Chapter 10

12.1K 281 3
                                    

Lumipas na ang mga araw

Yung araw naging linggo na

Yung linggo naging buwan na.

Yung iba kakilala ko na, yung iba tahimik pa rin.

Di kasi ako marunong makipag communicate, di rin ako social climber.

Hindi lang ako marunong makipag usap nang taong hindi ako unang kakausapin.

Habang tumatagal lalo kaming nagiging close ni Lexi.

Sa totoo lang nararamdaman ko na bisexual din siya pero isininantabi ko lang yun kasi ayokong umasa.

Masakit din isipin na kahit anong gawin ko di niya ako mamahalin gaya ng pagmamahal ko sakanya.

Ako nanaman isa sa nauna sa klase.

Nakaupo nanaman ako at pinapatay ang sarili ko sa mga kaisipang puno ng kalungkutan.

"Gabe!!!! Waaaaah!" Sigaw ni Lexi at tumabi sakin.

"Uy bakit??" Tanong ko.

Ano nanaman kayang nangyayari sa babaeng ito?

Parang nanalo sa lotto eh.

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong...

"Nililigawan ako ni Lance." Bulong niya.

At nangyari na nga ang kinakatakutan ko.

Ang may nagkagusto sakanya bukod sakin.

Pero ano ba naman ang magagawa ko?

Magkaibigan lang naman kami, wala akong karapatang magreklamo.

Wala ng mas sasakit pa sa sabihan niyang may nanliligaw sakanya, at ikaw kailangan mong ngumiti.

Ngumiti para maitago ang sakit.

Para kunwari masaya ka para sakanya.

"Oh? Congrats ah! Bagay kayo!" Sabi ko at nagpeke ng ngiti.

"Baliw! Hindi pa kami nililigawan palang niya ko." Sinabi niya at sumandal sa braso ko.

"Ganun na rin yun. Dun din ang punta nun." Sabi ko at tinignan ko ang ulo niya.

Hanggang tingin nalang

Lagi nalang ganyan

Nasasanay na ang puso ko

Lagi nalang nabibigo

(Hanggang tingin by Kamikazee)

Buong oras nakatulala lang ako at nakikinig sa teacher.

Magigising lang diwa ko kapag kinakalabit ako ni Lexi.

At ngayong araw din na ito nagising na ako sa katotohanang hindi magiging kami at sa malayo ko lang siya pwedeng mahalin.

------

"Bakit parang wala ka sa mood ngayon?" Sabi ni Lexi.

"Medyo masama lang pakiramdam ko." Sabi ko at sumalumbaba.

"Sure ka ayaw mo magpadala sa clinic?" Tanong niya.

"Oo." Sabi ko at umalis, ihing-ihi na ko eh pota.

Pagkatapos ko umihi tinignan ko sarili ko sa lababo at naghilamos.

"Bwisit bat kasi sakanya pa, bat ako pa nahulog sayo? Bat mahuhulog nalang ako sa taong kahit kailan di ako mamahalin gaya ng pagmamahal ko sakanya... gwapo naman ako, kapalit-palit ba ko?!" Sabi ko sa sarili ko.

Wala ring patutunguhan tong pagluluksa ko, di naman siya patay eh bat ba ako magluluksa?!?!

Ayoko na rin maging malungkot...

Pero sabagay hindi maiiwasan, yung feeling na tanggap mo naman di lang maiwasan masaktan.

Gusto kong iiyak lahat nung araw na yun.

Iiyak lahat ng kalungkutan na nararamdaman ko.

Pero kahit alam ko kahit na anong iyak ko hindi naman niya malalaman na siya ang mahal ko.

Pero hindi ako iiwas sakanya.

Mas mahalaga pa rin yung pagkakaibigan naming dalawa.

Susubukan ko nalang maghanap ng iba, pero alam ko sa puso ko siya pa rin talaga.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon