mo, kung dahil lang diyan kaya siya nagalit." Nakakunot na ang noo ni Blesie.

"Wala raw akong tiwala sa kanya," dahan-dahan kong sabi.

"Hmm.."

"Oo, inaamin ko kasama na rin yun. Kasi naman, B, pagdating sa trabaho, hindi na siya mapigilan. Parang walang na siyang ibang gustong gawin kundi magtrabaho. Para namang masisisante siya sa isang araw na pag-absent."

Hindi ko na napigilan. Naiyak na ako. Naalala ko ang ekpresyon ng mukha ng asawa ko nang nag-usap kami.

"Pero naisip ko lang, best friend, hindi naman mababaw ang pagkakakilala ko kay George. Alam mong hindi naman yun magagalit ng ganoon na lang," ani B.

Parang wala akong narinig sa kanya dahil biglang lumabas sa bibig ko ang pinaka nakasakit sakin na sinabi niya.

"Naging big deal pati ang trabaho namin. Pinamukha niya sa'kin na siya ang professional at ang may naitutulong sa pamilya. Pero ayaw niya kong pagtrabahuhin. B, alam mo ba yung pakiramdam? Kahit hindi naming sinasadya na magkasakita, dahil hindi kami sanay na magtalo, simpleng bagay, lumalaki. Minsan lang mgakaroon ng misunderstandings, parang ang sarap ng bumitaw."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga sinabi ko. Naghalu-halo na siguro ang sakit, pagkabigla, pagod at pag-aalala.

"Plus the fact that he slept with other woman!" bulalas ko. How I wish mahimbing nang natutulog si George at hindi niya maisip na magkukwento ako kay B nang nangyari.

Hindi ko na narinig na magsalita si Blesie. Ilang minute pa bago ko naprocessed sa utak ko ang huli kong sinabi. Other woman.

Ugh! G! Hindi pa nakaka-move on ang best friend mo!

Bakit ba inuna ko pa ang sarili ko kaysa sa kanya. Ako nga pala ang kailangan niya ngayon. I sighed.

"Sorry," panimula kong muli. I wiped my tears away. Stop crying, G. Best friend duties ngayon.

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon