Kabanata 12

14K 197 4
                                    

Kabanata 12

He's back

 

Isang linggo na ako nakakulong sa bahay. Hindi lumalabas at hindi sumasama kay Chico. Nakakahiya. Nakakahiya 'yung ginawa ko...'yung sinabi ko kaya nagpalamig muna ako. At sa tingin ko hindi na ako sasama sa kambal ko dahil sa nangyari kasi alam ko magiging awkward ako lalo kay Benj.

Linggo ngayon pero nakakatamad gumalaw. Nakapag almusal naman kami pero bumalik ulit ako sa kwarto ko para humiga. Nakatitig lang ako sa kisame at blanko ang isip ko. Hay, ano naman kaya ang gagawin ko? Kahit naman wala si lolo rito o sinumang maghihigpit sa akin sa paglabas ay tinatamad pa rin akong maggala. 'Yung mga pinsan ko naman hindi ko alam kung anong ginagawa nila gabi-gabi. Siguro galang-galang 'yung mga 'yun.

Papapikit na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, "OMG! Tara! Tumayo ka! Tumayo ka dali! Aalis tayo!" bigla naman akong hinila ni Gaile. Sinamahan pa ni Lucy para matayo na talaga ako.

"Bakit?!" inirapan ko sila. Wala ako sa mood lumabas o anuman.

Biglang may nilabas naman si Lucy na tickets. "Look!" pinamukha niya sa 'kin 'yung ticket. "Come on! Ericka's collection 'to, Leigh!" pinagpapalo naman ako nitong si Lucy.

"Saka 'yung mga model, Leigh!" dagdag pa ni Gaile. "Kaya maligo ka na dahil alam ko tatlong araw ka ng hindi naliligo sa katamaran mo! Maawa ka naman sa amin!" bigla akong sinampal ni Gaile. Napalaki ako ng mata nang itulak nila ako sa banyo at muntik na akong mahiga sa lakas nang tulak nila.

Oo inaamin ko hindi pa ako naliligo at tatlong araw na akong tamad na tamad. Hindi ko nga tinitignan ang phone ko kasi mabibwisit lang ako ni Yuan sa nakakadiri niyang text messages sa akin. Ewan ko ba lahat hata nang gagawin niya itetext niya. Kairita lahat na lang.

"Binibigyan lang kita ng 15 minutes maligo, Leigh Scarlett!" sigaw ni Lucy.

Nataranta naman ako kaya naligo na ako. Bahala na! Hindi ko alam kung anong ligo ang ginawa ko. Alam ko kasing kapag lumagpas sa 15 minutes 'yung ligo ko ay bubuksan nila itong pinto ng banyo at hahatakin ako palabas.

Agad-agad akong lumabas at bigla naman akong hinatak ni Lucy sa upuan. May mga dress sa kama ko at napalunok ako kung gaano ka-revealing 'yung ibang dress.

"Nandun din si Ericka, kailangan makita niya na sinusuot natin 'yung mga gawa niya!" aniya Gaile at inayos ang buhok ko. Si Lucy naman tinitignan 'yung mga dresses. Nakaayos na pala sina Gaile at Lucy. Naka-white dress si Gaile at ang ganda-ganda niya dahil sa puti at kinis niya. Si Lucy naman nakared dress and she looks so sexy.

"Ito! Ito 'yung gusto ko!" napatingin kami parehas ni Gaile kay Lucy. Nanlaki ang mata ko sa itim na dress na pinakita niya na parang ang hirap suotin dahil parang kung saan-saan mo isusuot 'yung kamay mo masuot lang sa'yo. Kita rin 'yung likod ko!

"Paghuhubarin niyo hata ako e!" bigla akong napatayo at sinugod si Lucy.

"Duh, Scar! Ito kaya 'yung latest ni Ericka!" napairap si Lucy at binigay ang dress sa akin. Tinignan ko naman ang dress at napalunok ako. Maayos naman 'yung baba niya pero sa itaas ako hindi napapalagay. Oo OA na 'yung pagdescribe ko pero ayoko kasi kita 'yung likod ko na naman! Ang hilig-hilig nila sa ganito.

"Kita ang likod?!" untag ko.

"Scar alam mong 'yung likod mo talaga ang gusto namin dahil ang sexy-sexy mo!" sagot ni Gaile. At hindi na ako nakapalag sa kanila sa pag-alis ng robe sa katawan ko at sinuot na nila 'yung dress sa akin. Ako ang nahirapan sa pagsuot kasi feeling ko mababali ang kamay ko sa sapilitan nilang pagsuot ng dress sa akin.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now