18. Meet My Coolest Kuya

4.4K 78 12
                                    

Reica's Pov

Tila napakahaba ng araw ko ngayon. Gusto ko ng umuwi at matulog. Pero heto kami, nasa presinto. Ang masama pa, nabaligtad ang lahat ng pangyayari.

Kami ang tinurong nagsimula ng gulo at wala man lang naniwalang nakidnap ako. Nakahilera kami ngayon sa loob ng police station habang isa isa kaming kinukuhaan ng salaysay. Samantalang un mga kamoteng kumidnap sa akin ay pinalaya na ng mga pulis.

Very good talaga ang sistema ng batas natin!

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na niligtas lang namin ang kapatid ko na kinidnap nila?!"

Highblood na si Kuya Kayne. Ayaw kasi syang paniwalaan ng pulis porke't leader sya ng isang gang.

Ang pwesto namin ay ganito from left to right- Trystan-Aaron-Blaze-Ako-Kuya Kayne-Kuya Rocco-Kyle. So ako na ang sunod nilang tatanungin pag katapos nila kay Kuya. Dasal ko lang wag magwala si Kuya Kayne once na maubos ang pasensya nito sa tamang hinala na pulis.

"Wag nyo ngang binibilog ang ulo ko. Matagal na namin kayong minamanmanan. Marami kaming sumbong na narereceive dahil ginagawa nyong hide out ang lugar na iyon para makapag pot session kayo!"

"Mga kabataan talaga! Puro bisyo na ang inaatupag!" Sabat ng isa pang pulis.

"Look sir, we really are telling the truth. We just saved our school mate from that place" Wika naman ni Trystan.

"Mr Trystan kahit idol ka ng anak ko, ang hirap mong paniwalaan. Pasensya na. Sinugod sa hospital ang anak ni Mayor Cua at balita ko'y kritikal ang kondisyon nya ngayon. Samantalang kayo ng mga kaibigan mo ay maayos ang lagay nyo. Paano ako maniniwala sa mga sinasabi nyo ngayon aber?"

Sabay sabay naming tiningnan ng masama si Blaze.

"What the f#ck! That bastard deserved it!" Galit na depensa ni Blaze.

Pinandilatan ko si Blaze at sinenyasan na umayos ito. Baka lalo pa nitong mapalala ang sitwasyon dahil sa temper nito.

"Kahit un baby sister ko na lang ang palayain nyo. Sya naman talaga ang biktima dito e." Hiling ni Kuya Kayne sa pulis.

"Miss ikaw na nga lang ang kausapin ko. Mukhang ikaw ang madaling mapaamin sa lahat. Ikaw naman bumalik ka na dun. Wala akong makuhang matinong impormasyon sa'yo e." Utos ng pulis kay Kuya Kayne.
Pabalagbag na tumayo si Kuya Kayne at bumalik sa pwesto namin.

Kinakabahan na umupo naman ako sa front desk.

"Anong pangalan, edad at address ng tirahan mo Miss?"

Sasagutin ko ba ng totoo ang mga tanong ng pulis? Baka magkarecord ako nito, paano na ang scholarship ko sa SIA? Tapos mahihirapan na akong maghanap ng trabaho in the future...

"Sagot! Nauubos na ang pasensya ko sa inyo! Marami pa akong trabahong gagawin!"

Napaigtad ako sa pagsigaw ng pulis sakin.

Napansin naman ng pulis ang masasamang tingin nila Kuya Kayne at Blaze dito.

"Ang babata pa puro mga sanggano na agad..." naiiling na bulong nito.

"Where are the animals who dared to hurt my only son???" Entra ng isang middle aged na babae na mukha ng may hepa sa dami ng gintong nakasuot dito. May kasunod pa ito na sandamak mak na body guards.

Tila naging maamong tupa ang kaninang masungit na pulis ng lumapit dito.

"Madame Cua, iniimbestigahan na namin sila ngayon. Wag po kayong mag alala, bibigyan po natin ng hustisya ang nangyari sa anak nyo"

Ang Astig kong Prinsesa!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant