Kabanata 40

10K 163 6
                                    

Kabanata 40

Give up

 

Agad na lumipad ang kamay ko sa pisngi ni Yuan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinapak ko ulit siya sa mukha niya. Wala pang nagsasabi sa akin ng ganong salita. Hindi ko manguya na sinabihan niya akong whore. Ako? Ako talaga?!

“How could you, Leigh?! I treat you well. Ginawa ko lahat ng gusto mo! But fuck, you cheat. You fucking cheat me,” hinawakan ng marahas ni Yuan ang kamay ko. Nilapit niya ako sa kanya. Pwersahang nilapit ang mukha ko sa kanya. “Bakit? Sino ba ‘yun?! Masarap ba siyang humalik, Leigh?! Ganito ba?!” Biglang nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa niya. Hinalikan niya ako ng pwersahan. Hindi ko magawang umiling dahil pilit niyang nilalapit ang mukha ko sa kanya. Sinubukan kong pigilan siya pero mawala akong magawa. Damn, no. No…please.

“No…no,” I cried out. Marahas niya pa ring hinahalikan ang walang labang kong labi.

“CHRISTIAN!” I heard a familiar voice. “Bloody hell!” may malakas na naglayo sa akin kay Yuan. Bigla akong napalupasay sa sahig dahil nawalan ng lakas ang tuhod ko sa nangyari. Napahilamos na lang ako ng mukha. God, what’s happening?!

Nakita ko na lang na nakahiga sa sahig si Yuan at may lalaking nakasakay sa kanya. Sinuntok siya nito at namukaan ko na kung sino. Si Chico. Pwinersa ko na ang sarili ko na tumayo para lapitan si Chico. Hindi ko alam kung anong magagawa niya kay Yuan. Baka kung ano pa!

Rinig ko ang pag-iyak at pagsigaw ni Yuan sa suntok ni Chico. Hindi ko alam kung anong takbo ang ginawa ko para lang makapunta sa pwesto nila. Agad kong hinawakan ang kambal ko. “Stop…stop,” mabagal at mabigat ang paghinga ng kapatid ko. Sa una akala ko hindi ko siya maawat pero napatayo ko rin siya. Nang mahimasmasan siya at agad niyang hinawakan ang pisngi ko.

“Are you okay?” nanginginig pa sa una ang kamay niya. May dugo pa nga ito pero hindi ko binigyang pansin. “I’m sorry, sorry, Leigh,” Napapikit ako sa sinseridad ng boses ng kapatid ko. “Maybe you’re right, you’re better with him. I would help. I should, Leigh.” Kumalas si Chico sa akin. He combed his hair using his hand. “I’m sorry. Please, don’t hate me. I don’t want you to hate me.” Napapikit siya sa sinabi. “I’m sorry,” he added.

Umiling ako sa kanya. Kinuha ko ang kamay ni Chico, “I’m sorry, too. You’re just too protective to me,”

“Leigh…please,” parehas kaming napatingin ni Chico sa pwesto ni Yuan. Nakatayo na siya pero pwinersa ako ni Francisco na tumalikod na at pumasok sa loob ng bahay. Narinig ko pang tumawag si Yuan pero hindi na namin pinansin.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay, patay na ang ilaw at tanging ilaw na lang sa kusina ang bukas. Wala na rin ang mga maid dahil 11 na ng gabi. Natapos na siguro nila ang gawain. Hinatid ako ni Chico hanggang sa kwarto ko. Pumasok pa siya sa loob at umupo sa upuan na malapit sa kama ko.

“Uuwi na si lolo bukas,” napalunok ako sa biglaang niyang pagsasalita. “Babalik na si tita Nicole at Jezel sa bahay dahil inutos ni lolo na tulungan ka nila sa kasal bukas.” Tumingin siya ng diretso sa akin. Napipipi ako sa ganitong bagay. Hindi ko alam kung paano ulit magsalita o kumilos man lang. “And they’ll announce your wedding on your birthday, Leigh…in front of the media,” Napatakip na ako ng bibig sa narinig ko. No…no…hindi nila gagawin ‘to. Hindi nila sasabihin sa media o sa kung ano pa. No…hindi. “And I am fucking worried about you and Benj,”

No, hindi nila gagawin ‘to. Maraming tao na ang makakaalam kahit wala silang pakelam. Marami ng makakakita kahit hindi naman nila kami kilala. At once, na makita nila ang larawan namin ni Yuan sa pahina ng dyaryo, mas lalong hindi magiging safe ang sitwasyon namin ni Benj. Lalala ang imahe ko…at syempre kakamuhian ako ng pamilya ko kapag nalaman ‘yung tungkol sa amin ni Benj. Damn, this shit.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now