Chapter 25

10.1K 222 2
                                    

(Patugtugin ang theme song ng umagang kay ganda dejoke)

Umaga nanaman, di talaga ako morning person.

Ayoko nga ng umaga eh, kasi babangon nanaman. Tapos uulitin mo nanaman yung routine mo araw araw.

Pero nang nakilala ko si Lexi...

Gabi palang hinihintay ko ng mag-umaga.

Kasi alam ko panibagong umaga, isa nanamang araw na ibinigay ng Diyos para makasama ko ang isa sa napakagandang blessing na binigay Niya sa akin.

"Mama, alis na po ako. Bye ma." Nagkiss na ako kay mama at umalis na. Nanonood kasi ng Kdrama kaya hindi maistorbo.

Naglakad na ako papuntang school.

Habang naglalakad ay iniisip ko kung ayain ko kaya siya mag date kami.

Kaso saan?!

Di ko alam kung saan!

Bahala na, basta lulunukin ko na ang hiya ko para tanungin kung pwede siya.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong mga nagkakabisado na ng spoken poetry nila.

Naalala ko nanaman....

Nanjan nanaman yung kaba ko!

Baka magkamali ako.

Baka mautal ako.

Baka makalimutan ko kapag nginitian niya ko.

Bahala na po kayo sa akin Panginoon!

Pumasok na ako sa room at as usual, onti palang ang tao at wala pa ang taong pinakahihintay ko.

"Bro kabisado mo na spoken mo?" Tanong ni Ivan.

"Medyo." Sabi ko.

"Ahh." Sabi niya.

Habang hinihintay ko si Lexi nag earphone muna ako.

May kumalabit sa likod ko, pag ito hindi si Lexi i-Babatista bomb ko to.

Tumalikod ako at nakita ko si Gwen.

"Hi! Kabisado mo na spoken poetry mo?" Tanong niya.

"Medyo." Sabi ko.

Medyo lang naman talaga eh!

"Kinakabahan nga ako eh! Tignan mo lamig ng kamay ko." Sabi niya at hinawakan kamay ko.

"Oo nga nuh. Normal lang yan, mawawala rin yan pag tapos na." Sabi ko.

"Oo nga eh. Waaaaaah. Nakakakaba talaga!" Sabi niya at pinisil pisngi ko.

Talaga naman, bat andaming may trip sa pisngi ko.

"Ginawa mo namang stress ball pisngi ko. Hahahaha." Sabi ko.

"Hahahahaha! Ang cute eh. Sige na babye na nanjan na si Alexandra diba dito siya nakaupo?" Tanong niya.

"Hindi. Ok lang jan ka muna." Sabi ni Lexi.

Bakit kinakabahan ako sa tono ng boses ni Lexi. Di ko maidentify kung galit o hindi eh.

"Hindi sige, punta muna ako kay Arian. Byeeeee!" Sabi ni Gwen.

Umalis na siya at umupo na si Lexi sa tabi ko.

Bat ako kinakabahan?!

Piling ko kakainin ako neto ng buhay!

"Good morning." Sabi ko at nginitian siya.

Good morning? Sa dinami rami ng masasabi ko bat yan pa?! Ang corny?!

Tinignan niya lang ako ng ma 5 seconds.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon