10. In Denial

5.7K 83 6
                                    

Em's Pov

Ilang araw na ring matamlay si Reica. Di ako sanay na ganito ang kaibigan ko. Un tipong tulala at biglang bubuntung hininga na akala mo ay may mabigat na problemang hinaharap.

Ako nga ilang taon ng humohopya kay Kayne pero never akong nag emote gaya ng ginagawa ni Reica.

I hope sa ichichika ko kay Beshie ay mahinto na ang pag eemote nito.

"Beshie!"

"Anak ng tipaklong! Bakit ka ba nanggugulat Em!" Singhal sakin ni Reica.

"Haler?! Kanina pa kaya kita tinatawag. Tigilan mo na nga yang pag eemote mo!"

"Di ako nag eemote!"

"Tulala check! Moody check! Bumubuntong hininga check! In denial check na check! Dalaga na ang bestfriend ko! Inlove na! Ayiee...."

"Em! Tumigil ka nga dyan! Baka marinig ka ni Kuya Kayne o di kaya ni Kyle. Aalaskahin ako nun e! Saka di ako inlove! Kanino naman ako inlove? Wala lang talaga ako sa mood..."

"Wag ako Reica. Kabisadong kabisado kita. Ganyan ka din before kay Michael remember? Umamin ka na gusto mo sya! Uy!"

"Hinde nga sabi e! Wala akong gusto sa mokong na iyon! Never ako magkakagusto sa Blaze na un!" Napahawak sa bibig si Reica.

Sa bibig talaga nahuhuli ang isda!

"Huli ka balbon! Wala naman akong sinabi na kay Blaze ka may gusto e. Umamin ka na kasi Beshie..."

"Okay fine! Crush ko lang sya no?! Sino ba namang di magkakacrush dun? Babae rin ako may mga mata..."

"Ako Besh! Wala akong gusto kay Blaze..."

"Abnormal ka kasi Em! Magkagusto ka ba naman sa kuya kong may saltik!"

"Hoy isusumbong kita Kayne. Wala kang loyalty. Wag mong ibahin ang usapan! So gusto mo nga si Blaze? Mahal mo na sya Beshie???"

Pinandilatan ako ng mata ni Reica. Ang cute talagang pikunin ng bestfriend ko! Kasing cute ni Kayne pag inaasar ko. Hehehehe...

"Crush ko nga lang sya e! Pero pinipigilan ko na! Kahit gwapo pa sya kung masama naman ang ugali nya, wag na lang..."

In denial talaga ang kaibigan ko. Kitang kita sa mga mata nito ang lungkot. Affected talaga ito sa nangyari sa Paradis.

"Beshie may ichichika ako sayo. Di ba member ng Kappa Sigma frat ung nambastos sayo? His name is Dexter Cua..."

"Wala akong pakialam sa manyak na un Em"

"Patapusin mo nga muna ako magkwento Beshie. Kinabukasan hinanting ng Black Phoenix ang grupo nya. Tapos si Blaze pa mismo ang gumulpi kay Dexter. Until now nakaconfine pa rin sya sa hospital."

Di ko na sinabi kay Reica na ilang araw pa lang nasa hospital si Dexter ay sina Kayne naman ang rumesbak sa mga ito. Kaya lalong napuruhan ang mokong.

"Bakit nya naman ginawa un?"

"Di ko rin sure. It's Blaze. Sya na yata ang pinakakomplikadong tao nakilala ko. Honestly, mas gusto kong layuan mo sya. Di ko lang matiis na nasasaktan ka sa pag iisip na masamang tao si Blaze. Pero sa ginawa nya you can't deny na kahit papaano may pakialam sayo si Blaze di ba?"

In the past few days, ilang beses ba naming nakakasalubong sina Blaze sa school? Dati naman kahit anino ng mga ito ay di namin makita. Pero ngayon, kahit saan kami lumingon palagi naming nakikita sina Blaze.

Ewan ko kung napansin un ni Reica. Madalas kasing may pagkamanhid ang BFF ko.

"Aside from the fact, binangga ni Blaze ang Kappa Sigma. Kahit na malakas ang Black Phoenix, they never tried to confront these guys. Baliw lang ang kakalaban sa Kappa Sigma who was the oldest frat in our place. But Blaze did at kinikilig akong isipin it's all because of you..."

Ang Astig kong Prinsesa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon