Zombie Apocalypse - 2012

16K 192 29
                                    

December 20, 2011

Umuulan ngayon sa Cubao. Tahimik na nakaupo sa isang Taxi si George. Nakapatong sa kanyang mga hita ang isang briefcase. Mahigpit na mahigpit ang hawak niya dito, tila takot na takot na may mangagaw nito. Kanina pa siya tinitingnan ng driver. Hindi ito ang unang beses na nagkaroon siya ng pasahero na ganyan. Kadalasan, mga adik atsaka mga nasiraan na ng ulo ang ganyang kung kumilos. Naghanda siya sa kung anu mang pwedeng gawin ng misteryosong lalaki.

"Manong, Para." sabi niya nung nandun na sila sa isang madilim na eskinita.

"Okay lang po ba kayo dito? Umuulan pa po, mukha pong wala naman po kayong payong..." sabi ng mama. Naibsan ng konti ang kanyang takot na makita niyang maganda naman pala ang suot ng lalaki. Isang corporate suit. Mayaman, at mukhang respetable. Kung hindi lang sana siya basang basa ng pawis dahil sa nerbyos, magmumukha talagang negosyante ang lalaki.

"Okay na ako dito manong. Sandali lang naman ako mapupunta sa ulan eh. Makakasilong ako kaagad." Nagtaka si manong sa sinabi ng lalaki, pero pinabayaan na lang niya ito. Binabayaran siya ng mga tao para maghatid, hindi para magtanong.

"Sige po." tapos iniiabot na ni George ang bayad. Isang libong piso.

"Wag niyo na akong suklian manong. Bilisan niyo na lang ang pagmaneho paalis." sabi niya habang bumababa.

"S-Sige po." Pagkasarado na pagkasarado ng pintuan ng Taxi, pinaharurot na ng matanda ang kanyang taxi bago magbago ang isip ng lalaki. Sampong beses ang ibinayad ng isang costumer, hinding hindi niya ito tatanggihan.

Napabuntong hininga si George. Tumingin siya sa madilim na langit. Dahil umuulan, walang bituin at walang buwan. Hinawakan niya ang isang pader doon, at pagkatapos, pumasok na siya sa nakakasakal na kadiliman.

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now