Kabanata 20

12.3K 189 3
                                    

Kabanata 20

Sebastian

 

The first step to ignore the something is not to stare at him too long. Pero sa paraang hindi naman niya mahahalata. Then, don’t stay with him too close. And to be casual as I can. Napaatras ako sa kanya at nilingon ‘yung shop na pinaglalagyan ngayon nila Gaile and Lucy. Hindi pa ba sila lalabas?

“By the way, bakit ka nga pala nandito? Doon sa shop na ‘yun?” nginuso niya ‘yung shop. Bigla ko namang nakitang parang papalabas na sina Gaile. Nataranta naman ako at medyo hinarangan ko si Benj sa direksyon ng shop. Magtatanong ‘yun. Magtatanong kung bakit may gowns? Para saan?! O God.

“Ha ha. Wala naman!” Hinarangan ko na talaga siya. Napatango naman si Benj. “Ikaw? Dyan ka ba nagtatrabaho?” Hindi ako makaisip ng gagawin. Pero nasa isip ko pa rin ‘yung paglayo ng loob ko sa kanya.

“Yup. Gusto mong pumasok?” tanong niya. Narinig ko naman ang boses ni Gaile kaya kumapit na ako kay Benj. Hinatak ko na siya papasok ng shop nila. Kapag nakita ‘to nila Gaile and Lucy ano na namang iisipin ng dalawang ‘yun?!

Agad naman akong lumayo sa kanya nang makapasok kami sa loob. Napalaki ako ng mata sa nakikita ko ngayon. Para siyang sala kasi may couch and table. May counter then may isang pinto siguro ‘yung ang studio nila. Akala mo maliit siyang tignan sa labas pero pagpasok mo sa loo bang laki.

“It was Ericka’s idea. Everything was her idea,” aniya Benj at naramdaman ko ang yabag niya papunta sa akin. Naglakad naman ako para hindi niya ako malapitan.

“Ang ganda!” sabi ko at sumulyap sandali sa kanya. Ayoko naman mahalata na iniiwasan ko siya.

“Tara!”

Para akong napaso sa biglaang paghawak ni Benj sa kamay ko. Inalalayan pa niya ako papasok doon sa isang kwarto. Pero hindi kwarto ang bubungad sa’yo. Isang hagdan na may paikot na style. Pinauna ako ni Benj na pinaakyat. But I keep my distance to him. Sa bawat hawak niya para akong napapaso kaya umiiwas ako.

No. Mali.

Nang makaakyat kami ay bumungad ang studio sa akin. Dito sila nagsho-shoot. Nakita ko si Conrad na nakahiga sa isang couch. Then may ilang models na nag-aayos. Nandito rin si Ericka at inaayos ‘yung ilang damit.

“Goodness Benj! Buti na lang umakyat ka!” biglang may lumapit kay Benj. Isang lalaking may scarf sa leeg. And there’s something to him. Is he gay? “Hindi makakarating ‘yung isang model dahil nagkasakit! Goodness! ‘Yung magazine kailangan na ng maihatid sa states as soon as possible! Kailangan matapos ‘to ngayon!”

Ako ang natataranta sa kanya. Si Benj naman relax na relax lang. Si Conrad nga papatulog na sa couch. Siya lang talaga natataranta ng husto!

Pero biglang lumiwanag ang mukha niya ng daanan niya ako ng tingin hanggang nasa akin na ang atensyon niya, “you! You! I want you!” napatingin naman ako sa likod ko. Baka naman hindi ako ‘yun. Baka may dumating pero wala naman. Nilapitan niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko “perfect! Mas perfect ka pa!” bigla niyang hinawakan ang bewang ko. Tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Ikaw na talaga Benjamin Franco ang pinakamagaling na kilala ko! Ang diskarte mo talaga cous!” Cous? Benjamin Franco? Madiskarte? Ha?

“No Marco. Not her. My friend just wants to visit the shop. And I dare you not to call me Benjamin,” inakbayan ako ni Benj. And I’m terrified. Remember, not too close, not to stare too long and to ignore him…I mean the feelings. Kaibigan nga lang.

Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako sa akbay niya na parang gusto kong alisin iyon.

“Come on, Benj! Kailangan na ‘yung mag. Girl sige na! Sandali lang naman! Please!” hinawakan ni Marco ang kamay ko at nakikiusap ang mata niya. Ito ang nagbigay dahilan sa akin para lumayo sa akbay ni Benj. At ito na rin ‘yung makakapaglayo sa akin sa kanya ngayon.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now