3. White Lies

6.5K 105 8
                                    

Reica's Pov

After the warning of her twin, mabilis nyang sinuot ang eye glasses nya na kasing kapal ng kay Betty La Fea. Pinusod nya rin ang buhok nya gaya ng ginagawa nya pag nasa bahay sya.

Now I totally looked like a nerd! Bulong ko sa sarili ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Now I totally looked like a nerd! Bulong ko sa sarili ko.

Buong klase rin akong balisa. Patingin tingin sa pintuan kaya naman wala akong naintindihan kahit isa sa lesson namin ngayon.

Ngayon nga ay lunch break namin at heto ako parang baliw na nakahawak sa pader habang sinisipat kung may mga suspicious na taong nagmamatyag sa akin.

Kasalanan nyo to Black Phoenix! Lalo ka na Kyle! Di ako magiging ganito kapraning kung sinabay mo ako kanina sa pagpasok!

"Hoy Reica!"

Napatili ako at sinamaan ko ng tingin ang nang gulat sa akin.

"Ano ba Annie! Wag ka ngang mang gulat dyan! Baka atakehin ako sa puso!"

"Para ka kasing adik dyan na takot matokhang! Anong klaseng trip yan?"tanong nito.

Meet Annie Rose Ferrer. Bukod sa BFF ko, sya palang ang nakakasakay sa kaweirduhan ko. Classmate ko sya sa lahat ng subjects kaya mas madalas sya ang kasama ko sa school.

We both took Mass Communication samantalang si BFF ay HRM ang kinuha. Its my dream kasi to become a reporter someday. Kamag anak ata namin si Dora Explorer kaya ang dream job ko ay un nagtatravel sa kung saan saang sulok ng bansa. Pati nga buhok ni Dora ginaya ko kahit na tinadtad ako ng tukso ni Kyle at ni BFF.

Wala kasing basagan ng trip saka bumagay naman sa akin e. Un din ang usong hair cut ngayon dahil sa KPOP invasion. Sabi nga nila bangs is life.

Back to Annie di ko rin magets kung bakit ako ang pinili nitong kaibiganin. As far as I know, Annie belongs to the popular group of the school. Her family owns a couple of expensive boutique. Mi Amore ata un pangalan ng boutique nila.

Anyway sabi ko nga di ko alam kung ano nakita nito sa akin at kinaibigan nya ako. She has a very long soft wavy hair na pwedeng pang model ng shampoo. She's tall at 5'4 height nito. Sexy at maputi. Mayaman kaya fashionista din pumorma.

Pag kasama ko sya nagmumukha lang naman nya akong personal alalay.

"Anne may napapansin ka ba na sumusunod or di kaya tumitingin sa akin?" Malikot pa rin ang mga mata ko at ala ninja din akong kumilos.

Tinawanan lang ako ng malakas nito. Ganito ang habit nya. Ang pagtawanan ako kahit di naman ako nag jojoke. Baliw lang din sya, katulad ko.

"What kind of drugs did you take last night Rei? Ang high mo ngayon ha?"

Sige lang eto sa pagtawa. Si Annie lang yata ang mayaman na walang kaclass class tumawa. Kita na ang gilagid nito at ngalangala dahil sa kakatawa.

"Aish! Halika na nga sa cafeteria! Baka andun na si BFF ko!" Inis na hila ko dito.

Ang Astig kong Prinsesa!Where stories live. Discover now