Chapter 41

10.4K 198 25
                                    

#ImNBSBnomore



Chapter 41

Georgina




"Please na, Asavawa ko. Saglit lang yun."

"Ayoko."

"Please."

"A-YO-KO!"

Hays. Kanina ko pa sinusuyo si George pero ayaw niya kong payagan. Ni hindi man lang din pinapakinggan ang explanation ko.

"George, mag-uusap–.."

'Ta mo 'to! Tinatakpan ang dalawang tenga. Asar!

Nilapitan ko siya. Nakaupo siya sa papag at nagpapakabusy sa wala. Hinawakan ko ang mga kamay niya para di niya na matakpan ang tenga niya pero syempre malakas siya kaya parang nagsayang lang ako ng effort.

"Asawa ko, makinig ka nga sakin," ungkot ko.

Hindi ko na alam kung paano siya paaamuhin. Talagang galit siya at badtrip kay Ronald. Parang bata.

Hindi siya sumagot. Nag-pout lang siya at humalukipkip. After ng passionate get-together naming dalawa pagkatapos ng surprise niya sakin, naging sobrang sweet na ulit namin. As in! Parang teenager na magkahawak-kamay lagi. PDA at its finest! Lagi nga kaming tinitingnan ng masama ni Geeo dahil too close daw kami kahit maraming tao. Dapat daw in private lang yun.

Syempre, ako, naiwas na kaso itong si George ayaw magpaawat. Wagas ako yakapin, halikan sa pisngi at banatan ng mga chessy lines. Hindi naman ako makapagreklamo kasi gusto ko rin na ganun siya. Kinikilig ako.

Pero after ng breakfast, heto siya't parang batang nagtatampo. Sinabi ko kasi sa kanya na nagkausap kami ni Ginny habang naghahanda ng umagahan kanina.

"G, ahm, may hihingin sana akong pabor sayo," aniya habang kumukuha ako ng kutsaa't tinidor samantalang siya ay naglalagay ng kanin sa malaking plato.

"Sure, ano bay un?" mabilis kong sgaot.

Nagkaroon na kami ng closure ni Ginny after what had happened. That night, that kiss and her depreciating feeling of attraction to my husband who happened to be her nephew. Inamin niya sakin lahat, pinaliwanag. Nabingi na nga ako sa explanation dahil naipaliwanag naman na din sa akin iyon ni George.

Hindi ko pa rin napigilan ang pag-iyak ko noong kaming dalawa na lang sa tent. Habang nage-explain si George sa akin ay sobra niyang seryoso at talagang nakatingin saking mga mata. Nangingilid ang luha habang sinasabing mahal na mahal niya ako at hindi niya kakayaning mawala ako sa kanya. Ang tagal naming magkayakap noon until we both release each other and...kiss. The rest is history.

Ngayon, mas naging close kami ni Ginny. Wala na kong nakikitang dahilan para hindi siya pagbigyan sa hinihingi niyang pabor which is, "Mag-usap kayo ni Ronald."

"Ha?"

"He wants to talk to you. Alam kong alam mo na kung sino siya sa buhay mo pero marami ka pang kailangang malaman. Please listen to him."

"Ahm, sige. Pagkauwi natin."

"No. Mamaya na. He's here in Zambales, too."

I'm a bit shocked kasi bakit siya nandito? Sinusundan niya ba kami ni George? At bakit alam ni Ginny na nandito siya? Napangiti ako sa huli kong naisip.

"Oh, okay. Sige. Saan?"

"Dun sa may kainan bago makarating ng trekking site. Mga 11 siguro. Sabay na kayong mag-lunch. Maaga ang balik niya sa bayan kaya hindi magtatagal ang pag-uusap niya. He wants to clear things out lang. Kasabay siya ng ibang turista na sakay nung malaking bangka. Sund naman yung sa atin kaya pagbalik mo, may time ka pang mag-ayos."

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon