Kabanata 47

9.3K 150 5
                                    

Kabanata 47

Mysterious

 

Pinilit kong matulog para lang hindi mag-init ang dugo ko sa mag-inang kasama ko ngayon. Pero hindi ako makatulog dahil panay parinig nila tungkol sa akin at sa pamilya ko.

“Mom, it was worth. They all deserved this shit,” ani Jezel. Nagpapantig na ang tenga ko mga naririnig ko sa kanila.

“Because they are selfish,” napahalakhak si tita Nicole sa sinabi niya. Ginatungan pa ni Jezel kaya lalong nakakagigil. Gusto kong takpan ang tenga ko pero naiinis na talaga ako. Ramdam ko ang pagsakit ng palad ko sa sobrang pagkakayukom ng kamay ko. Mabuti na lang nasa harapan ako nakaupo katabi ang driver, kung hindi baka nasampal ko na sila. At wala na ang salitang kalma sa akin.

Kalahating oras lang ang byahe namin papunta sa bahay nila Yuan. Bumukas ang malaking gate nito at pinark ang kotse sa garahe nila. Unang bumaba sila tita Nicole at Jezel bago ako. Agad kong nakita sa may pinto si Yuan at ngiting-ngiti sa akin na nawawala na ang mata. Nandun din sa harap ang mga magulang niya.

“Christian!” Jezel giggled at Yuan. O shit. Napatakbo naman si Yuan kaya napairap ako. “I miss—“ Jezel interrupted.

“Leigh, you’re here!” magiliw na sabi ni Yuan sa akin at kinuha ang kamay ko. Bigla akong napatingin kay Jezel dahil bigla siyang nagpigil ng inis. She gritted her teeth and glared at me. Napaawang na lang ako ng bibig at gusto ko siyang tawanan.

Jezel wants Yuan. Yuan doesn’t want her. Fair enough. Damn.

“Is it true?” Nanunuya ang tingin ni Yuan sa akin. At gusto ko siyang irapan at sabihan ng totoo pero biglang lumilipad sa isipan ko ang imahe ni mama. And I should lie. Tumango ako sa kanya. Lumaki naman ang ngiti niya sa akin. Biglang lumipad ang kamay niya sa likod ko at niyakap ako.

“They should have privacy.” Napatingin ako sa nagsalita. Mom ni Yuan. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko tinumbasan iyon. Inaya ng mom ni Yuan sila tita Nicole at ang inis na inis na Jezel sa akin. Inirapan ko si Jezel kaya lalo siyang nanggalaiti sa akin.

Inaya naman ako ni Yuan sa pool area nila. Pinaupo niya ako at humarap sa akin. Hanggang ngayong umaalingawngaw yung mga sinabi ni lolo sa akin.

Beg for Yuan.

“I know you were just lying to me. Alam ko namang ako pa rin. Maybe I was just too protective to you. Ayoko lang na maulit ulit ‘yung dati at perahan ka ng tao katulad ni—“

“Yuan.” I gritted my teeth. I hate you. Ngayon ako nagsisinungaling sa’yo. Nakakadiri ang paglaki ng mata niya sa sinabi ko. So I should lie again. “I’m sorry. Please forgive me.” Gusto kong isuka ang salitang ito. Nawawalan ako ng dignidad.

Yuan gave me a warm smile. Napaluhod siya sa tabi ko. Hinimas niya ang kamay ko. “You don’t need to be sorry, Leigh. It’s okay.” He kissed my knuckles and squeezed my hand. “We’ll forget what happened. We’ll start new.” Yuan stood up. Pinatayo niya ako. His face comes near me. Pero umiwas ako at tumama ang labi niya sa pisngi ko. “It’s okay, I’ll wait,” and he just hug me.

**

Naunang umuwi sina tita Nicole at Jezel sa akin dahil nakiusap si Yuan sa akin na sumama sa isang launching ng kotse. Autohub invited Wong’s to attend the launching. Hindi makakapunta ang mga magulang ni Yuan kaya kami ang pupunta. Hindi ako makaiwas kaya umoo na lang ako. I should agree, kahit ayoko.

Ang mom ni Yuan ang nag-ayos sa akin at namili ng dress. Gusto kong umirap sa gusto niyang ipasuot sa akin pero wala akong magagawa kung hindi purihin iyon.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now