5. Collide

5.1K 77 5
                                    

Reica Pov

Its been a week since my incident with the Black Phoenix. So far wala namang near death experience akong naranasan after that. Kaya medyo nakakahinga na rin ako ng maluwag.

Sabi rin ni Kyle mukhang itinigil na rin ng Black Phoenix ang paghahanap sa akin. But still for precautionary measure, I maintained my nerdy look. Babalik na lang ako sa dati pag grumaduate na ang mga Boss ng Black Phoenix.

May silbi na ngayon sa akin ang kakambal ko. Kyle became my spy on the gang.

Wala akong klase ngayon kaya heto ako sa bahay nagsasoundtrip.

"Princess are you really okay being left here alone?"makailang ulit ng tanong sa akin yan ni Kuya Kayne. Ang kulit lang di ba?

"Oo naman Kuya! Im sixteen not six years old okay? Sige na pumasok ka na! Baka malate ka pa e!"

Tinutulak ko na palabas ng bahay ang makulit kong kapatid.

"Di talaga ako mapakali Princess! Samahan na lang kaya dito?"

"Ay ang kulit naman nito e!"

Minsan di ko alam kung sino mas matanda sa amin ni Kuya Kayne. Madalas kasing mag isip bata ang kapatid ko.

Napansin ko si Rocco na nakaupo sa salas namin. Hinihintay ang pasaway kong kapatid.

"Kuya Rocco please lang! Bitbitin mo na nga papasok si Kuya Kayne. Parang lasing lang sa kulit e!"

Nakangiting nilapitan ako ni Kuya Rocco. Masuyo nitong ginulo ang buhok ko.

"Mahal ko pa ang buhay ko Princess. Iba na lang ang hilingin mo okay?"

"A ewan ko sa inyo! Kuya Kayne dapat pagkatapos kong maligo wala na kayo dito ni Kuya Rocco ha? Kundi isusumbong kita kay Kuya Kyan na nagbubulakbol ka na naman!" Pinandilatan ko pa mga eto bago tumalikod at pumasok sa kwarto ko.

Sinundan na lang ng tingin ni Rocco ang papalayong si Reica.

Piningot naman ni Kayne ang tenga ng kaibigan.

"Bata pa ang kapatid ko Rocco!" Warning nito.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" Maang na tanong ni Rocco.

"Kabisado kita Rocco. Halika na nga pumasok na tayo. Pag naabutan pa tayo ni Bunso malalagot pa tayo dun e"

After one hour...

Yes ganun talaga ako katagal maligo lalo na pag wala akong kaagaw sa CR.

Wahahaha! Alone at last!

Niready ko muna ang snacks ko saka ko nilakasan ang home theater namin.

Magbabasa muna ako sa Wattpad.

This is life! No Kyle to disturb my peace and order.

Nakadapa akong nakasalampak sa sofa namin. Namumugto na ang mata ko sa pag iyak sa binabasa ko ng biglang mag ring ang telepono namin.

Istorbo naman to!

"Hello?"

"Sino to?" Mataray na tanong sa akin sa kabilang linya.

Nag init agad ang ulo ko sa angas ng pagtatanong nito.

"Ikaw ang tumawag sa amin tapos ako ang tatanungin mo kung sino ako. Baliw ka ba ha?" Mataray ko ring sagot dito.

"This is Dixie, girlfriend ni Kyle. Maid ka ba nya? Asan ang amo mo?"

Aba antipatika talaga ang Dixieng to! Bwisit ka talaga Kyle! Wala ka nga dito pero un mga kampon mo naman ang nambwibwisit sa akin!

Ang Astig kong Prinsesa!Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora