Kabanata 15

12.4K 193 10
                                    

Kabanata 15

Nagseselos ako

 

Nakatitig lang ako kay Gorg kung paano niyang puluputin ng galamay niya ang katawan ni Benj. Kumalma ako at habang tinitignan sila. Pero hindi ko na hata kayang kumalma nang sumusulyap pa sa akin si Gorg at ngisian ako habang hinahawakan niya ang braso ni Benj at sumasayaw. Kinuha ko na lang ulit ‘yung iniinom ni Chico at linagok iyon. Napapikit ako at biglang napatingin dahil hindi ko lang kung bakit ininom ko pa ‘yung kapait na inumin na iyon.

“What?” tanong ni Chico.

“Paano mo ‘to natatagalan?” pinakita ko ‘yung bote sa kanya, “’yung ganitong kapait na liquid?!” napakunot ako ng noo.

Tumawa naman si Chico, “sa’yo lang mapait ‘yan. Nakadepende kasi sa mood ‘yan. Nagiging mapait kapag nagseselos,” aniya. Napalaki naman ako ng mata sa sinabi niya.

Nagseselos?

“Ha?” tanong ko.

Tumawa lang si Chico at tumayo. Yumuko siya sa akin at lumapit ang mukha niya sa tenga ko, “I’ll go and get Gorgina. You go and get Benj. Okay? Leigh?” lumayo na siya sa akin at nginisian ako. Napabukas ako ng bibig at tinitigan ko kung paano kunin ni Chico si Gorg kay Benj. At ako naman nakatunganga lang habang wala ng kasayaw si Benj.

Teka…anong gagawin ko?

Bigla namang napatayo ‘yung magkakapatid na Bon at pumunta na ring dance floor. Ganun din sina Gaile at Lucy kaya mag-isa lang ako dito sa table namin. Napayuko ako.

Ayoko namang ipilit talaga ang sarili ko kay Benj. Babae pa rin ako at hindi dapat ako ang persuade kay Benj. Na hindi dapat ako ang mang-akit magustuhan niya ako. Ayoko nun. Ayoko maging ganong tao. I’m still a woman. May respeto pa rin ako sa sarili ko.

“Ayaw mong sumayaw?” napaangat ako ng ulo.

Natameme mode again ako. Nandito na naman si Benj sa akin at umupo sa tabi ko. Uminom siya nung kung ano at nakatitig lang ako sa kanya.

Napaunat ako, “wala kasing nag-aaya,” napa-awkward na tawa na naman ako. Bigla namang tumayo si Benj at ino-offer ang kamay niya. Inaaya ba niya akong sumayaw? Oh God, inaaya niya talaga akong sumayaw. Kukunin ko na sana nang may humatak sa braso niya. Napalaki ako ng mata kung sino ‘yung humatak si Gorg. Si Gorg na asungot at pakitang tao kay Benj.

Napasimangot si Benj sa akin kaya napasimangot din ako. Mabait na tao si Benj kaya hindi niya man lang pinigilan ‘yung paghila ni Benj kay Gorg. Hindi niya kayang manigaw o magalit nang lubos kaya hinayaan niya lang si Gorg. Ganung tao si Benj kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi ko alam kung sino pa ang nagkakagusto sa kanya pero isa na kami ni Gorg doon.

Pero ngumiti na rin ako sa kanya para hindi na siya mabagabag. Tumayo ako at naglakad para hanapin ang washroom para mahimasmasan. Nakita ko naman agad ang washroom at pumasok agad ako.

Napahugas agad ako ng kamay. God, unti-unti at mabagal pero malalim na hata. Ayoko nito kasi mali. Mali dahil baka mauwi sa wala. Masama dahil hindi na ako pwede kahit kanino man. I belong to Yuan and I’m unable to love anyone because of him. Kaya hindi pwede lumalim itong nararamdaman ko kay Benj kasi mali.

And the best way to do is to ignore. Ignore him. Ignore my feelings. Ignore everything about him. Ngayon napagtanto ko na ang lahat pero mayroon sa akin na gusto pa rin i-try ‘yung maling ito. Kasi…parang dito ako magiging masaya. Parang palang kasi wala kasigaraduhan.

God, bakit ba ako naging seryoso ngayon? Hindi ako ‘to! Napahilamos ako ng mukha.

No, Scarlett. Enjoy your life.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now