Chapter 13

11.7K 258 26
                                    

Yung bago matulog iisipin mo muna siya, iisipin mo mga bagay na di mo ala
m kung mangyayari ba talaga sa totoong buhay.

"Gusto kita." Sabi ko kay Lexi.

"Gabe..." sabi niya.

"Alam kong hindi mo ako gusto Lex, sinabi ko lang para alam mo kasi kailangan ko ng umalis, may sakit ako... may bird flu ako Lexi." Sabi ko.

"Gabe... gusto rin kita. Una palang kitang nakita nung enrollan gusto na kita." Sabi niya.

"Lexi..."

"Gabe..."

"Will you marry me?"

"Yes Gabe!"

Minsan hindi ko alan kung normal ba ako mag isip eh. Nakakatakot mga imagination ko hays.

Itutulog ko nalang ito.

-----------

Umaga nanaman.

"Gabe gising na! Malelate ka na! 5:45 na!" Sigaw ni mama.

Dali dali akong tumakbo at naligo eh. Yung ligong isang buhos twalya na agad.

"Ma! Ma! Asan na baon ko ma! Bilis ma late na ko!" Sabi ko habang nagsasapatos.

"Magandandang umaga Pilipinas, nandito nanaman ang Balitang Ina!! Ang oras ngayon ay 5:30 am..."

"Ma naman! Sabi mo 5:45 na!" Sabi ko.

"Eh mali yung orasan natin eh." Sabi ni mama.

Hays.

Umupo nalang ako sa sofa at nagbukas ng cellphone. Di talaga ako mahilig sa cellphone, mahilig kasi ako magbasa ng mga libro. Lalong lalabo ang mata ko siguro sa cellphone na ito. Ayoko ng madagdagan ang grado ng salamin ko! Ang baba na nga ng grado ko sa mga exam ko eh. Hehe.

Alexandra Hernandez sent a message.

Wala ng ibang bagay na binuksan ko na kasingbilis ng pagbubukas ko sa message ni Lexi sa Messenger.

Alexandra: Psst

Gabe: Ow?

Alexandra: Sorry di ako nakasabay kanina 😢

Gabe: Ayos lang 👍👍

Nakakatuwa naman kachat ko siya. Todo ngiti nanaman ako dito.

Lexi: Bat parang galit ka pa rin. Wahh. 😢😣

Bakit naman aakalain niyang galit ako?!

Gabe:  Hindi ah 😊

Lexi: Nooooo! Galit ka eh! 😢😢 sorry na Gabe.

Ang cute niya. Ikikiss ko tong cellphone pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko!

Pero sa totoo lang hindi naman ako galit, ok naman ako. Di naman ako mag isang umuwi eh kasi kasabay ko si Amara.

Gabe: Hindi. Kasabay ko si Amara.

Lexi: Hindi ka mag-isa umuwi?

Gabe: Oo sabay nga kami eh. 😀

Napapaisip pa rin ako bat patay na patay ako dito kay Lexi. Medyo slow eh.

Lexi: Owww. Ok.

Gabe: Ok.

Lexi: K.

Gabe: K.

Lexi: Bawal mo ako i-"K"

Gabe: Bakit?

Lexi: Basta bawal. 😥😜

Gabe: Ok.

Lexi: 😠😠😠

Magkaiba naman ang K sa Ok bakit siya galit?!?!

Gabe: Pasok na tayo. Ingat ka.

Lexi: Seen 5:50 am.

Ayos lang maseen makikita ko nanaman siya mamaya eh.

---------

Nakapasok na agad ako sa school. Miss ko na rin siya eh. Nakakatamad kasi magtype sa cellphone gusto ko  talaga sa personal.

Hindi ako yung sa chat lang magaling. Pakitaan mo ng effort bui!

"Hi Lex" Sabi ko.

"K!" Sabi niya.

Aba!

"Ok!" Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

"Don't talk to me." Sabi niya at tumalikod.

Inienlglish mo pa ako! "Me" lang naman ang naintindihan ko.

"Joke lang! HAHAHA. Dapat nga ako magalit sayo eh, iniwan mo ko!" Sabi ko.

"K parin! At sorry!" Sabi niya at nakatalikod pa rin!

Pinapakita nanaman niya sakin yung unang likod niya, nasa harap yung pangalawang likod eh.

"Sorry na rin. "K" no more na ko." Sabi ko.

"Oo na!" Sabi niya at niyakap ako.

Yung ganitong side niya pa rin yung pinakagusto ko yung napakaclingy at sweet.

"Sabay tayo mamaya." Sabi ko.

"Sasabay ba si Amara?" Tanong niya.

"Siguro, tatanong ko mamaya." Sabi ko.

"Ikaw bahala." Sabi niya.

Mag eenjoy kami neto habang pag uwi. Kalog si Lexi kalog din si Amara.

"Masaya kasama yun! Nakakatawa!" Sabi ko at natawa. Naalala ko nanaman pinag-usapan naming dalawa.

"Oo nga ehhh." Sabi ni Lexi.

"Lex, sama ka mamaya? Punta tayo kina Arvin?" Tanong ni Lance.

Panira ng umaga tong si bakulaw. Ang laki ng tiyan mo!

"Hindi eh. Next time nalang." Sabi ni Lexi.

Napangiti agad ako nung narinig kong sinahi niya yon.

1point for bakulaw
1 point for Gabe

"Sige. Ingat ka pauwi." Sabi ni Lance at umalis.

"Uy hindi mo naman kailangan gawin yun Lex at naiintindihan ko naman na nililigawan ka niya kaya kailangan mong magspend ng time sakanya. Hindi nga ako nagtatampo o galit ikaw lang ata nag iisip nun eh!" Sabi ko.

Pero deep inside. Akin ka nalang. Hahatid pa kita hanggang kwarto mo.

Joke hanggang sala lang.

"Ayos lang, at yun na nga nililigawan palang niya ako di naman kami. At gusto kong bumawi sayo. Nakakasawa rin mukha ng mga kaibigan niya hindi naman ako makarelate sa mga pinag uusapan nila." Sabi ni lexi

"Nan-"

"Good morning class." Sabi ni maam.

Nandito naman ako.

Sabi ko nalang sa sarili ko kasi alam kong hindi ko masabi ito sa babaeng katabi ko. Sa babaeng pinakamaganda sa mundo ko. Kahit bulosl sa S dahil sa kanyang braceshs. Nandito lang ako. Para sayo.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon