Chapter 19

10.3K 285 8
                                    

"Uy hi!!" Sabi ng kaklase ko si Gwen.

May itsura rin siya huh.

Chinita, yung mata ngumingiti kapag nakangiti siya.

Kami ang magkapartner ngayon kasi magkasunod ang apilyedo namin.

Diaz at De Leon.

"Hello." Sabi ko at ngumiti.

"Pansin ko ang tahimik mo. Pag magkasama lang kayo ni Lexi maingay." Sabi niya.

"Hindi lang talaga ako maingay."

"Syempre tahimik nga eh. Hahahaha." Sabi niya at natawa.

Natawa na rin ako kasi ang cute talaga ng mata niya.

Pero wala pa ring tatalo sa mata ni Lexi. Mahahabang pilikmata niya na lalong nagpapaganda sakanya.

"Sabagay." Sabi ko.

"Gwen De-"

"Gwen De Leon. Alam ko pangalan mo kahit tahimik ako." Sabi ko.

"Stalker pala kita." Sabi niya.

Assuming din to eh.

"Hindi ah." Sabi ko.

"Alam ko. Joke lang yon. Observer ka lang. Tahimik ka lang pero malalim ka mag-isip." Sabi niya.

Wow. Pano niya nalaman?

Natulala lang ako at napaisip kung paano niya nalaman.

"Na shookt ka ba? Hahaha. Nalaman ko lang yun kasi inoobserbahan din kita. Parehas lang tayo siguro." Sabi niya.

"Shookt na shookt. Ayaw mo rin ba ng by group na daldalan? Gusto mo dalawa lang kayong magkausap pero lahat ng topic ok lang." Tanong ko.

"Sobra. Ayoko ng maraming kausap. Kahit isa lang ayos na ako." Sabi niya.

Ambivert.

"Parehas tayo, kaya pala pansin ko tahimik ka lang din." Sabi ko.

"Oo." Sabi niya at nginitian ako.

"Ok class. Here's your by partner activity about hyperbola." Sabi ng teacher namin sa pre calculus.

Pinamigay na ang papel at namimiss ko agad si Lexi.

Kaya hinanap ko ang matang bumubuo sa araw ko.

At nandun siya sa gitna katabi kapartner niyang si Mary.

Nakatingin siya sakin.

Bat kaya ako tinitignan neto.

Nginitian ko siya.

Nginitian niya rin ako.

Pero bakit parang peke?

May problema ba siya?

May nagawa nanaman ba akong di ko dapat nagawa?!

Pero mamaya ko na yan aayusin, kailangan ko pang magdrawing ng malupet na hyperbola.

-------

Tapos na ang pre cal at uwian na.

"Lexi." Sabi ko.

"Oy Gabe, bakit?" Sabi niya.

Bakit nga ba?!?!

Bat ko ba siya tinawag?!

Isip ng topic... topic.... topic...

Aha!

"Kain tayo, libre kita." Sabi ko.

Nginitian niya lang ako at humawak sa kamay ko.

Minsan naiisip ko may gusto rin sakin si Lexi.

Pero asa naman ako, si Lexi yun. Para sa akin hindi lang siya basta bastang babae jan na easy to get. Sobrang special niya para sa akin pero hindi naman sa special child ah iba na yun.

Basta lalo siyang gumaganda araw araw.

Yung pag magkakatinginan kami parang yun pa rin yung first time na nagkita kami habang nag eenroll.

At sobrang ganda niya, lahat maganda sakanya.

Kaya imposibleng magustuhan niya ang isang katulad kong bobonjing bonjing.

----

salamat sa lahat ng nagbabasa

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon