Chapter 7

14.4K 336 17
                                    

"Kinakabahan ako." Sabi ni Lexi.

Kinausap niya ako. Waaaaaaah.

"Ako nga rin eh." Sabi ko habang tinignan ko siya sa mata.

"Eto ayoko kapag nasa bagong school eh." Sabi niya at nag pout.

Bye guys, mauna na ako sa clinic. Ako na rin maglilibing sa sarili ko. Ako na bahala.

Cause of death: Lexi.

"Ha-haha." Kunwari natawa nalang ako. Ilayo niyo sakin tong babaeng to baka mahalikan ko to.

"Hala ako naaaaa!" Sabi niya at tumayo.

Parang nag-iba si Lexi pagkatayo niya, mas naging composed at parang hindi mo kakikitaan ng kahit na anong kaba.

At nung nagsalita na siya....

"I'm Alexandra Hernandez, 16 years old. From Antipolo City. My hobbies are reading books and sleeping. I want to be an architect." Sabi niya.

... parang naglaho lahat.

Wala na akong ibang narinig kundi siya lamg.

Paano ka hindi mahuhulog sa taong wala pang ginagawa pero sobrang ganda na? Sobrang perfect na.

"Uy ikaw na!" Sabi niya sakin habang natatawa.

Nginitian ko lang siya at tumayo na ako.

"I'm Gabriel Diaz. I'm from Quezon City. My hobbies are watching tv and playing computer games. I want to take Computer Engineering." Sabi ko at umupo na.

Reading books at sleeping pala ang hobby niya.

Sasabayan kita sa pagbabasa at sabay tayong matutulog ng magkatabi.

Iniisip ko palang kinikilig na ako.

"Psst. Bakit gusto mo mag computer engineering?" Tanong ng katabi kong isa.

Maganda at ang ganda ng mata.

Pero pag tinitignan ko siya, naalala ko si Lexi, parang parehas sila ng mata.

"Wala, gusto ko lang." Sabi ko.

"Edi magaling ka pala sa math?" Sabi niya.

"Hindi masyadong magaling, nakakaintindi lang." Sabi ko.

"Ah, Francine nga pala." Sinabi niya at ngumiti.

"Gabe." Sabi ko at nginitian ko rin siya.

Di pwedeng hindi ko makausap ngayon si Lexi, kailangan ko siyang tanungin kung kakain ba siya ng recess. Kailangan matanong ko siya kung gusto niya sabay nalang kami.

Tumingin ako sakanya sandali...

At humarap na sa harap.

Jusko, pano to... kausapin mo na kasi Gabriel!!

Di ko kaya masyado siyang maganda!

Namemental block ako!

Di ko pwede katabi sa exam to!!

Panigurado zero ako.

Pinagpapawisan na ako kahit naka aircon.

Gusto kong makipagsapakan sa sarili ko.

Sige na kakausapin kona!

Pinunasan ko ang pawis ko.

Inayos ko onti buhok ko.

At humarap na ako sakanya.

"Lex, sabay tayo magrecess"

Tumingin lang siya sa akin at natawa.

Asan na yung lupa pakilamon na ako.

"Bakit?!" Sabi ko.

"Natatawa lang ak kasi first subject palang at hindi pa tapos yung introduce yourself, gusto mo na agad mag recess." Sabi niya.

Oo nga naman. Ayoko talaga magrecess pero gusto kitang makasama.

"Hahaha. Food is life eh." Sabi ko.

Lexi is life.

"Kaso... hindi ako kakain ngayongrecess. Gusto ko sana maglibot dito sa school." Sabi niya.

Much better idea.

"Sige samahan kita... kung gusto mo lang, okaya pag wala kang kasamang iba. Ganun." Sabi ko.

"Gusto ko" at nginitian niya ko.

Humarap na rin ako sa harapan at ngumiti sa sarili ko.

Bat ang lupet ko?

Date na to para sakin.

Sa tingin ko sa 16 years of existence ko sa mundo ito ang pinaka masayang first day of school ng buhay ko.

Tinignan ko ulit siya.

At humarap ulit.

Panakaw nakaw tingin lang muna.



Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon