Chapter 40

11K 173 20
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 40



Ronald



When I first saw her, my heart immediately locked itself. No girl could ever own it, only Georgina can. By looking at her, my day is beyond complete. Her mere presence makes me smile which I seldom do. Whenever I hear her voice, it's like I am at peace, hearing a beautiful music that my ears can't get over. When she's beside me or behind me, not knowing my existence, my heart is skipping a beat, like my lungs stop breathing. Exaggerated as it seems but it is the truth. I have been in love with her since the very first time I saw her.

 I couldn't imagine myself being this stupid because of a girl. Hindi ako ito, e. Hindi ako ganito. But love changed me. I am glad that it changed me and it is all because of G.

Noong nasa undergrad kami, dahil magkapareho kaming Business Magaement ang kurso though magkaiba ng major, lagi kaming nagkikita. Hindi kami naging magkaklase pero ewan ko ba't bigla ko na lang siyang nakita and poof! I am in love with her!

 Siguro sa umpisa, attracted lang ako. Sino ba namang hindi mapapatingin sa kany. She's very beautiful like an angel sent here from heaven. She's so simple na hindi na niya kailangan ng anumang make-up para mapansin ang kagandahan niya. At kapag nag-make-up siya at nag-ayos, hindi ko na alam. Siguro pag nakita ko siya, hindi na ko makakagalaw sa sobrang pagkamangha.

Syempre, bilang isang masigasig na admirer, alam ko ang schedule ng klase niya, alam ko kung saan sila tumatambay ng mga kaibigan niya, alam ko na scholar siya ng isang kompanya at nagtatrabaho na rin siya roon, at higit sa lahat, alam kong wala pa siyang nagiging boyfriend. Lalo akong na-torpe ng dahil doon. Walang naglalakas-loob manligaw sa kanya dahil hindi ko alam. Maybe, those guys aren't into her talaga. Or siguro, kagaya ko, alam nilang pag-aaral at pagtatrabaho lang talaga ang priority ni Georgina sa ngayon. Kaya hindi ako naglakas-loob. I never tried to court her but I did try to let her know that there is someone like me who's in love with her.

Nagdidikit ako ng mga sticky note sa freedom board ng college namin. Syempre, ayokong malaman nila na ako yun kaya sinisigurado kong walang tao kapag lalapit ako sa freedom board. Tapos, nag-eaves drop ako kina Georgina at sa mga kaklase niya noong nag-uusap sila. Sinabi ng mga ito sa kanya na mayroon nga raw siyang secret admirer.

"Tss," yan lang yung narinig kong naging reaksyon niya kasabay ng pag-irap niya tapos nawalan nan g ekspresyon ang mukha niya. Hindi ko malaman kung maganda bang senyales yun pero parang hindi, e. Simula noon, tumigil na ako sa pagpo-post at minamahal na lang siya sa malayo, sa mas malayo.

Naging mahirap ito para sa akin kasi para akong tanga. Wala akong kabarkada na nasasabihan ng feelings ko kay Georgina. Hindi ako nakikihalubilo. Bahay-eskwelahan lang ako. Did I mention that I am a geek?

Until one day, habang nag-re-review sa finals namin, naisipan kong gumawa ng 10 Steps on how to have a boyfriend. Todo-tago ako noon sa bahay dahil pakialam ng parents at kapatid ko ang laptop ko, sabihin pa nila bakla ako. I made that for G. That is the time when I decided to make a move. Para mapansin niya.

Ang plano ko noon, kapag ginawa na niya ang 10 Steps ay saka ako magpapansin sa kanya, bigla na lang siyang lalapitan halimbawa and will start being nice. Kaso isang malaking sablay ang pages-send ko noon sa kanya. He met a guy through Facebook dahil sa best friend niya. Paano ko nalaman? Kasi lagi akong nagi-inquire sa C&K para maging scholar o kaya ay mag-a-apply kunwari. Nakikita ko siya, sila.

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon