Kabanata 2

18.8K 245 19
                                    

Kabanata 2

That feeling again

 

“Jesus, Newt! Hinaan mo naman ang boses mo. Natutulog siya,” bigla akong naalimpungatan nang marinig ang boses na iyon. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at nakita kong may dalawang tao sa may pinto. ‘Yung lalaking nakasama ko sa kwarto at si Newt.

“Common man! Alam kong naka-iskor ka!” natatawang sabi ni Newt. Bigla naman akong napapikit nang tumingin sila sa direksyon ko, “dude, ‘wag mo na akong lokohin!” narinig ko pang tinapik tapik ni Newt ‘yung lalaki.

Dahan-dahan ulit akong dumilat at tinignan sila. Napabuntong hininga ‘yung lalaking kasama ko, “walang nangyari kaya tumahimik ka na lang. Ala una ng umaga Newt, nasaan na ba si Chico?” The guy looks really tired. Kitang kita kung gaano bumigay ang mata niya at gusto na niyang matapos ‘to, “she wants to go home kaya gigisingin ko na siya. Tawagin mo na si Chico,” his lips drew into hard line. Napapikit ulit ako nang maglakad na siya papunta sa kama.

Naramdaman kong umupo siya sa kama. Tinapik niya nang marahan ang balikat ko. Dalawang beses niya itong tinapik kaya napadilat ako dahan-dahan. Umarte akong napahikab at nag-unat-unat, “ba-bakit?” bigla akong napausad nang hahawakan niya ang balikat ko. Napaupo ako sa pagkakahiga at tumingin sa pinto.

“Hindi ka naman siguro mapapagalitan. Nandyan na si Chico. Tell your mother that it’s Chico’s fault and not you, kung tanungin man ikaw. Okay? Kapag naman hindi maganda ang resulta sabihin mo kay Chico na tawagan ako. Okay?” napatango ako sa sinabi niya. Napatingin na lang ako sa mukha niya at napaawang ng bibig sa sinabi niya. Teka…bakit ganito siya? Bakit kailangang tulungan niya ako ng ganito? Bakit ang bait niya? Napalunok ako sa naisip ko. Why I adore this man too early? He’s a stranger, Scar. Hindi mo pa dapat siya pagkatiwalaan.

Napatayo ako para hindi na mapako ang tingin ko sa kanya, “okay,” naramdaman kong tumayo rin siya. Naglakad na ako sa pinto at narinig ko ang yabag niya. Papalabas na ako ng kwarto nang maramdaman ang kamay niya sa balikat ko, “i’m sorry,” napalunok ako. God! Why I have this kind of feeling? Natetense. Kinakabahan. Nawawala sa bawat galaw niya.

Napapikit ako at inalis ang hawak niya, “okay lang,” mabuti na lang pagkabukas ko ng mata ay nakita ko agad ang magaling kong kapatid. Nakaalis agad ako sa presenya nung lalaki at pumunta kay Chico. Agad akong tumayo sa harapan niya. “I.Want. To. Go. Home. Now. Francisco,”bawat salita ay may diin. Inis na inis na ako sa kanya at hindi ko na mapakalma ang sarili ko sa kanya.

Napayukom ako ng kamay at handa na itong dumapo sa mukha niya kapag hindi pa siya tumayo. Napairap ako nang ngisian niya ako. Mabuti na nga lang tumayo siya. Nairita naman ako nang akbayan niya ako, “okay Leigh,” God, hindi ko na talaga mapipigilan ang sarili ko. Pagkalabas namin dito sa bar, idadapo ko na talaga ang kamay ko sa pisngi niya. Tumingin muna si Chico sa mga tao rito. Bigla namang kumabog ang dibdib ko nang lumapit na ‘yung lalaki sa tabi namin. “Nice, bro!” sigaw ni Chico doon sa lalaki.

“Guys! Una na kami! Mamaya na lang!” sigaw ni Chico sa kanila. Agad ko namang hinatak na si Chico palabas kasi atat na atat na akong masapak siya.

Nang makalabas kaming bar at nasa paradahan kami ng kotse ay agad kong sinapak si Chico at tinadyakan sa paa, “gago ka talaga!” nagiigting na talaga ang galit ko sa kambal ko, “bwisit ka!” sinapak ko ulit. Tatadyakan ko pa sana pero lumayo siya sa akin.

“A thank you will do, Scar,” ngising ngisi niyang sabi.

“Gago!” sigaw ko. Napapikit ako para mapakalma ang sarili ko.

“Ano kay Yuan o kay Benj?” bigla akong napaistatwa sa sinabi niya. Kumabog ang dibdib ko at parang nanuyot ang lalamunan ko sa sinabi niya. “Benj is a good guy but broken right now,” Benj. Good guy. Broken. Biglang umalingawngaw ang tatlong salitang ito sa akin. Teka…anong nangyayari sa akin? “ikaw ‘di ba broken ka rin? E di magsama kayo? Baka may mangyari. Kami na nga nagmamagandang loob kayo pa galit?!”

Napatingin ako ng masama sa magaling kong kambal, “bwisit!” the only word I can say. Naglakad na ako papuntang kotse at pumasok kaagad. God, bakit natameme ako nang sabihin niya iyon? ‘Yung tungkol kay Benj?

Napapikit ako sa loob ng kotse. Hindi ko na pinansin si Chico at nagdrive na lang siya pauwi ng bahay. Tahimik lang ang buong byahe kasi nababagabag ako sa narinig ko sa kambal ko. Hindi ko ngang napansin na nakauwi na pala kami. God, kinabahan naman ako nang bumaba ako sa kotse. Hindi na pinasok sa loob ng bakuran ang kotse kasi baka marinig pa kami ni lolo o ng ibang tao sa bahay. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto. Sumilip kami sa glass window at nakapatay na ang mga ilaw at ang lamp na lang ang nagbibigay liwanag.

Bubuksan na sana si Chico at pinto pero pinigilan ko siya. “Is he okay?” tanong ko.

Napatingin naman ang kambal ko sa akin, “Benj?” tumango ako. “bakit ka naman naging interesado?” bigla akong natauhan sa sinabi niya. God! Oo nga bakit naman ako naging interesado?!

“Wala!” inirapan ko siya at inunahan na sa pagpasok. Dahan-dahan akong umakyat papunta sa kwarto ko. Nakasunod naman si Chico sa akin, “bakit Scar? That feeling again?” tanong niya. Inirapan ko lang siya at pumasok na ng kwarto ko at sinara ang pinto. God. Napasandal ako sa pinto. Problema lang ‘to Scar! Huwag mong isipin ang sinabi ng loko-loko mong kapatid!

“Oh my God! Buti naman nakauwi ka na!” bigla akong nawala sa pag-iisip ko nang may tumayo sa pagkakahiga. Madilim sa kwarto ko ngayon pero biglang umilaw ang lamp sa tabi ng kama. Si Carmela!

Nagmamadali  siyang tumayo at pumunta sa akin, “akala ko umagang umaga na kayo makakauwi! Mamatay na ako sa kaba!”

“Thank you,” sabi ko.

“A ‘yun?! Wala ‘yun!” aniya, “sige una na ‘ko!” umalis naman ako sa pagkakaharang sa pinto.

“Thank you talaga Carmela,” ngumiti lang siya sa akin at lumabas ng kwarto ko. Mabuti na lang hindi alam ni lolo na umalis ko.

Hindi ko na nakuhang magpalit ng damit.  Humiga na agad na ako sa kama ko. Napapikit ako at biglang umecho ang sinabi ni Chico sa akin. God!

That feeling again.

Bigla akong napadilat at napatingin sa kisame. Bwisit na Chico ‘yan! Hindi. Mali lahat ang nasa isip mo, Leigh Scarlett. Nag-iilusyon ka na naman. Pumikit ulit ako at pinilit kong matulog.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now