20. Getting Even

4K 73 11
                                    

Reica's Pov

Nagising ako ng sumunod na araw na sumasakit ang buong katawan ko at tila binibiyak sa dalawa ang ulo ko.

"How are you feeling Princess?"

Napalingon ako sa boses na nasa gilid ko. Si Kuya Kyan! Anong ginagawa dito ni Kuya?

And then all the things that happened yesterday came rushing back to me. Ang pagkidnap sa akin, ang pagsagip sa akin ng Black Phoenix at Black Spider, ang pagpunta namin sa presinto at ang pag uusap namin ni Kuya Rocco.

Napahawak tuloy ako sa ulo ko dahil lumevel up pa ang pag sakit nito.

"I know you hate the hospital Princess pero pag di bumuti ang pakiramdam mo I don't have any choice but to send you there..." buong pag alala na wika ni Kuya Kyan.

I shuddered silently. Just thinking myself lying in a hospital's bed scared me out of my wits. Bata pa lang ako I have this irrational fear on hospitals. Di ko alam kung bakit. This is also one of the reason kaya over protective sa akin ang mga kapatid ko. Ayaw nila akong magkasakit dahil alam nilang di nila ako mapipilit na magpahospital. Gaya ngayon. I'd rather endure the pain than go to the hospital.

"Pahinga lang to Kuya. Magiging okay rin ako..." assurance ko dito.

Tinitigan ako ng matiim ni Kuya Kyan. Alam kong di ito naniniwala sa sinabi ko. Pero katulad ni Kuya Kayne, hindi rin ito makahindi sa anumang gustuhin ko.

Bumukas bigla ang pinto. Pumasok si Kuya Kayne at kasunod nito si Kuya Rocco na may bitbit na tray ng pagkain.

Dumilim saglit ang itsura ni Kuya Kayne ng makita nito ang itsura ko.

"Baby girl kain ka muna para makainom ka ng gamot mo..." masuyong wika nito. Sa isip nito ay bumubuo ito ng plano kung paano makakaganti sa mga taong nanakit kay Reica.

"Favorite food mo ito Princess. Tinolang manok. Ako mismo ang nagluto..."
Nakangiting wika ni Rocco.

Hindi ako makatingin ng diretso kay Kuya Rocco. Ngunit pasaway ang tiyan ko, di marunong makisama. Kumalam ba naman ng pagkalakas lakas!

Bakit sa mga nababasa kong romance story kapag nasa ganitong awkward situation ang bidang babae ay wala syang ganang kumain? Or assumera lang ako na ako ang bida sa storya na ito?

Kita ko pa ang paglawak ng ngiti sa gwapong mukha ni Kuya Rocco.

Teka lang kailan pa naging gwapo sa paningin ko ang mukha ni Kuya Rocco? Mukhang naalog ng lubusan ang utak ko ng masuntok kahapon ng manyak na un a.

Makahulugang nagkatinginan sina Kyan at Kayne sa namumulang mukha ng bunso nila. First time nilang makita na mailang sa presensya ni Rocco ang prinsesa nila. Nagsenyasan ang mga ito na bigyan ng privacy ang dalawa.

Nang tangkang susubuan na sya ni Rocco ay inagaw nya rito ang kutsara.

"Kaya ko namang kumaing mag isa Kuya..." Natigilan sya sa sasabihin ng maalala ang usapan nila. " Rocco..." mahinang dugtong ko bago tuluyang sinubo ang pagkain.

Kumislap naman ang mga mata ni Rocco. Tila musika sa pandinig nito ang pagtawag rito ni Reica sa pangalan nito.

Dumaan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Kuntentong pinanood ni Rocco ang pagkain ni Reica.

"Busog na ako. Salamat. " mahinang wika ko sabay abot ng plato ko rito.

"Uminom ka naman ng gamot para gumaan kahit paano yang pakiramdam mo. Alam kong na di ka magpapadala sa hospital."

Diretso kong ininom ang gamot na inabot nito. Hindi pa rin ako makatingin ng diretso dito.

Dinig ko ang pag buntong hininga nito. Naramdaman ko ng hawakan nito ang baba ko at pilit na pinaharap ako dito.

Ang Astig kong Prinsesa!Where stories live. Discover now