Kabanata 49

10.5K 160 10
                                    

Kabanata 49

Give him up

 

Una akong lumabas sa washroom para tignan kung may tao. Mabuti na lang walang tao.  Kumatok agad ako sa pinto ng washroom para palabasin si Benj. Nauuna ako sa kanya sa paglakad. Gusto kong sumabay sa kanya pero hindi pwede. Kailangang maging maingat ako sa pagkilos ko. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. “I want to stay with you.” Napayuko ako pagkatapos kong sambitin ito. Bumagal ang paglakad ko at naramdaman kong tumama ang kamay niya sa kamay ko.

“I want it, too,” aniya.

Napatingin ako sa kanya at nagsusumamo ang emosyon na ibinibigay niya sa akin. Napapapikit na lang ako sa kagustuhan kong makasama siya.  “Gusto ko Benj. Gusto ko.” I open my eyes. At siya agad ang bumungad sa akin. Napaayos siya nang tumingin ako sa kanya. Patuloy na siyang naglalakad.

“Okay.” Ang kamay niya ay natagpuan ang likod ko. Napatuwid ako ng dumapo ito at bumaba taas ang kamay niya. Ramdam ko ang pagtaas ng buhok ko sa batok sa ginagawa niyang paghawak lalo na’t backless itong suot ko. Damn. “I’ll call Chico. Papalabasin nating si Chico ang sumundo sa’yo at naghatid pauwi. So, you need to convince Yuan that you’re tired. Na gusto mo ng umuwi.” Napatango ako sa sinabi niya.

“Sige, Benj.” Napabuntong hininga ako nang hindi pa rin tinatanggal ni Benj ang kamay niya sa likod ko. Damn. Lalo akong hindi makakalakad ng maayos nito.

“Meet me at the parking lot. West side, Scar.” Ani Benj bago tuluyang mawala sa paningin ko. Hindi ko na nakuhang tumango sa kanya.  Napapikit lang ako wala na siya at ang ngiting nakakabuwisit ang bumungad sa akin.

“Leigh, I’m so sorry. Kailangan ko lang talagang makausap si Mr. Jimenez,” bungad ni Yuan. Ngumiti ako ng pilit. Kailangan kong makuha ang loob niya. Kailangang magpanggap akong pagod na ako para makauwi.

“Okay lang. Pero Yuan…” napakagat ako ng labi. Kunwari humikab para makita niyang inaantok na ako.

“You’re tired,” said Yuan. Hinawakan naman niya ang kamay ko. Humikab pa ako kunwari. “Gusto mo ng umuwi?” Damn. Kumagat siya. I nod and close my eyes. “Hatid na—“

“Hindi na! Text ko na lang si Chico para sunduin ako. Alam ko namang importante ‘yang ginagawa mo. Okay lang Yuan. Nandyan naman ‘yung kambal ko.” Please. Please. Umoo ka. Please.

Yuan sigh. Ngumiti ako para mapalagay siya. “Okay. Thank you, Leigh. Dahil naiintindihan mo ang ginagawa ko.” Yuan smiled. And I hate it. Naiinis ako kapag nawawala ang mata niya kapag ngumingiti siya. Nakakainis.

“Sige! Una na ‘ko,” I said. Pinisil ko naman ang kamay niya kahit wala sa loob ko. Napangiti siya sa ginawa ko.

“See you tomorrow. It will be a big day for you, Leigh. I love you.” Ngiting-ngiti sabi niya habang winawagayway ang kamay sa ere. Nginitian ko siya ng peke bagong tuluyang maglakad. Pagkatalikod ay umirap agad ako at napamura sa ginawa ko. Hindi kinakaya ng sikmura ko ang kaplastikang ginagawa ko sa kanya. Shit.

Habang naglalakad napatingin agad ako sa orasan. 10:30 na ng gabi. Ilang oras na lang ang pananatili ko kay Benj. Alam ko namang iuuwi niya pa rin ako sa bahay. At kailangan  iyon.

Patuloy ang paglalakad ko sa parking lot ng center na ito.

Meet me at the parking lot. West side, Scar,

I heard his voice in my mind. Pinili ni Benj ang lugar na iyon dahil alam niyang walang tao roon. Hindi naman naging mahirap ang paghahanap ko sa West side ng parking lot dahil may mga sign na nagsasabi kung anong side.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now