Kabanata 41

9.2K 155 7
                                    

Kabanata 41

Never

 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko kay Yuan. Hanggang  ngayong gabi hindi ako makatulog dahil sa kanya. Yuan gave up. Sumuko siya. Ibig sabihin hindi na matutuloy ang kasal. Hindi na niya ipagpipilitin ang sarili niya sa akin. Wala ng gulo. Hindi na namin kailangang mag-isip ni Chico ng paraan makaalis sa bahay. Hindi na kailangan.

Papikit na sana ako nang tumunog ang phone ko at may text na galing kay Maggie.

From Maggie:

Hey there pretty! Kuya’s birthday tomorrow! We need you to surprise kuya! Please, Leigh?  Susunduin ka ni Newt. Thanks! =)

Birthday ni Benj bukas? At hindi ko man lang alam? Ganon? At hindi man lang niya sinasabi sa akin. Si Benj?  Kahapon nawalan ako ng pagkatataong kausapin siya dahil umalis na siya agad. Pero maybe tomorrow will be a great day for us. Malalaman na ni Benj na sumuko na si Yuan at hindi na matutuloy ang kasal namin. And we’ll be free.

Nagreply ako sa text ni Maggie.

To Maggie:

Sure. I’m in! =)

Hindi ko na naintay ang reply ni Maggie dahil nakatulog ako.

**

“Damn, Newt! Bakit naman kailangan ni Benj ng mga babae sa party niya?!” gusto kong masapak si Newt sa mukha, sa tyan, sa lahat ng parte ng katawan niya sa binibigay niyang suhestyon sa amin.  Kaninang umaga sinundo niya ako sa bahay. Kaming tatlo nina Newt at Maggie ang naghahanda para sa birthday ni Benj. Mamayang seven ng gabi ang party sa isa sa mga bar ni Newt.

“Benj should enjoy his day with girls!” said Newt and smirked. I roll my eyes.

“Ikaw ang may gusto!” I shouted.

“Bakit? Gusto mo ikaw din no? Gusto mo hatang masolo si Benj e!” Newt teased me. Mabuti na lang bigla akong naout of balance sa upuan ko at hindi niya nakita ang reaksyon ng mukha ko. Of course, gusto ko. Gusto ko siyang masolo.

Kami lang ang tao rito sa bar. Mamaya pa kasi dadating ang mga taong magdedecorate dito. Ang pinagpapalanuhan na lang namin kung paano namin papuntahin si Benj dito sa bar at paanong surprise ang gagawin. Pero itong si Newt nagsuggest agad ng babae bilang regalo niya raw kay Benj. Argh! Sarap sampalin ng lima sa pisngi!

“Tama na nga kayo! Kuya doesn’t need a girl for his day, Newt! Alam mo naman ‘yun!” Maggie suggested. Napailing naman si Newt sa sinabi ni Maggie na naging dahilan kay Maggie na mapaiwas ng tingin. Goodness! Lahat na lang ba ng babae gusto ang charm na mayroon si Newt?!

“Fine whatever you want, Mags.” Napangisi si Newt kay Maggie.  Napairap na lang ako sa kalandian niya. Damn, this man. Damn.

So Maggie started to talk about her plan. Napapatango na lang ako at tinataktak sa isipan ko ang gagawin ko mamaya. Sabi ni Maggie ako raw ang hahawak ng cake ni Benj. Pagkapasok raw na pagkapasok ni Benj sa bar ay lalabas na rin ako at ihahatid sa kanya ang cake…kay Benj. Si Newt naman ang magbabalita sa mga kaibigan ni Benj na pumunta sa bar. Habang si Maggie ang nagpeprepare ng pagkain and such. When Maggie finally finished assigning task, nag-umpisa na kaming kumilos. So I contact the cake shop na sinabi ni Maggie sa akin. Nakapagreserve na raw ito kaya mamaya pupuntahan namin ni Newt. Si Newt naman naging seryoso na rin sa trabahong binigay sa kanya ni Maggie.

Maggie loves Benj. Sobra niyang mahal ang kapatid niya na kaya niya ‘tong ihanda para sa kanya. They are both giving love to each other. Alam ko, mahal na mahal din ni Benj si Maggie.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now