Kabanata 45

8.4K 144 8
                                    

Kabanata 45

Agreement

 

"I'm glad you're back, Leigh," Lolo said. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hindi mawala ang ngisi niya sa labi habang tinititigan ako. "I was about to talk to my lawyer. But I'm happy you're back!" he spread his arms like he was to hug me. Damn, kailan pa naging ganito 'to?

"You won," I stared at him.

"I always win, Leigh." Pinagdaop niya ang kamay niya. Nakakairita ang ngising binibigay niya sa akin at kung gaano siya kakomportable sa nangyayari ngayon. I hate him. Sa pagbibigay niya sa akin ng kadena sa buhay ko. At bakit hindi kami makaalis dito. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni mama na umalis dito at mamumuhay na lang kami hiwalay dito sa ama niya.

"You can't escape. You can't be free on my hands, Leigh. Do you know why?" doon natuon ang atensyon ko kay lolo. Hindi ko alam kung bakit. Hindi siya worth sa atensyon ko. Hindi. Nawala na ang lahat sa akin. Nawala na. "Did you ask your mother Ashleigh?" tumindi ang ngising binibigay niya sa akin. Nanatili pa rin akong nakatayo at nilalabanan ang tingin niya. "What if I tell you it is your mother's fault?" His face comes near to me. "Everything's your mother's fault," nanindig balahibo ako sa ngisi niya. Ramdam kong tutumba na ako sa kinatatayuan ko pero pinilit ko ang sarili kong tumayo pa rin.

"No...dinadamay mo lang si mama!" I closed my eyes when I shout. Napatawa naman si lolo sa akto ko. "Lo tama na. Walang magbabago sa pinaniniwalaan kong pera lang ang mahalaga sa'yo. You're heartless," I open my eyes. Pero parang nakakapagsisi kung bakit mo binuksan iyon dahil siya ang bubungad sa'yo.

"I'm not...your mother. Ask your mother about the agreement we made," aniya.

Naistatwa ako sa binunyag niya. No, nagsisinungaling lang siya. Hindi siya nagsasabi ng totoo. Gusto niya lang na masisisi si mama dito. "No, you're lying. Hindi magagawa ni mama 'to!" napayukom ako ng kamay. Alam ko sinalo ko lang 'yung dapat na kay mama. Na dapat siya ang nasa pwesto ko pero tumakas siya. Pero ako ngayon sa sitwasyon ko walang magawa.

"I'm not unfair, Leigh." Naglakad na si lolo palayo sa akin.

"Dad!" Parehas kaming napatingin ni lolo sa sumigaw. Si mama. Agad siyang lumapit sa akin at yinakap ako ng mahigpit. "Leigh, baby," mom's tears rush to her fragile face. Nanginginig niyang hinawakan ang pisngi ko.

"Now Ashleigh, sabihin mo kay Leigh ang pinag-usapan natin with my lawyer, 13 years ago. Papers, agreement, and everything about her."

Sumakit na ang palad ko sa tindi ng pagkakayukom ng kamay ko. Hindi ko makuhang maiyak sa gulat dahil sumasakit ang ulo ko sa nalalaman ko. Si lolo ang nagsisinungaling. Hindi magagawa ni mama ng magtago sa akin ng kahit ano na hindi ako involve. Never niya kaming pagkakaintan ng kung ano.

"Tell her," nanunuyang sabi ni lolo. Kumalas si mama ng yakap sa akin.

"Ma...no," ani ko. Umiling ako pero hindi pinansin ni mama at tumingin kay lolo.

"I signed an agreement, Leigh," napatakip si mama ng bibig. Nanghina ako sa sinabi niya sa akin. "Umoo ako sa mangyayari sa'yo. I agreed everything about what he wanted." Bigla akong napabitaw sa braso ni mama. Ginawa niya 'to? Talaga?

"No..." napaatras ako sa kanya. Tumingin agad si mama sa akin.

"Leigh, gusto ko lang na maging maayos kayo. Ito 'yung kapalit na gusto ni dad para lang maging maayos ang katayuan niyo rito. But I never want it. Kahit kailan ayoko. Naguguluhan lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko simula nang umalis ang papa mo," tulo ng tulo ang luha ni mama. Gusto niya akong hawakan pero lumalayo ako sa kanya at umiiling sa kanya. "Leigh, I'm sorry. Ayoko nito pero wala akong magawa. I want you and Densel to be okay. Mababaliw ako kapag hindi naging maayos ang katayuan niyo." Nanginginig na ang kamay ni mama sa pag-abot sa akin pero umiiling lang ako sa kanya. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi kami makaalis sa tabi ni lolo? Dahil dito? "I don't know if this is legal. This will never be legal, Dad!" biglang humarap si mama kay lolo. "Wala lang 'to di ba, dad? Pwede kaming umalis dito? Ayoko na! Aalis na lang kami rito?!" I shocked at my mom's reaction. Ngayon ko lang siyang nakitang sinagot si lolo.

"You know me, Ashleigh. I have the best lawyer." Lolo crossed his arm. "Kaya kong paikutin kung anong pinirmahan mo. And I'll be against you. Mapapakulong kita," aniya at binigyan kami ng ngisi. "You know me." He added.

Para akong binuhasan ng malamig na tubig at nanginig ang buong sistema ko sa sinabi ni lolo. Mapapakulong niya si mama. Ipapakulong niya ang sarili niyang anak kapag hindi nangyari ang gusto niya at umalis kami. O kaya tumakas sa puder niya.

"Dad hindi mo magagawa iyon!" mom shouted.

"I can. I will, if you don't obey me, Leigh." Biglang na-focus ang atensyon ni lolo sa akin. "Behave and obey me, Leigh. And your mother will be free and safe," aniya.

"You're heartless." I gritted my teeth. Hindi ko na nakakayanan ang naririnig ko. Una, pumayag si mama sa kondisyon na binigay ni lolo sa kanya. At huli, kailangan kong itali ang buhay ko sa kanya.

I still can't believe it. Pumayag si mama kay lolo para saan?! Para lang maging maayos ang buhay namin at ang kapalit ay masunod kung anong gusto ni lolo para sa akin. Na pakasalan kung sino ang gusto niya para lang maging makapangyarihan siya? Ganon? Iyon na lang ba ang paraan?!

"I still want the best for my granddaughter,"

"Dad! Hindi mo magagawa 'to sa amin. Pera lang naman di ba?!" mama said. Pumunta si mama sa harap ko at tinakpan ako kay lolo. "Tama na dad! Hindi 'to gusto ni mom! Itong ginagawa mo—" I gasped when lolo slapped mama.

"Don't you dare to mention her?!" Lolo shouted. "GET HER!" Biglang lumabas ang mga bodyguard ni lolo at hinawakan si mama sa braso.

"LO!" Pumunta agad ako kay mama pero may humila sa akin para ilayo sa kanya. "Tama na!"

Mahigpit nilang hinahawakan si mama. Habang ako walang magawa para makuha siya. Tinignan ko si lolo pero nakangisi lang siya sa akin. "Now, what?" he said.

"What do you want?!" ito naman ang gusto niya. Na sabihin ko 'to at gawin kung anong gusto niya. May sinasabi si mama pero hindi ko naintindihan dahil gusto ko ng alisin nila ang hawak nila kay mama at matapos na 'to. "Anong gusto mo, lo?! Para lang bitawan nila si mama?!" I swallow. And I don't know anymore how to breathe on my own. "Para lang matapos 'to?!" I added.

Lolo comes near to me. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko. Binitawan naman ako ng humahawak sa akin. "Beg for Yuan's forgiveness. Tell him you love him. And you'll marry him. Beg, Leigh. Beg for Yuan and your mother will be free,"

"You're a monster," napayukom ako ng kamay.

"Actually, I am." And he walks away.

 

 

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon