Chapter 15

13.8K 214 13
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 15

Georgina


Nakauwi kami sa bahay nang hindi nagi-imikan ni George. Si Gia ay dala ko, nakatulog na. Buti na lang at hindi napansin nina Nanay Maria na hindi kami okay ni George. Blangko lang ang ekpresyon ng mukha ko. Bakas na rin siguro ang pagod. Hindi ko naman magawang tingnan ang asawa ko.

Pagkadating naman, nakita ko agad si Blesie na nasa may garden. Nakaub-ob ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay na nakapatong sa maliit na mesa roon. Siguro inantok na rin ito dahil sa pagi-inom niya. Alas sais y media pa lang pero bagsak na kaming lahat.

Tumunghay si B nang maramdamang dumating na kami. Tumango ako sa kanya at sumenyas na dadalhin ko muna si Gia sa kwarto nila. Si Geeo ay nagmadali na ring umakyat.

"Kuya, linis muna ng katawan," ani ko. Baka kasi bigla na lang iyong sumalampak sa kama niya gayong pagod.

"Yes, 'My."

Hindi ko magawang lumingon para i-check si George. Nagpahuli kasi siya. Dumeretso na lang ako agad sa kwarto ng mga bata at binihisan si Gia.

Dahan-dahan kong hinubad sa kanya ang mini yellow gown niya at sinuotan siya ng kulay puting pantulog. Ang himbing ng pagkakatulog niya. Dahan-dahan ang pagkilos ko para hindi siya magising. Hinalikan ko siya at inamoy. Napakabango pa rin. Nakakatuwa talaga kapag may baby. Titigan mo lang, pakiramdam mo, unti-unti nang nawawala ang pagod at ang kung ano mang mabigat sa dibdib mo.

"Happy Birthday, baby ko," bati ko sa kanya sabay muling halik bago ko siya ihiga sa crib niya.

Maya-maya ay lumabas na si Geeo mula sa CR nang naka-pantulog na rin.

"Goodnight, mommy." Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Goodnight, baby cupid. Sleep tight."

Pumunta na ako sa kwarto namin. Ilang segundo rin akong napatanga sa pinto dahil kinakabahan akong pumasok. Hindi ko alam kung nasa loob na ba si George.  Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kung papansinin niya ba ako o papansinin ko siya. Hindi ko talaga alam. Hanggang ngayon, nagpa-processed pa rin sa utak ko ang mga naging pagsasalitaan naming dalawa kanina. Alam ko namang may kasalanan ako. Na-offend ko siya. Pero ganun din ang naramdaman ko.

Maybe this is really part of marriage. Bigla ko tuloy naalala iyong text message na natanggap ko noong araw na hindi umuwi si George. 10 ways on a happy and successful marriage

Still wondering kung para saan iyon at bakit may bigla-bigla na lang nagpapadala ng mga ganyan sa akin. Just like the 10 ways on how to have a boyfriend. Ito namang si ako, sinave ang message na yun.

Huminga ako ng malalim bago ko pinihit ang doorknob nang dahan-dahan. Unti-unti rin ang pagtulak ko sa pinto. Pinapakiramdam ko ng mabuti kung nandun ba si George. I felt relieved...wala siya.

Agad akong naglinis ng katawan at nagbihis ng pangtulog. 15 minutes at wala pa rin siya. Sa guest room siguro nagpalit o baka dun din siya matutulog. Ewan ko.

Nagmadali na akong mag-ayos para puntahan si B. Kanina pa yun naghihintay. Nagdala rin ako ng damit para sa kanya.

Pagbaba ko sa sala ay nandun na siya, nakaupo at nanood ng TV.

"B," tawag ko.

She turned his head on my direction and gave me a quick smile. Umupo ako sa tabi niya.

"Bihis ka."

"Sige."

Kinuha niya ang damit sa akin at pumunta na sa CR namin sa baba.

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon