Kabanata 13

13.4K 204 11
                                    

Kabanata 13

Gustung gusto ko siya

 

Hindi kami makakilos na magpipinsan sa nakita namin. Nanlamig ang buong katawan ko sa nakikita ko. Bumaba kaming kotse at hinarap si lolo. Lolo is glaring at us. Kasama ni lolo ‘yung dalawang bodyguard niya. Napalunok ako nang sa akin lang siya tumititig.

“Hindi mo na talaga ako sinusunod,” seryosong sabi ni lolo.

“Lo, kami po ang—“ napatigil si Gaile nang biglang magsalita si lolo.

“Gaile and Lucy, go to your room now!” napalunok sila Lucy. Tinignan muna nila ako bago sila tuluyang pumasok sa loob ng bahay. And they look worried. Hindi naman ako makatingin kay lolo dahil natatakot ko kung anong sabihin niya.

Ito na. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

“Is this because of Ashleigh! Your mother?!” napatalon  na ako nang sumigaw na si lolo sa akin. Narinig ko ang yabag niya papalapit sa akin kaya napapikit ako, “tutulad ka rin pala sa mama mo?!”

“Sorry lo,” the only words I can say to him.

Nanindig balahibo ako nang biglang tumawa si lolo, “Ganyang ganyan din ang mama mo, Leigh!” bumigat ang paghinga ko nang malapit na si lolo sa akin at iduro duro niya ako, “wala kang ibinagkaiba sa kanya. You’re same with her! Stubborn!” napalunok at napapikit ako nang itaas ni lolo ang kamay niya para sampalin ako pero hindi niya natuloy dahil biglang may humatak sa akin.

“No!” may malakas na bisig ang yumakap sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa kanya. “Ako…ako ang nag-aya sa kanya na lumabas! Hindi ko lang siya nasamahan umuwi dahil kailangan kong umalis ng maaga,” aniya Yuan. Napatakip na ako ng bibig at pinunasan agad ang luha ko.

Bakit…bakit ka nagsinungaling si Yuan?!

“Nag-alala lang naman ako sa kanya Yuan,” palusot ni lolo. Gusto kong umirap o kaya talikuran siya pero hindi ko magawa kasi ginagalang ko pa rin siya. Gusto kong tumakas sa lahat pero hindi ko magawa kasi inaalala ko si mama. Na sa akin naman lahat ang desisyon pero hindi ko lang matuloy kasi maraming maapektuhan kaya wag na.

“I take care of her. Pumasok na po kayo,” narinig ko ang yabag ni lolo at nung bodyguards niya palayo sa pwesto namin. Ngayon ko lang nakita kay Yuan ito…na seryoso siya. Humarap siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko, “are you okay?” iniwas ko ang tingin sa kanya at kinalas ang hawak niya sa akin.

Umatras ako sa kanya dahil nasusuka ako sa pinapakita niya sa akin. Narinig ko nagbuntong hininga si Yuan pero binaliwala ko lang, “Anong kailangan mo?” tanong ko.

“Kahit ano palang gawin ko balewala lang sa’yo? Can I hear a ‘thank you’?” napairap ako.

“You want something, right? Tell me. And no thank you Christian,” bigla siyang napatawa.

“A serious Scarlett is what I love. Hearing my first name…is what I want. Common, my Scarlett, I want you. Hindi pa ba sapat ‘yung ginawa ko para mahalin mo ako,” nag-igting na ang inis ko sa kanya. God, Yuan!

Kalma, Scarlett! Kalma!

“Shut up! Shut up!” tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang naglakad papunta sa bahay.

“Tomorrow then. Date me again,” sigaw niya. Tumakbo naman ako sa loob at nagdiresto na sa kwarto ko. Argh! Ayoko na! Humiga na ako sa kama kahit hindi ako nagpapalit ng damit. God, sawang sawa na ako kung mayroon sa akin.

Pagod na pagod na ako kakaintindi ng kasiyahan niyo.

**

Hindi ko alam kung paano ko ibabaling ‘yung ang atensyon ko. Nakakairita na ‘yung pagdikit ni Yuan sa akin. Nandito na naman kami sa 5 star hotel na pinuntahan namin. Doon ulit kami kumain sa gusto niyang place dito sa hotel.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now