12. Ang Mga Weirdo

5K 86 14
                                    

Reica's Pov

Lutang...

Ganyan ako sa buong klase ko. Ilang beses ba akong tinawag ng professor ko ngayon para kunin ang atensyon ko? Di ko na mabilang.

Wala talagang pumapasok sa utak ko ngayon. Umuwi na lang kaya ako?

Kung may maganda mang naidulot ang pagiging lutang ko ay hindi ko napapansin ang mga masasamang tingin sakin ng mga girls ng SIA.

Paano ba naman palala ng palala ang kumakalat na tsismis tungkol sakin. Nung una power tripper lang ako. Mahilig daw akong makipagrelasyon sa mga leader ng gang kaya ganun na lang daw ang paghahabol ko kay Blaze.
Pero ngayon gold digger na ako kasi pumapatol ako kahit kanino basta alam kong maraming pera.

Kahit saan talaga nagkalat ang mga tsismosa! Akala naman nila mag papaapekto ako sa kanila!

Mas apektado pa ako sa accidental kiss namin ni Blaze! No! Di nga pala un kiss. Nagkabangga lang ang mga labi namin at ayoko ring isipin na may kung anong malambot na bagay ang nagpumilit pumasok sa lips ko.

Ayoko talaga!

"Reica! Reica! Reica Jade Sullivan!"

Wala pa rin sa wisyo na napatingin ako kay Annie.

"Kanina pa kaya kita tinatawag. What's happening to you?"tila naiinis na tanong nito.

"Ha? Wala naman. Marami lang akong iniisip."

"Like what?"

Si Blaze saka yung kissable lips nya!

Tinampal ko ang aking pisngi. Baka sa pamamagitan nun mapigilan ko ang pag iisip kay Blaze.

"Reica? Ano na? Para namang wala akong kausap dito e!"

"Basta... Mga bagay bagay..."

Gaya ng kailan ko kaya ulit makikita si Blaze? Kung iniisip nya rin ba ako? Kung apektado rin sya sa accidental kiss namin?

Napabuntunghininga ako. Napakasutil talaga ng utak ko ngayon. Alugin ko kaya?

"Hey! What are you doing?"

Pinigilan nito ang pagpapauntog ko sa pader.

"Annie may alam ka bang gamot na nakakapagpabura ng alaala?" Bigla kong natanong dito.

"You're getting weirder Reica. Akala ko ba you treat me as a friend why can't you tell me what's happening to you?"

Naguilty naman ako sa sinabi ni Annie. Kaso di ko pa talaga kayang magkwento e.

"Wala.. Family problem lang..."

Naglakad na ako ng mabilis bago pa ito makapagtanong ulit. Kaso ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng mamataan ko si Blaze.

Bakit parang lumiliit na ang mundo saming dalawa ni Blaze?

Nagtama ang mga paningin namin. Hindi ko na nakayanan ang bilis ng kabog ng puso ko kaya tumakbo na lang ako.

Dinig ko pa ang pagtawag sakin ng isa sa mga palaging kasama ni Blaze. Di ko na inalam kung sino sya. Ang gusto ko lang makalayo sa lugar na un at kay Blaze!
_________________________________________________

Trystan Pov

Kanina ko pa pinagmamasdan sina Aaron at Blaze. They are both acting weird.

Si Blaze paikot ikot. Di mapakali sa isang lugar. Biglang titigil tapos mamumula ang mukha tapos maglalakad ulit.

Wala namang makapag react samin sa takot na mabigwasan nito.

Si Aaron naman he's smiling stupidly at Blaze. Pero pag napapatingin sa gawi nya si Blaze, he will resume his poker face.

Ang Astig kong Prinsesa!Where stories live. Discover now