Kabanata 27

11.3K 185 7
                                    

Kabanata 27

No for what?

 

Alam ko namang nagbibiro lang si Benj doon sa sinabi niya. Siguro nagseselos siya dahil di ba kaibigan ko siya tapos hindi ko naman siya gaanong pinapansin. Ganun lang ‘yun, walang ng iba pang ibig sabihin.

What if I court you?

Paulit ulit ‘to sa isip ko. Paulit ulit kong sinasabi hanggang sa maabsorb ko siya. At hindi na ako makatulog kakaisip ng biro ni Benj. Pero sa ekspresyon ni Benj parang hindi siya nagbibiro doon sa tanong niya. Sineryoso ko naman at sumagot pa ako. God! Ano ba naman kasing iniisip ko noong mga oras na iyon?! Blanko nga ako nun! Blankong blanko! Mabuti na lang safe answer ang binigay ko sa kanya.

“Scar! Tara na!” bigla akong napaangat sa tumawag ng pangalan ko. Hindi pwedeng may tumawag ng Scar sa akin.

Napatayo ako, “Leigh. Not Scar! Okay Gaile?!” napakunot naman ng noo si Gaile sa sinabi ko sa kanya.

“Whatever! Tara na!” hinatak na niya ako palabas ng kwarto. Nagpahatak naman ako papuntang elevator at doon lang ako natauhan na lalabas pala kami. At maeexpose ako sa maraming tao at kay Benj! Hindi ko alam ang gagawin ko.  “Sayang lahat sa’yo Sca—I mean Leigh. I-enjoy mo na lang ‘tong San Mateo! Hindi ka naman guguluhin ni Yuan e!” sabi ni Gaile noong bumukas ang elevator.

Hindi na ako nagsalita at nagpahatak na lang ulit ako kay Gaile. Bahala na. Tama lang naman siya. Pero hindi ko maiwasan na mangatog ang tuhod ko pagkalabas ng hotel. Kasama ni Lucy ang mga pinsan kong lalaki at si Chico. Naglalaro sila ng volleyball.  Habang si Yuan may kausap sa phone niya.

“Maglalaro ka ba?” tanong ni Gaile at naghubad ng sundress niya. Umiling ako.

“Magsi-swimming lang,” tumango naman si Gaile at sumugod na siya kila Lucy. Naglakad na ako papuntang dagat. Hindi ko na hinubad ang sundress ko dahil naasiwa ako. Marami rami ring tao kaya ayokong bikini lang.

Naglakad na ako at lumangoy nang hanggang dibdib ko na ang tubig. Hindi gaanong malalakas ang alon kaya hindi ako natatangay.  Napaahon at mula sa pwesto ko kitang kita ko ang taong nagpagulo ng isip ko. With Gorg. Bakit naman nandito ‘yang babaeng ‘yan?! Kailangan ba siya rito?!

“Leighly!” bigla akong napatalon sa tawag na iyon. Napaharap agad akong bumungad si Sebastian sa akin. “Race me?” napakunot naman ako ng kilay. Pero napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng ngiti.

“Kapag nanalo ititreat,” sabi ko. At napangiti.

“Deal,” aniya Sebastian. Mula sa pwesto namin hanggang sa makatapak ulit kaming buhangin ang layo. Nagkatinginan muna kami ni Sebastian hanggang sa huminga ako ng malalim. Hindi ko to papalagpasin. Kailangang manalo.

“1..2…3…go!” sabay naming sabi ni Sebastian. Sabay ding umalon ng malakas noong lumangoy na ako. At biglang may humawak ng paa ko kaya nawala ako sa paglangoy!

“Ang daya!” sabi ko kay Sebastian. Siya naman tawang tawa hanggang sa makarating sa buhangin. Naglakad na lang ako hanggang sa makarating sa pwesto niya. Sinapak ko agad noong nakapunta ako sa kanya. “Ang daya mo!” sinapak ko ulit pero tawa lang siya ng tawa.

“Wala ka namang sinabing rule na hindi pwede ang mandaya. Treat me then, Leighly!” inakbayan niya ako pero napasimangot ako sa kanya.

“Madaya ka,” kinurot ko siya tagiliran. Pero magsasalita na sana ako nang biglang lumapit si Yuan sa amin.

“Mine,” aniya Yuan. Titig na titig siya kay Sebastian pero hinigpitan pa niya lalo ang akbay sa akin. Kinurot ko na ng palihim si Sebastian at natanggal naman ang akbay niya sa akin.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now