Kabanata 29

11.9K 163 10
                                    

Kabanata 29

I won't

 

Lumuwag ang hawak ni Benj sa kamay ko. Pero napako lang ang tingin ko sa kanya at hindi ako tumitingin kay AJ. Napaawang ako ng bibig. Maraming tanong pumasok sa isipan ko nang mga oras na ito.

Paano kung hindi talaga nakakalimutan ni Benj si AJ?

Paano kung rebound talaga ako?

Paano kung hanggang ngayon si AJ pa rin?

Napalunok ako. Hindi naman ako tatayo lang dito para pagmasdan sila! Ako na ang nagkalas ng hawakan namin. Tumalikod na agad ako kay Benj. Napakagat ako ng labi dahil sa espasyong pinaghahatian naming dalawa ni Benj kahit malayo pa si AJ sa amin. Damn, AJ!

“Una na ‘ko. May…gagawin pa ako,”—Humakbang na ako ng isa para mapansin ni Benj na baka sakaling sumunod siya sa ‘kin. Humakbang pa ako pero wala akong naririnig na pagkilos niya—“Sige—una na ‘ko!” Tumakbo na ako paalis sa pwesto ko. Gusto kong sumunod si Benj sa akin pero napakaimposible kasi nakita na niya si AJ. Wala naman ako sa kanya kapag nandyan ‘yung totoo.

Tumakbo pa ako ng tumakbo hanggang sa makarating na akong Grecia. Ganon lang kadali ang lahat? Kapag ba nakita mo ‘yung dati mababalewala na ‘yung bago? Freaking shit! Ganun lang ba ‘yun?! Napahawak ako sa dress ko. Sinabi ko naman sa sarili ko na panandalian lang ‘to at hindi ‘to tatagal kung ano man ang gusto ko. Dito na siguro magtatapos ang lahat.

Hinubad ko ang dress ko at dali-daling lumusong sa tubig. Kailangan kong mahimasmasan. Lumangoy agad ako at inalis sa isipan ko ‘yung nakita kong itsura ni Benj habang tinitignan si AJ. O God! Bakit ko naman sinasabi ‘yun! Lumangoy pa ako sa malayo hanggang sa hindi na ako  matanaw ng mga tao.

Nakakainis. Nakakainis. Siya. Sila. Lahat na nakakainis! Ako nakakainis! Lahat-lahat nakakainis. Bwisit! Lumusong pa ako hanggang sa umalon ng malakas at natangay na ako ng alon. Pumunta ang tubig sa ilong at bibig ko!

“SHIIIT!” may malakas na kamay at humila sa akin. “GOD, SCARLETT!”napalunok ako at huminga. Bigla kong nasapo ang mainit na dibdib ng humila sa akin. Napaangat agad ako ng ulo para makita kung sino ang humila sa akin.

Napairap agad ako, “Okay lang ako!” kumalas agad ako sa hawak niya. Umatras ako sa kanya. Narinig kong nagbuntong hininga si Benj pero hindi ko pinansin at lumangoy na lang. Pero bago pa ako lumangoy at umalon na naman ng malakas. Hindi ko na naman nakayanan ang sarili ko at natangay na naman ako.

Nakakainis!

“JESUS, SCARLETT!” napalunok ako sa sigaw na ‘yon. Hinatak na naman niya ako, “Don’t move! I’m warning you!” ani ulit ni Benj. Naistatwa na ako sa yakap niya sa akin habang nakapatong ang ulo niya sa ulo.

“Go away. I’m fine,” I mumbled while staring at his chest. Bumaba taas naman ang hubad niyang dibdib dahil nagbuntong hininga siya. “Go with someone. Go with them. Go with her. I’m damn fine!” napapikit ako sa inis na hindi ko na mapakalma.

“I’m sorry,”  Para saan naman at nagsosorry siya? Sa sarili ko ako naiinis. God, tumigil nga ‘tong si Benj! God! Lalo akong naiinis sa ginagawa niya. Tinulak ko siya gamit ang kamay ko pero lalo humigpit ang yakap niya sa akin. Lalo akong napalunok pero tinulak ko ulit siya, “Don’t move,” aniya pero tinulak ko ulit siya, “I said, don’t move!” naistatwa na ako. Para bang nawawalan ako ng lakas sa lapit niya sa akin.

“But I said, I’m fine!” sigaw ko rin at malakas na tinulak si Benj. Nawala naman ako sa yakap niya at lumayo agad sa kanya. Nakakainis. Na halos hindi mo matukoy kung bakit sobrang nakakainis siya sa ginagawa niya. Kung ayaw niya akong palanguyin, huwag na siyang sumunod sa akin! I don’t need him!

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now