15. When the Torpe Went Mad

4K 60 3
                                    

Reica's Pov

I was so shocked with the kiss. It was just a gentle probing on my lips. But it literally made my world stopped.

"So now your brother has every reason to fight me."

Bigla tuloy akong napadilat Ang init init ng pakiramdam ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Napayuko ako ng magtama ang mga mata namin. Di ko na napansin ang pag iwas naman ng tingin ni Blaze at pamumula ng buong mukha nito.

"Uwi na ako..."mabilis kong paalam dito.

"Crazy Girl..."

Napahinto ako sa paglalakad.

"Your brother was the one who issued the challenge. I can't back out from it but I will not intentionally hurt him."

"Thanks..." sagot ko.

Kahit papaano, napanatag ako sa sinabi nito. Pero kailangan ko na talagang lumayo dito bago pa ako maubusan ng hininga. Over dosage of Blaze's presence is very hazardous to my health.

Nang nasa tapat na ako ng pinto namin ay tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko.

"Hoy Kalaykay anong ginagawa mo dyan?"

"Nagchacharge! Naubos ang lakas ko e."

Wala sa loob na sagot ko kay Kyle.

"Mukha kang tanga dyan. Magluto ka na kaya. Gutom na ako!"

I tried shaking my head. Hoping I could get rid the memory of that kiss if I keep doing that.

Inakala naman ni Kyle na tumatanggi ako sa utos nito.

"Ang tamad mo Kalaykay ha? Baka nakakalimutan mo may utang ka pa sa akin" tukoy nito sa minsang pagtulong nito sa akin sa pagspy sa Black Phoenix.

Makasingil naman ng utang ito e mas marami itong atraso sa akin!

"Alam mo di ko talaga magets bakit ikaw pa talaga ang dahilan ng gang war bukas. Si Bakulaw granted talaga na abnormal mag isip pero si Boss Blaze ang di ko magets. Bakit kailangan nyang patulan ang pagiging abnormal ng kapatid natin? E di ka naman papatulan ni Blaze. Sa itsurang mong yan?" Tuloy tuloy na lintanya ni Kyle.

Napatayo akong bigla. Bakit ko ba nakalimutan ang laban nila Kuya at Blaze bukas?

"Oi san ka pupunta? Pano ung pagkain ko?" Habol sa akin ni Kyle.

Bwisit talaga ang kakambal ko. Dadanak na ang dugo bukas pero sariling sikmura ang pinoproblema pa rin nito.

"Pupuntahan ko si Em! Magbukas ka na lang ng delata!"

Kumaripas na ako ng takbo bago pa ako mapigilan ni Kyle.

Kailangan kong magpasama kay Em papunta sa isang tao na alam kong may kakayahan na pigilan ang gang war bukas!

_________________________

Em's Pov

Kasama ko ulit si Reica at nasa park na naman kami. Napakabusy namin ngayong araw na ito. Kasalanan lahat ito ni Kayne e. Napakatigas ng ulo at ayaw makinig sa future wife nya!

Tiningnan ko si Reica na nakatulala sa kawalan. Isa pa itong bestfriend ko na mas lalo yatang naging weirdo! Mukhang may di pa inaamin sa akin ang isang ito a!

"Reica! Sorry ngayon lang ako nakatakas sa Kuya mo. Anong maipaglilingkod ko sa prinsesa namin?" Nakangiting bungad ni Rocco sa amin.

Medyo hinihingal pa ito at pawis na pawis pero gwapo pa rin. Isang salita lang talaga ni Reica ay napapasunod na nito ang second in command ng  Black Spider.

"Kuya Rocco may hihingin akong favor sa'yo..."

Tulalang napatitig lang si Rocco kay Reica. Di siguro nito kinaya ang nagmamakaawang itsura ni BFF.

First time na lumapit si BFF dito at humingi ng tulong. Andyan kasi palagi si Kayne upang sundin lahat ng gusto ni Reica. Ganyan kaspoiled ang bestfriend ko!

"A-anything..."sagot nito.

Napangiti si Reica. Lalo tuloy natulala si Rocco.

Obvious naman kasi na inlababo ito kay Reicavat sigurado akong alam din yun ni Kayne na mukhang boto naman dito para kay Reica.

Kasi kung hindi, matagal ng wala sa mundong ibabaw si Rocco. Sobrang torpe nga lang ni Rocco. Sinayang lang nito ang basbas na unknowingly na binigay dito ni Kayne. Naunahan tuloy sya ni Blaze Hunter Sullivan!

"Kausapin mo naman si Kuya. Wag nyo ng ituloy ang laban nyo sa Black Phoenix."

Lumungkot ang itsura ni Rocco. Dismayado dahil siguro di nito kayang pagbigyan ang hiling ni Reica.

"Rocco kausapin mo na si Kayne. Makikinig naman siguro sa'yo un. Paliwanagan mo sya." Dagdag ko.

"Gusto ko talaga kayong pagbigyan kaso si Kayne ang masusunod sa Black Spider e."

"Pero bestfriend ka ni Kayne. Bigyan mo lang sya ng advise na wag ng makipaglaban pa sa grupo nila Blaze. Marami lang madadamay at masasaktan pag ginawa nyo yan."

"Please Kuya Rocco?"

Huminga ng malalim si Rocco at malungkot na umiling.

"Bakit nyo naman naisip na makikinig sa akin si Kayne e kung ikaw mismo Reica ay di mo nakumbinse ang Kuya mo?"

"Subukan mo lang Kuya Rocco? Bestfriend ka nya..."

"At prinsesa ka nya. Ginagawa lang naman nya ang tingin nyang
makakabuti sa'yo"

"At ang laban sa Black Phoenix ang makakabuti kay Reica ganun ba ang ibig mong sabihin Rocco?"napipikon na tanong ko dito. Parehas lang pala ito ni Kayne na matigas ang ulo!

"Nilalayo lang ni Kayne ang kapatid nya kay Blaze. Di nyo alam ang totoong pagkatao ni Blaze"

"At kilalang kilala nyo si Blaze ganun ba?"

"Tama na Em."

Natigilan ako sa lamig ng boses ni Reica. Mukhang napuno na rin si BFF!

"Hindi mo ba talaga kami mapagbibigyan Kuya Rocco?"

"Sorry Princess..."

Kinabahan ako sa pag ngiti ni Reica.

"Okay lang. Pero tandaan nyo ito. Kahit kailan di na ako susunod or makikinig sa inyo ni Kuya. Pinalampas ko lahat ng pangingialam nyo sa buhay ko. Hindi na ngayon."

Nakita ko pa ang pamumutla ni Rocco. Ako rin nashocked sa sinabi ni Reica.

"Wag mo na rin akong tatawaging Princess. Reica ang pangalan ko, Rocco." pahabol na sabi ni Reica bago ito tuluyang tumalikod at umalis.

Nakita ko pa ang pagbabago ng itsura ni Rocco. Mula sa tila maamong tupa nagtransform ito sa nakakatakot at mabangis na tigre. Mas nakakatakot na ito ngayon kay Kayne sa beast mode nito.

Napailing na lang ako. Mas pinalala lang ni Reica sa pagbabanta nya ang sitwasyon. Yun natitirang taong inaaasahan naming magiging kalmado bukas sa laban ay galit na galit na ngayon. At sigurado akong pag iinitan nito si Blaze.

Laking gulo talaga ang pinasok ngayon ni Reica!

________________________________________

Third Person's Pov

She's been patiently waiting for this moment. The Black Phoenix and Black Spider were busy preparing for their war. It's time for her to attack Reica and she was also finished preparing her bait.

As usual, someone will do her dirty works and she will earn the profit named Blaze Hunter Sullivan. She just need to get rid that annoying bitch!

🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟

Rocco Marasigan as Kim Woo Bin




Ang Astig kong Prinsesa!Where stories live. Discover now