Chapter 21

11.1K 263 15
                                    

Umaga nanaman.

Mamaya makikita ko nanaman siya.

Excited nanaman ako makita ang babaeng nagpapasaya at bumubuo ng araw ko.

"Saya niya ngayon oh. Baka maging most jolly na anak ko niyan sa school." Sabi ni mama.

"Sino ba naman di magiging masaya kung alam mong mamaya nililigawan mo na yung crush mo?" Sabi ko at ngiting ngiti.

"Osiya siya maligo ka na, yung baon mo nasa mesa na. Matutulog muna ako." Sabi ni mama

"Sige ma. Labyu." Sabi ko.

"At oo nga pala. Gusto ko makilala si Lexi mo."  Sabi ni mama at pumasok ng kwarto.

Sure naman ako na magugustuhan ni mama si Lexi.

Pero kinakabahan lang ako dahil pangalawang beses ko palang magdadala ng babae dito sa buhay. Pero hindi lang naman siya kung sinong random chick jan. Si Lexi ko yun, mahal ko yun. Boom.

Natapos na ako maligo at kumain. Nakabihis na rin. Gwapings na para sa araw na ito. Inlab nanaman si Lexi neto.

Umalis na ako at pumunta ng school.

Hay nako gutom nanaman ako. Bakit ba lagi akong gutom? Ano bang meron sa tiyan na ito? May buwaya ba o baboy na nakatira dito?

Pumasok na ako ng room at nag earphones muna. Habang inaantay ko si Lexi ay naglettering muna ako ng pangalan niya.

Nang matapos ako ay biglang may nag alis ng earphone ko sa tenga.

"Hay nako ang ganda ko talaga. Umagang umaga crush na crush nanaman ako." Sabi ni Lexi.

Eto nanaman isa sa paborito kong parte ng araw ko. Ang makita ko nanaman siya. Makita ko nanaman yung ngiti niya, marinig ang boses at ngiti niya na hindi  nakakasawa. At makita ang mukha niya na bawat araw ay gumaganda.

"Sino may sabi na crush kita?" Pang-aasar ko sakanya.

"Ah ganon? Ngayon palang binabasted na talaga kita. Wag mo na kong liligawan huh." Sabi niya at inirapan ako.

Pag nang-iirap talaga to nakakatakot.

"Crush lang yun eh! Gusto kaya kita!" Sabi ko sakanya.

"Ewan ko sayo." Inirapan niya ako at ngumiti.

"Yieee nginitian ako ni crush." Sabi ko.

"Akala ko ba hindi mo ko crush kasi gusto mo ko? May iba kang crush noh?" Tanong niya at hinampas ako sa braso

"Ganto kasi yan. All around kita. Bespren, nililigawan,kaklase, katabi, crush, gusto, mahal..." sabi ko at nginitian siya.

"Pinapakilig mo lang ako eh." Sabi niya habang nakangiti.

"Totoo yun." Sabi ko at sumandal siya sa braso ko.

"Oo na. Libre mo nalang ako mamaya." Sabi niya.

Ah kaya pala naglambing kasi magpapalibre.

"Yes madam." Sabi ko.

"Madam ka jan. Ayoko nun! Mukha akong matandang asawa ng presidente." Sabi niya. "Babynalangtawagmosakin!" Sabi niya ng mabilis at di ko maintindihan.

"Sakin lang naintindihan ko eh." Sabi ko.

Natawa siya at nilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Baby nalamg itawag mo sakin." Sabi niya ng mahina at pabulong.

I swear, nung sinabi niya yun tumayo balahibo ko sa batok.

Imbis na kiligin at macutan ako sakanya, parang naseseduce ako.

"O-oh sige b-baby nalang." Sabi ko at napalunok.

"Bat napalunok ka? Ayaw mo ba?" Tanong niya at nagpuppy eyes.

"Gusto ko syempre!" Sabi ko.

"Aba't di pa kita sinasagot sinisigawan mo na ko?!" Sabi niya.

"Di ako naninigaw nagsasabi lang!" Sabi ko.

"Ayan ka nanaman!" Sabi niya at seryoso na ang mukha. Ako naman? Natatawa lang.

"Sige na sorry na." Hininaan ko na ang boses ko at pinisil ng mahina pisngi niya.

"Good." Sabi niya at pinisil ilong ko.

"Mahina lang yung pisil ko sa pisngi mo eh." Sabi ko pero mahina ulit. Baka magalit nanaman eh.

"Hehehehe." Sabi niya at tinago ulo sa leeg ko.

Ang cute talaga ng baby ko.

Sarap ibalot sa candy wrapper tapos iflush sa kubeta eh.

"Cute naman ng baby ko." Sabi ko.

"Baby ko yiee. Parang gusto na tuloy kitang sagutin. Pero no, maghintay ka. Isipin mo nalang ngayon na bestfriend mo lang ako."

Handa naman talaga ako maghintay para sakanya.

"Kahit kelan pa, basta alam kong sakin ka pa rin hanggang dulo maghihintay naman ako. Di ko kailangan ng oo mo sa ngayon, gusto ko ring makilala mo ako, kung sino ba si Gabriel M. Diaz mo. Kahit pahirapan  mo ako ok lang. Kasi alam ko lahat ng paghihirap ko worth it yan pag naging sakin ka na. Pag official na tayong dalawa." Sabi ko.

Wow... san ko nakuha mga sinabi ko na yun.

Parang di ko pinag-isipan ng matagal. Sa tingin ko kusa ng lumabas sa bibig ko kasi yun ang sinasabi ng puso ko para sakanya.

"Oo na.." sabi niya at nagblush.

"Hehehe." Sabi ko.

"Good morning class...."

At dumating na ang prof namin.

Pagkaupo namin. Kinalabit ko si Lexi ng mahina. Baka makita kami ng prof eh.

Tumingin siya sakin at tinaasan akong kilay.

Ganyan po siya magtanong kung bakit kapag seryosong seryoso.

"Punta tayo sa bahay mamaya gusto ka makilala ni mama." Bulong ko.

Napangiti naman siya at tumango.

Nginitian ko lang siya at bumalik na ulit ng tingin sa nagtuturo sa harap.

Another boring but amazing day.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon