21. Giving Up

5K 228 72
                                    

Reica's Pov

"Anong ginagawa mo rito?" Manghang tanong ko rito. But deep inside I was happy that he was here.

Kaso dinedma lang ako ni Blaze. Binalingan nito ang matandang lalake na kasunod nito.

"Check up on her..." utos nito.

"Okay na ako. Nakainom na ako ng gamot kanina."

"Pinainom na sya ng gamot ni Rocco kanina. Juice Boss Blaze?" Sabat ni Kyle na may bitbit na tray.

"Spit it out!" Madiin na utos ni Blaze.

"Ha?" Sabay pa naming bigkas ni Kyle.

Kalmado naman kasi kanina si Blaze tapos out of nowhere nagbeast mode ito. Mukhang si Blaze ang kailangan ng check up e!

"Don't accept anything from your brother's dog! Spit it out right now!"

Lalo itong nanggigil sa blankong ekspresyon ko. Di ko naman kasi talaga magets ang pinagsasabi nito. As far as I know, wala kaming alagang aso dahil allergic ako dun.

"What are you doing there? Check her condition! I don't know what kind of meds that she stupidly drank earlier. She's getting dumber every minute!" Gigil na sita nito sa doktor na katabi.

"Wag kang mag alala Boss. Ganito talaga kami pag nagkakasakit. Tamang inom lang ng gamot gumagaling na." Sabat ulit ni Kyle.

Nagets na ni Kyle ang kinakagalit ni Blaze at namamangha pa rin sya dun. Nagseselos ang Boss nya kay Rocco at sa sobrang selos gusto pang ipaluwa kay Reica ang binigay ditong gamot. Matagal nang tunaw un sa sikmura ng kakambal nya na hanggang ngayon prinoproseso pa rin ang mga sinasabi ni Blaze.

Tinapunan ni Blaze ng masamang tingin si Kyle.

Am I talking to you? Un ang mensahe ng mga mata ni Blaze na nagets naman agad ni Kyle. Hindi rin naman gusto pang magstay sa kwartong iyon si Kyle dahil bawat minuto ay bumababa na ang respeto nya sa Big Boss ng Black Phoenix.

Paglabas ni Kyle ay mabilis akong nilapitan ng doktor. Ilang minuto lang ay tapos na agad ito sa pag check up sa akin at sinabi kay Blaze ang findings nito.

Nag paalam na rin ito na aalis na dahil may nakaschedule rin itong ooperahan. Di lang ito makatanggi ng tawagan ni Aaron at inakala rin nito na may emergency kaya nagmadali pa ito sa pagpunta sa sinabing address ni Aaron only to find out that his patient was an ordinary person with a small bruise on her face.

Pero di ito makapagreklamo dahil mukhang may relasyon ang babaeng ito kay Blaze Hunter Sullivan na kilala pa namang basagulero at walang sinasanto. Lihim na lang napailing ang doktor sa kapritso ng mga mayayayaman...

"Sinabi ko na sa'yo okay na ako e..." wika ni Reica pagkaalis ng doktor.

"You look uglier..." madilim ang mukha nito habang nakatingin sa pasa sa bibig ko.

Namintas na naman ito. Di yata kumpleto ang araw nito ng di ako pinipintasan.

"Ikaw kaya ang magkapasa ewan ko lang kung gwapo ka pa rin!"

"Of course I'm still handsome, nothing will change that. And I'm not stupid to let someone get advantage of me" ngumiti pa ito ng nakakaloko.

Kaysa mamatay ako sa highblood dito ay bumangon na ako mula sa higaan ko.

"Where are you going?"

"Sa CR. Maliligo muna ako. Sama ka?" Sarcastic na sagot ko rito. Kaso nagback fire ang pang iinis ko sa sagot nito.

"Sure! I know you're dying to see me naked."

"Neknek mo! Lumabas ka na nga lang sa kwarto ko!" Namumula ang pisngi ko na tinulak ito palabas ng kwarto ko.

Ang Astig kong Prinsesa!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora