Kabanata 16

12.5K 185 5
                                    

Kabanata 16

May nagtext!

 

Hiyang hiya na talaga ako sa ginawa ko noong mga nakaraang araw kaya kusa na akong hindi sumama sa mga lakad ni Chico o kaya nila Gaile at Lucy. Ayoko munang makita siya kasi hanggang ngayon naiimagine ko pa rin ‘yung ngiting binigay ni Benj sa akin noong sinabi ko ‘yun. O God! Napatakip ako ng unan at pinagsasampal sampal ko naman ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan.

May kumatok sa pinto kaya napatayo ako sa pagkakahiga. Bumungad ang head maid sa akin, “pinatatawag po kayo ng lolo niyo,” aniya at yumuko sa akin pagkatapos ay naglakad na palayo. Napaayos muna ako ng sarili bago pumunta sa office ni lolo.

Bawat hakbang na ginagawa ko kumakabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba. Kahit malapit lang ‘yung office ni lolo sa kwarto ko pakiramdam ko ang layo-layo nito. Goodness! Scarlett! Nanginig ang kamay ko nang mahawakan ko ang door knob. Lalo pang nangatog nang pihitin ko ito at nagbuksan ko na ang pinto.

“Yuan will be here at 10. Dadating ang designer ng gown mo susukatan ka,” bungad ni lolo pagkapasok ko sa office niya. “You just need to accept everything, Scarlett. You are chained by Yuan. At alam mo naman ang dahilan,” Oo alam ako ang dahilan. Dahil kay mama. Dahil hindi niya napakasalan ‘yun dapat ipakasal sa kanya kasi tumakas siya. Gusto mo lolo maging makapangyarihan kaya sa akin mo ginanti ang lahat. Kasi buong buhay mo lo, sa pera lang umiikot. Mayaman sila Yuan kalebel mo kaya gusto mong makuha sila. You want to be powerful right?!

“Opo. Mauna na po ako,” sinusubukan kong maging malakas sa harap niya pero napapawi pa rin kasi nagiging mahina ako dahil wala lang ako.

Sana sinama na lang ako ni papa noong umalis siya. Hindi sana ako ganito magdaramdam sa kanya kasi hindi niya kaya kaming kunin sa kamay ni lolo. We are nothing without lolo. Nothing. Pero tinakasan lang kami ni papa at hindi na kami binalikan pa.

Tumalikod na ako at bumaba. Pumunta na agad akong sala para hintayin si Yuan. Ito na siguro, kailangan ko lang siguro tanggapin ‘yung mangyayari sa akin ngayon. Nakakainis. Nakakairita. Nakakabaliw. Lahat na lang!

Napaupo ako sa couch at bigla namang pasok ng mga pinsan kong kagagaling sa swimming. Nakarobe silang lahat at tinabihan ako.

“We planned to go somewhere this summer, cous,” paunang sabi ni Gaile.

“Saan naman?” tanong ko.

Nagkatinginan naman silang lahat at sabay-sabay na tumingin sa akin na nakangisi.

“Hindi ka naman pwede!” they said in unison.

Inirapan ko lang sila at napapikit ako para mapakalma ko ‘yung sarili ko sa kanila. “Bwisit!” sabi ko ng nakapikit.

“Isasama namin si Yuan para makasama!” pang-aasar ni Cid. Binato ko naman siya ng unan sa mukha pero tawang tawa pa rin.

“Subukan mo lang!” sigaw ko at binato pa ‘yung isang unan.

Natigil lang ako sa pagbabato nang magsalita si Ezekiel, “Grecia, San Mateo.” Napalunok ako nang maring ang San Mateo. Nasabi na ‘to ni mama sa akin dati na dito sila tumira ni papa pero hindi ko alam kung nandoon si papa. Pero ano namang pake ko, wala ngang pake si papa sa amin.

“Sabi nila parang Bora ‘to,” pagsasalita ni Lucy. “Maganda raw talaga rito! Try natin ‘to! Sige na!” sabik na sabik si Lucy noong sinasabi ito. Napairap lang ako.

“Sasama ako!” napatayo ako. “Kahit anong mangyari! Basta sasama ako!” Bahala na kung anong paraan ang gawin ko makasama lang sa outing. Kakaiba rin kasi ang feeling kapag kasama mo ang mga baliw mong pinsan sa outing.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now