11. My Big Fat Ass

4.7K 77 1
                                    

Reica's Pov

Di ko mapigilan ang sarili ko na isipin ang mga sinabi sakin ni Beshie. Naguguluhan ako sa kinikilos ni Blaze.

Kung wala kasi syang pakialam sakin bakit nya naman gugulpihin ang manyak na un?

Kasalanan mo ito Beshie! Nahawa ko na yata ako sa pagiging hopya mo.

"Ako naman dyan! Kanina ka pa naglalaro dyan e!" Sigaw ng isang maliit na boses sakin.

"Hoy bata batuta matuto kang maghintay ha? Pumila rin ako ng matagal sa swing bago ako nakagamit nito!" Sagot ko sa sigang bata na ang sama ng pagkakatingin sakin.

Nasa mini park ako na malapit lang sa bahay namin. Pag ganitong gusto kong mag isip ay dito ako tumatambay.

Napatingin ako sa mga batang naglalaro sa di kalayuan.

"Bumalik ka na sa mga friends mo. Makipaglaro ka muna sa kanila. Tawagin kita pag katapos ko dito promise!" Pang uuto ko dito.

"Siguraduhin mo lang ha? Pag ako nasingitan lagot ka sakin!" Banta nito bago tumakbo papunta sa mga kalaro nito.

Napailing ako. Ganito na ba talaga katapang ang mga bata ngayon?

"You even fight with kids? You really are a Crazy Girl!"

Muntikan na akong mapatili sa boses na un.

Un taong palaging laman ng isip ko ay nasa harap ko ngayon! Pumikit ako at kinurot ang sarili ko.

Madalas kasi sa sobrang pagka active ng imagination ko ay nakikita ko si Blaze kung saan saan. Tapos malalaman ko guni guni ko lang pala ang lahat. Ang lakas lang magpaasa!

"Aray! Masakit un a!" Sambit ko.

Narinig ko ang malakas na pagtawa nito. First time na tumawa ang guni guni ko!

Tumayo ako at pinisil ang pisngi nito para makasigurado.

"Damn! What are you doing Crazy Girl!" Nakasimangot na hinawi nito ang kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napaupo ulit ako sa swing.

"Totoo ka nga..."

"Of course I am! You are getting crazier by the minute!"

Mga ilang minuto pa ang dumaan bago mag sink in ang lahat sakin. Ganyan ako kaslow!

Di ko kasi inieexpect na mapapadpad sa lugar namin si Blaze. Ano naman kasing gagawin ng isang rich kid sa lugar namin?

"Anong ginagawa mo dito?"

Nasa teritoryo ko kaya sya kaya dapat umayos ito. Kundi papahabol ko sya sa mga tropa kong askal!

"Are you thinking that I came here because of you?"sarcastic na tanong ni Blaze.

Hinde ba? Un sana ang gusto kong isagot dito pero ayaw ko kayang masupalpal. Saka wala sa pamilya namin ang assumera.

"Of course not! Bakit ka nga nandito Kamahalan? Mga simpleng nilalang na katulad ko ang gumagala dito"

"We settled something at the other street. We're just passing by when I saw you bullying a kid"

Napadaan lang pala. Swerte ko talaga. Sa dinami rami na madadaanan nito sa tapat pa talaga ng mini park ko!

"Di ko ugaling mambully. Di nyo ako katulad na mga sanggano!"irap ko dito.

"As far as I can see the only gangster here was you. You are the one who started a fight in Paradis, remember?"sagot naman ni Blaze.

Nakakainis. Di ko talaga matalo ito sa asaran! Speaking of Paradis...

Ang Astig kong Prinsesa!Where stories live. Discover now