Chapter 17

9.9K 244 2
                                    

"Lexi sorry kanina, di ko--" sabi ni Lance ngunit naputol agad

"Ayos lang Lance. Wag ka na magsorry. Wala namang may gusto na mangyari yun." Sabi ni Lexi.

Di lang siya maganda, sobrang bait pa. Pano ako di maiinlove neto?

"Sige. Babawi nalang ako sayo. Hatid kita mamaya? Ano gusto mong kainin?" Sabi ni Lance.

"Actually Lance, wag na. Ok lang di mo na kailangang bumawi. Basta maging magkaibigan nalang tayo at wala ng sweet connection sa ating dalawa." Sabi ni Lexi.

Ito ang pinakamaghirap na desisyon sa buhay ko...

Kung sasabihin kong umalis muna ako kasi dapat hindi ako nakikinig sa usapan nila o yung mag stay muna ako antayin si Lexi.

Pero decision made...

"Alis muna ako." Sabi ko at tatayo na dapat ako pero hinawakan ni Lexi kamay ko.

"Antayin mo na ko Gabe." Sabi niya.

Talaga namang hihintayin kita!

Kahit di ako sigurado kung magiging tayo ba talagang dalawa...

"Sige." Sabi ko at umupo na ako.

"Sige Lex.. sana kayanin ko na maging magkaibigan lang tayo." Sabi ni Lance at umalis na.

Malungkot ba yun? Bat di halata?

"Hays ang arte ni Lance ah. Parang babae." Sabi ni Lexi.

Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Babae nalang kaya mahalin ko?" Sabi niya.

Yan ka nanaman Lexi. Pinapatigil mo nanaman puso ko sa pagtibok.

"Baliw hahahahaha." Sabi ko.

"Bakit?! Wala namang masama dun ah." Sabi niya.

"Oo nga, pero halata namang curious ka lang." Sabi ko.

"Siguro nga." Sabi niya at yumuko.

Bat parang malungkot siya? May nasabi ba akong masama? Takbo na ba ako?! Baka lumabas nanaman pagiging dragon neto eh.

"Akyat na tayo sa room?" Sabi ko.

"Sige." Sabi niya at tumayo.

Nauna siyang maglakad kaysa sakin.

Hindi ko alam pero parang galit to. Hindi naman to ganito kapag naglalakad kami eh.

Gusto neto sabay kami lagi maglakad at nakahawak lagi sa kamay ko.

Hawakan ko kaya kamay niya?

"Lex." Sabi ko at hinawakan kamay niya.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Bakit?" Sabi niya at tinignan ako.

Sabihin ko na bang gusto ko siya?

"Wag baka layuan ka." Sabi ng boses sa utak ko.

Pano ko malalaman kung hindi ko sasabihin?

"Sahihin mo na!"

At yun na nga...

"Wala lang, hintayin mo ko maglakad." Sabi ko at hinigpitan hawak sa kamay niya.

Pag nahawakan ko to, hinding hindi ko na ulit bibitawan.

Umakyat na ulit kami sa room.

Ang tahimik niya na parang may problema. Sa tingin ko badtrip pa rin siya sa nangyari kanina na napagalitan sila ni Lance.

Hays ewan ko.

Pero naiinis pa rin ako sa sarili ko.

Ang torpe ko.

Bat di ko masabi sakanya? Na mahal ko siya simula pa nung una ko siyang makita? Na sa unang tingin ko sakanya, wala na akong ibang hinahanap hanap pa.

-------

Maikli muna. ;)

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon