Kabanata 17

12.4K 174 4
                                    

Kabanata 17

New Look

 

“Scarlett! Mukha kang panda! Ano ba ‘yang eyebags mo!” sumbat ni Gaile at kinakapalan siguro ‘yung foundation na nilagagay sa mukha ko dahil sa eyebags. Nakakaubo ‘yung nilagagay niya. Kainis.

Napahikab naman ako bago sumagot sa kanya, “napuyat e malamang may eyebags,” napapikit ako sa antok ko. Pero bigla akong nagising sa batok ni Lucy sa akin.

“Ano namang ginawa mo?!” nakataas kilay na sabi sa akin ni Lucy at binigay ‘yung pants and shirt sa akin.

Tinitigan ko lang ‘yung text ni Benj hanggang sa hindi ko na nareplyan hanggang sa magtext siya ulit ng ‘Good night’ at hindi ko ulit nareplyan. Tinitigan ko lang talaga ang phone ko hangga’t sa mag-umaga na at dinapuan ako ng antok ng mga alas-tres ng umaga. At nagreply lang ako ng good night sa kanya.

“Huy! Scarlett! Tinatanong kita!” bigla akong napalo ni Lucy sa braso.

Tinignan ko siya ng masama, “e hindi ako nakatulog!” singhal ko. Bigla namang nagkatinginan ‘yung dalawa at nagngisian. Hindi ko na lang sila pinansin at tumayo na para magbihis. Minsan may sira sa ulo ‘yang dalawang ‘yan.

Ngayon kami pupunta sa shop na sinasabi ni Yuan. Susukatan hata ‘yung dalawa para sa gowns nila. Ewan ko ba kung bakit iba pa ‘yung stylist nung akin sa kanila. Pinapapakumplikado pa ni Yuan ang lahat e kasal lang naman ‘yun. Isang hanging blouse and pants ang pinasuot ni Lucy sa akin ngayon. Wow a, hindi hata ako binubugaw ni Lucy sa mga mata ng tao ngayon.

“Sa kotse na lang namin hintayin,” aniya Gaile at sumunod naman si Lucy sa kanya. Naiwan ako sa kwarto ko ng mag-isa. Napatingin ako sa salamin. Oo nga ang laki ng eyebags ko. Grabe. Napalunok ako napahawak sa pisngi ko. Bakit kasi tinitigan ko lang ‘yung phone ko at nagpaumaga ako?

Napapikit ako. Nagtext siya anong magiging reaksyon ko? Wala lang ba dapat? E baka kasi kaibigan ka niya kaya nagtext siya di ba, Scarlett? Malay mo naman pati si Gorg tinetext nitong si Benj? Di ba?!

Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na palabas. Nakaparada ang kotse sa labas ng gate. At as usual may dalawang bodyguard kaming kasama ngayon. ‘Yung isa magdadrive at ‘yung isa naman magbabantay sa amin kahit saan man kami pumunta. I mean ako pala ang babantayan nung bodyguard. Nasa loob na ng kotse sina Gaile at Lucy. Sila na lang siguro ang hindi nasusukatan. Hindi ko alam doon sa iba kong pinsan kung nasukatan na sila. But I don’t care, gusto ko lang matapos ang lahat ng preparasyon na ito kasi sobrang nakakairita na talaga.

Pumasok na ako sa loob ng van. Naabutan kong nag-aayos ng mukha ‘yung dalawa. Napairap ako at sinandal na lang ‘yung ulo ko. Bakit naman ba ako kasama rito kung sila naman ang susukatan? Napabuntong hininga ako at hinayaan ko na lang. Nag-umpisa na ang driver na paandarin ang van.

Ngayon ramdam na ramdam ko ang antok ko. Dapat pala, hindi na ako sumama. Makakatulog na sana ako sa byahe nang biglang kumanta ang dalawa kong pinsan. I let a groaned pero wala lang sa kanila. Napadilat ako at pinusod ang buhok ko. Tinignan ko sila pero wala pa rin.

O God, mawawala na naman ang pasensya ko.

“Kamusta kayo ni Benj?” napatingin ako kay Gaile.

“Ha?”

Ngumisi naman siya sa akin at siniko siko ako, “Hay, alam mo ang gwapo ni Benj at hindi kayo bagay dahil hindi ka mabait tapos siya ang bait. Opposite na opposite kayo,” napahalakhak si Gaile at si Lucy.

“The stubborn Scarlett and the right guy Benj, nuh! Hindi bagay! Kawawa lang si Benj!” dagdag pa ni Lucy.

I groaned. “Tumigil na kayo! Wala kayong pake!” napasimangot ako. Hindi naman talaga kami pwede kahit saang tignan. Bawal. Bawal kami. Mali. Mali lahat. “Alam niyo bawal na sa akin ang lahat. Sabi nga ni lolo nakakadena na ako kay Yuan! I don’t make choices kasi wala naman ako choice sa buhay ko!” napalunok ako sa sinabi ko. Naging seryoso ang mukha nila Gaile at Lucy. Nagkatinginan sila at hindi na nagsalita.

Tama lang ang sinabi ko. Wala naman akong choice kasi sila ang gumagawa ng choice para sa akin.

Hindi naman matagal ang byahe namin at nakapunta na kami sa shop na sinasabi ni Yuan. Nagpaiwan na lang ako sa van dahil inaantok talaga ako. Bumaba na sila Gaile at Lucy. Tapos naiwan naman ‘yung isang bodyguard sa akin. Hindi ba akong pwedeng mag-isa kahit dito sa van?!

Papapikit na ako ng maramdaman kong maiihi ako. Napalabas agad ako ng van. Naaligaga naman ‘yung bodyguard ko.

“Ms. Leigh!” sigaw nung bodyguard.

“Mag –cr ako sasama ka?!” napakamot si kuya at pinabayaan na ako. Sa shop siguro may cr. Tumawid pa ako bago makapunta doon sa shop. Papasok na sana ako sa shop nang may humawak sa balikat ko. Napaharap ako at naistatwa sa nakita ko.

I blinked many times. Pero ngumiti lang ‘yung lalaking nasa harapan ko. “Kamusta?” nakita ko ang hindi gaanong malalim niyang dimple sa isang pisngi niya. Napalunok ako sa linis ng mukha niya.

“Benj?” napatawa siya. Napahawak siya sa magkabilang balikat ko. Napalunok ulit ako.  Malinis at ang sarap padaanan ng palad ko ang mukha niya. Nagshave na siya at nawala na ‘yung maliliit ng buhok niya sa paligid ng panga niya. At nagpagupit pa siya ng buhok.

Ang gwapo.

Ang gwapo gwapo niya sa new look niya. Ang gwapo talaga at hirap alisan ng tingin si Benj lalo na nung parang ang sexy-sexy ng binibigay niyang ngiti sa akin. Napaawang na ako ng bibig kaya napatawa pa si Benj lalo.

“Okay na ba?” dinaanan niya ng kamay niya ang mukha niya at buhok niya. Napalunok ako at nanuyot na ang lalamunan ko. O God. Gusto ko ng umiwas sa kanya pero hindi ko magawa dahil ‘yung isang kamay niya nakahawak sa balikat ko at ‘yung ngiti niya sexy-sexy talaga.

‘Yung mukha ngayon ni Benj ibang iba sa mukha niya na nakita ko dati sa bar. ‘Yung mukhang pagod at handa ng sumuko sa lahat ng bagay. Pero ngayon ibang iba na at umaabot na ang ngiti niya sa mata niya. Totoo na ang ngiti niya. Parang bagong Benj ‘yung kaharap ko ngayon. ‘Yung handa na ulit mag-umpisa. Ito…ito ‘yung nararamdaman ko sa kanya ngayon.

“Okay na okay!” napaatras ako at nag thumbs up sa kanya. Kahit may espasyo sa aming dalawa ang hirap pa ring gumalaw kapag nakatitig siya sa’yo.

“By the way, hindi na ako nakareply sa’yo kasi 3:00 ka na ng umaga nagtext nung nakita ko pagkagising,” umiwas na talaga ako. Oh my God. Alam ko tatanungin niya kung anong ginagawa ko nung alas tres na iyon at baka mapaamin niya ako. O God. Ayoko! Nakakahiya! “I was waiting to your text. But maybe you’re busy, right?” napatingin ako at tumango agad sa kanya.

“Oo may pinagagawa kasi sa akin! Oo ‘yun may ginagawa ako!” halatang ang defensive-defensive ko sa sagot ko. Umayos ka, Scarlett! “Kaya alas tres na ako nakareply,” sinungaling ka Scarlett!

Argh!

“Kinuha ko kay Chico ang number mo. Sorry,” napakamot ng batok si Benj sa sinabi niya.

“Naku okay lang!” Gusto ko naman.

“Busy ka siguro kaya hindi ka na sumama sa kanya. Wala na tuloy akong nakakausap ng matino,” aniya at napangiti sa akin. Lumundag ang puso ko sa ngiti niya. Huwag mo naman gaanong pahalata na natetense ka sa kanya!

“Oo busy,” busy kakatitig kung saan. Busy kakatunganga. At busy sa katamaran.

“Pero available ka bukas?” kumabog ang dibdib ko. Baka…aayain na ako ni Benj na mag-date? Oh my God! Teka? Pwedeng huminga kasi ang assumera ko?

“Ha?” kunwari naguluhan ako pero atat na atat na ang labi ko na ngumiti sa kanya. Napaiwas naman ng tingin si Benj sa akin. Ito na nga! Ito na nga! “Bakit naman?” say the word! Say the magic word!

“Si Maggie kasi ininvite ka niya sa birthday niya. Pinatatanong ka niya sa akin,” biglang bumagsak ang balikat ko. Akala ko…pa naman ano…ano, “are you free tomorrow night?” tumingin si Benj at nakikiusap ang mata niya.

Wala na akong nagawa at tumango na lang dahil sa kanya kahit hindi sigurado na makakatakas ako…kahit na bawal…kahit na mali. Tumango na lang ako dahil sa kanya…kay Benj kasi hindi ko alam.

 

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now