Chapter 3

21K 754 44
                                    

(Patugtugin ang Love Somebody by Maroon 5 habang binabasa)

Sana maging kaklase ko to, panigurado buo na ang taon ko.

Mga limang segundo nakatingin lang ako sakanya, limang segundo lang kasi baka matakot pa yun pag tumagal pa at sabihan akong manyak pero busy siya sa kausap niya kaya hindi siya napapatingin sa akin.

Bigla siyang lumingon lingon, at biglang tumayo. Dumaan siya sa harapan ko at may inabot siya sa nagbabantay sa labas ng lugar kung saan mag iinterview.

Promise, nung dumaan siya sa harapan ko tumigil din sa pagtibok yung puso ko.

Napahawak ako sa dibdib ko nung pagdaan niya, t*ngina. Ano nangyari sakin? Tinamaan na ba yung puso ko.

Limang segundo akong nakatulala, nakatingin sa malayo at iniisip ko lang "Inlove na ba ulit ako? Bat ngayon lang ako tinamaan ng ganito? Anong nangyari sa manhid na Gabe noon, nawala na ba nung may nakita akong babaeng maganda at sa totoo lang hindi ko alam kung anong mayroon sakanya?

"Gabriel Diaz?" Ang gumising sa tulala kong sarili.

Ako na pala yung sunod sa interview, pero hindi dahil sa interview kaya kinakabahan ako.. kinakabahan ako dahil alam kong nakatingin siya sa likod ko.

Bago ako pumasok sa pinto sumimpleng sulyap muna ako sakanya.

Nagulat ako kasi nakatingin din siya.

Napangiti ako pagkapasok ko, alam kong kaya kong sagutin ang kahit na anong tanong sa interview. Lets get it on!

"So, why SUP?" Sabi ng interviewer

So basic naman po pala..

Bigla akong napatayo.

"I chose SUP because, SUP is one of the best engineering school in our country and someday I want to be a product of SUP as their engineer." Sabi ko

Pagkatapos kong sumagot nanlumo ako.

Bakit ako tumayo...

Pero ok naman kasi napangiti yung nag iinterview.

-----------

Tapos na sa interview!

Pagkalabas ko wala siya, di ko alam pero napahanap agad ako sakanya.

Asan ka na ba?

Paikot-ikot pa ako ng tingin.

At pagtingin ko sa likod, nandun siya naglalakad, papunta sakin.

Nag-iimagine lang ba ako? Kung panaginip to walang gigising sakin! Hahampasin ko ng kahit na anong mahawakan ko ang gigising sakin.

At... hindi pala siya pupunta sa akin uupo lang pala siya at dumaan lang sa harap ko.

Buti nalang pagdaan niya hindi na tumigil sa pagtibok yung puso ko, lalo pang lumakas yung tibok ng puso ko.

At dahil sa suot niyang kulay abo (gray). Tatawagin ko na siyang abo.

Alam ko maraming nakagray sa mundo, pero hindi sila ang babaeng naka kulay abo na nakita ko at naging dahilan para magbukas ulit ang aking puso. Ang babae na naka kulay abo na tinignan ako bago ako pumasok ng pinto.

At bago ako umalis para umuwi tinignan ko muna siya, antahimik lang niya, pero hindi naka dekwatro nakabukaka pa, nasabi ko na bang nakabrace siya? Mahigpit siguro magulang niya kaya pati ngipin pinabakuran na.

Tinignan ko siya sa huling sandali, kahit hindi nagtagpo yung mata namin alam kong buo na araw ko. Alam kong sulit yung pagpila ko ng mahaba, dahil nakita ko si abo, di ko man nalaman yung pangalan niya atlis nakita ko siya.

----------

3 votes para sa chapter 4 :D di ko alam kung may nagbabasa ba talaga eh ahahaha

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon