1. Meeting You By Accident

18.1K 219 13
                                    

Reica's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Reica's Pov

"You are soooo dead to me later Kyle!" Galit kong banta sa kakambal ko.

Sinabihan ko na kasi si Kyle kagabi na sasabay ako sa kanya sa pagpasok pero iniwan pa rin ako ng kamoteng un!

I can't afford to be late today! May exam kami ngayon sa World Literature!

Kaya heto ako, ang aga aga stress na stress na sa pag takbo.

Tanaw ko na ang entrance gate ng Sullivan International Academy kaya tinodo ko na ang pagtakbo. I only have 5 minutes before my first subject!

Di ko na tuloy napansin ang paparating na red ferrari car na mabilis din ang pagpapatakbo.

Pumikit na lang ako at hinintay ang pagbangga nito sa akin.

Bwisit ka Kyle! Mumultuhin talaga kita pag namatay ako!

...........

"Miss are you okay?"

May humawak sa braso ko at marahan akong yinugyug.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

Bumungad sa akin ang pinakamaamong mukha na nakita ko sa tanang buhay ko.

Nasa langit na ba ako? Anghel ba ang nasa harap ko?

Lalo pa akong natulala ng nginitian ako nito.

"I'm afraid I'm not an angel, Miss..."

Nanghihinang napaluhod ako.

Ang krung krung ko talaga! Nakakahiyang nasabi ko pala un ng malakas!

"Are you fucking insane miss?! If you want to commit suicide, sa train ka magpasagasa! Wag mo kaming idamay!"

Napatingin ako sa lalakeng palusob sa amin.

Eto ang demonyo! Mukhang tanga rin ang porma nito! Ang init init pero naka leather jacket!

"Don't shout at her Trystan. Can't you see that she's scared out of her wits. May masakit ba sayo? Let's bring you to the hospital..."

Inalalayan ako nito na makatayo. Buti pa to mabait kesa sa tinawag nitong Trystan na jologs namang pumorma! Pagbintangan ba naman akong magpapakamatay??!

"Aaron mukhang okay naman yan! Nag iinarte lang! Let's go just leave that crazy girl! Aside from being insane, mukhang bingi pa yata yan e!"

Napipikon na talaga ako sa isang ito. Malapit ng bumingo sa akin ang jologs na ito e!

"Trys sumusobra ka na a. Ikaw ang muntikan ng makabangga sa kanya. The least we can do is make sure that she's okay" saway naman dito ng guardian angel ko.

Yes! He's my guardian angel. Pinagtatanggol ako nito sa kaibigan nitong kampon ng kadiliman.

"Why are you even on her side dude? It's her fault for blindly crossing the road without checking for any passing vehicles? She almost ruined my brand new car! Don't tell me this is your new type? Bumaba na ba ang standard mo mula ng iwan ka ni Veron?"

Ang Astig kong Prinsesa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon