Chapter 28

9.2K 221 6
                                    

Nasa bahay na kami nila Rommel

Dito namin napag usapang magpractice.

Kumpleto kasi gamit niya dito.

Kasali kasi siya banda.

"Ngayon check muna natin mga boses niyo." Sabi ko.

"Carl ikaw muna. Yung chorus lang ah." Sabi ko.

"PANALANGEN KO SA HABANG BOHAY!! MAKAPELENG KA MAKASAMA KA YAN ANG PANALANGEN KO!!!!" Kanta ni Carl at tawang tawa kami.

Di siya galit sa "e"

"I dont want you!!" Sabi ko.

"Sa beatbox nalang ako." Sabi ni carl.

"Sige. Ikaw naman Gilbert." Sabi ko.

"Nahihiya ako. 2nd voice nalang ako." Sabi niya.

"Hays sige." Sabi ko. Bahala na kung ano kalalabasan neto.

"Ikaw na Ian." Sabi ko.

"Panalangin ko sa habang buhay~ 

Makapiling ka~

Makasama ka~ 

Yan ang panalangin ko~

At hindi papayag ang pusong ito 

Mawala ka sa'king piling 

Mahal ko iyong dinggin~  \

Kanta ni Ian at sobrang ganda ng boses niya na bagay na bagay sa kanta.

At wala ng iba pa pang mas mahalaga 

Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dalawa

Nating dalawa~ 

At sana naman nakikinig ka 

Kapag aking sasabihing minamahal kitaaaa Sabay ni Gilbert kay Ian.

"Ok sasabay na kami sainyo ni Rommel." Sabi ko.

---------

At yun na nga. Natapos ang maghapon at natapos din namin ang kanta.

Pinakain na rin kami ng mama ni rommel dahil ang ganda raw ng nagawa namin.

"Salamat po! Bye po!" Sabay sabay naming paalam.

Umuwi na ako at umuwi na rin sila.

Habang naglalakad namiss ko agad si Lexi.

Lagi kaming sabay maglakad dito eh.

Tinignan ko ang cp ko at nagtext si Lexi.

Clingy😍
Nakauwi ka na?

Clingy😍
Reply ka naman.

Clingy😍
I miss u kahit ang sungit mo kanina.

Clingy😍
Tagal mo wahhhhhh.

Clingy😍
Babeeeeee. Kahit di pa tayo akin ka lang! 😤

Gabe
Eto na ko pauwi palang, naglalakad. Miss na kita habang naglalakad. 😢😢

Napangiti ako sakanya.

Napakacute talaga.

Clingy😍
Yay uwi ka muna bago tayo mag usap. 😘😘

Gabe
Pauwi na si The flash!! Hahaha 😂😂

Clingy😍
Ingat panget.

Tumakbo na ako at nagmamadaling umuwi.

Excited na ako makausap yun. Miss ko na yun eh.

Nakauwi na ako at hingal na hingal.

Uminom akong tubig at yumakap kay mama.

Pumasok na ako sa kwarto at tinawagan agad si Lexi.

Sinagot niya naman ito.

"Bilis naman!!" Sabi niya at natawa.

"Syempre fast is my second name." Sabi ko.

"Umienglish pa!" Sabi niya at natawa.

"Sorry kanina." Sabi ko.

"Ayos lang. Bat nga pala ang sungit mo kanina." Sabi niya.

Kasi nagseselos ako.

Di ko sasabihan yan!!

"Basta!" Sabi ko.

"Selos ka ba kay Lance?" Sabi niya at tumawa na parang nang aasar.

"Di ah. Bat naman ako magseselos dun." Sabi ko.

Oo nga bat naman eh mas pogi ako dun.

Sabi ko sa sarili ako.

"Wag ka na magselos kahit sabihin mon di ka nagseselos kasi wala akong pake dun. Side chick ko lang yun noon kaya pumayag ako na ligawan niya ako." Sabi niya at talaga namang napangiti ako.

Potsa bat kinikilig ako anong kabaklaan to.

"O-oo na." Sabi ko.

"Yiee kinilig siya. Ganda ko kasi eh." Sabi niya.

Ayan na nag-uumpisa na.

"Maganda ka lang pero di ako kinilig HAHAHA." Sabi ko.

"Eh kung di kaya kita sagutin?" Sabi niya na parang nagbabanta.

"Kinilig ako, kilig na kilig ako. Nabusog na ako sa sobrang kilig hindi na ako kakain mamaya." Sabi ko at natawa siya ng sobra.

"Yan buti naman. Hahahahaha" sabi niya.

Maghapon lang kaming nag usap kasi wala namang assignment para bukas.

gabi na kaya nagpahinga na ako at nagpaalam sakanya.

"8:30 pero gabing gabi na yun para sayo?" Sabi niya.

"Oo ehh." Sabi ko.

"Ok sige matulog na tayo." Sabi niya.

"Goodnight." Sabi ko.

"Goodnight." Sabi niya.

After 5 seconds.

"Goodnight ulit." Sabi ko.

"Goodnight na! Hahaha" sabi niya.

"Sige na goodnight na." Sabi ko.

"Ibaba ko na ba?" Sabi niya.

"Sige." Sabi ko.

"Last na to. Goodnight" sabi niya at binaba na.

Bago matulog ngumiti muna ako at ngpasalamat sa Panginoon.

Salamat sa pagpapakilala sa akin ng pinakamagandang babae sa mundo.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon